Unang pasok ko palang sa bago kong paaralan, ang Jang University, alam na alam ko na agad ang baho ng mga tao dito. I know maraming plastic, bitch, perfectionist, judgemental, insecure, and most especially playboys. That's why i don't trust anyone from this school.
Akalain mo? Pagpasok ko palang sa gate may nakatambay na agad na mga lalaki dun tapos kada babaeng dadaan titigan lang nila at i-rerate kung gaano kaganda? Tapos nung paakyat na ako papuntang room ko, sa hallway may narinig akong nag-uusap. Hindi naman sa nakiki chismis pero nakakainis lang pakinggan. May dalawang babaeng proud na proud at paramihan sila ng na ex. Tsk. Mga bitch talaga. Nakakainis. Ugh! Mommy bakit dito pa? 😔
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Anyway, Hi I'm Brianna Alfonso. 16 years old studying at Jang University. This school is really annoying. Annoying students, annoying teachers, hay nako! Hindi ko alam kung sino ang mapagkatiwalaan. Hindi ko alam kung paano ako makakasurvive dito. Kung magiging masaya ba ako the whole SY. Hopefully walang eepal sa buhay ko. Okay lang ako maging loner at least walang plastic. I'm sporty, my dad used to call me "jack of all trades, master at none". Ang dami ko na kasing sinasalihan lalo na pag sports. I play frisbee, soccer, archery, badminton, a little volleyball and softball. I just hate balls. Lol. Mahilig din ako sa arts, mahilig akong mag participate sa mga singing and dancing na contests. Basta madami akong alam. Hindi ako gaanong matalino pero matataas ang mga grado ko. Sabi nga ni mama "polymath" ako. I don't know. We owned a company. Nasa ibang bansa ang parents ko kaya ako lang at kuya ko ang nandito sa pinas. They are so busy kaya ako napadpad sa isang paaralang tulad nito. Hindi muna nila inimbistigahan bago nila pinili tong school. Tsk.
Naglakad lakad muna ako para ikutin ang campus. Para naman hindi ako mawala sa susunod. Nakakainis lang kasi ang daming nakatingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang babae?
Papunta sana ako ng canteen nang biglang may bumangga sa akin. Nabangga ako dahil sa nagmamadali siyang umalis. Anong problema nun? Tsss. Maya maya pat nagsilabasan na ang mga tao. Ay okay? Buti nalang para ako mauna sa linya hehe. Bumili ako ng cake, mocha cake. Hindi pa kasi ako nakakapag breakfast. Di kasi ako marunong mag luto eh. Hehe. Nakalagay sa isang platito at kumuha ako ng tinidor. Sa mga bench sana ako kakain sa labas nang pagtalikod ko may nabangga ako at ang icing napunta sa uniform Ko.
"The hell!" Sigaw ko at napatingin sa lalaking nakabangga sa akin.
"Ano miss?" Sabi niya na naka ngiti. Kala niya siguro madala ako diyan. Pagtingin ko sa ID niya, nalaman kong Reil pala ang pangalan niya. Reil Faustino. Hmm... Tumingin nanaman ako sa kanya.
"Nadumihan mo ako" sabi ko ng mahinahon. Not letting my anger rise and ruin my first day.
"Kita ko." Sabi niya at nilagpasan lang. Okay... Napikon ako kaya dinampot ko ang cake sa platito at itinapon sa likod niya. Tumahimik bigla ang paligid at huminto siya. Okay? What happened?
Nakarinig ako ng mga bzzz. Mga nagbulungan. Ewan ko pero tumakbo ako agad paalis. Kinabahan ako eh. Pumunta ako sa cr at pinunasan ang icing sa damit ko. Nako naman. Ang pangit agad ng araw ko. Tsk . pagkatapos ay lumabas na ako at pumunta sa classroom. Umupo nalang ako nagdoodle sa notebook ko. Maya maya hindi ko namalayang ako nalang pala ang nasa silid, lumabas silang lahat. Napatayo ako nung bumagsak ang pinto. It was him. Reil. Sht anong gagawin ko?