ONE

134 29 11
                                    




KAEL


"Ihahatid na kita sa inyo, Kenna." Sabi ko kay Kenna habang nakatuon parin ang tingin ko sa daan. Kasalukuyan kasi akong nagmamaneho para iuwi na siya sa kanila. Sinulyapan ko siya nang 'di siya sumagot. Hindi pala. Kanina pa pala siya di umiimik. Nakatulala lang siya at nakatingin sa labas ng kotse.

Nag-igting ang panga ko at humigpit ang hawak ko sa manibela.

Gag*ng lalakeng yun! Alam ko na sa una pa lang na hindi talaga niya kayang mahalin si Kenna. Pero isinawalang bahala ko lang yun. Dahil nakikita ko namang masaya si Kenna sa kaniya. Halos lahat na lumalabas sa bibig niya ay tungkol sa lalakeng yun. Nakikita ko talagang mahal niya ang lalakeng iyon. Kaya ako. Walang nagawa kundi ang supurtahan ang babaeng matagal ko nang mahal.



**Flashback


Ngayon ko na ipagtatapat kay Kenna ang nararamdaman ko sa kaniya. Sinabihan ko siya na pumunta dito sa tambayan naming lugar. Bumili pa nga ako ng paborito niyang pagkain. Fish-ball. Actually, paborito namin yan. Sa totoo lang, matagal ko na sana ito gustong sabihin sa kaniya. Pero inuunahan lang talaga ako ng katorpehan. Kaya ito! Umabot pa nang dalawang taon para  magkaroon uli ako ng lakas na magtapat ng nararamdaman. At sana ganun rin ang nararamdaman niya para sa akin.

We're best friends. I know. Pero hindi naman dapat sigurong hanggang doon lang kami. Iba itong nararamdaman ko sa kaniya. Mahal ko siya.

Pero iniisip ko din na, pa'no kaya kung i-reject niya ako? Pa'no kung gusto niya lang ako bilang isang kaibigan niya? Bilang best friend?

"Kael! Nakatulala ka jan?"

Tumingala naman ako. Nakaupo kasi ako sa isa sa mga benches dito.  And I saw her. Kenna. Standing in front of me. She really is beautiful. She's genuinely smiling at me.

"Kael, alam kong maganda ako."

Oo! Maganda ka.

Gusto ko yung sabihin sa kaniya pero tumayo ako ginulo ang buhok niya. Hindi pa ako nakuntento at pinisil ko ang matangos niyang ilong.

"A-Awray. Ngkael... Hanuba?"

Natawa naman ako dahil sa pagsalita niya. Haha! Parang bungi!

"Aray!" Sigaw ko at inihinto na ang pagpisil sa kaniyang ilong. Sino ba naman ang mapapa-aray kung kinukurot na ang kamay mo.

Nakasimangot naman niyang inayos ang buhok niya.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito? Para sa akin ba 'to?"

Tukoy niya sa fish-ball na binili ko kanina. 'Di na niya ako pinasagot at kinuha na niya ang fish-ball na naka-patong sa bench at umupo. Sinimulan na niya itong kainin.

Tss! Takaw talaga nito.

"Bakit? Bawal ba? May lakad ka ba?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.

"Wala naman. Hindi kasi natuloy ang lakad namin ni Davon eh." Sagot niya sa gitna ng kaniyang pagnguya at sumimangot.

Oo nga pala. Si Davon. Ang manliligaw niya. Tss! Hamak na mas gwapo kaya ako dun!

"Kenna."

"Hmm?" Patuloy parin siya sa pagkain.

"May sasabihin sana ako sa'yo."

Tumigil siya sa pagkain at humarap sa akin. Ubos na pala ang fish-ball kaya tumigil siya.

Tiningnan ko siya sa mata.

Maybe TomorrowOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz