Naglalakad-lakad ako sa second floor nung maulinigan ko ‘yung mahinang tunog ng piano. Kaya hinanap ko kung saan galing ‘yon. Hanggang sa makarating ako sa maliit na sala at may nakita akong maputing lalaki na nakatalikod sa’kin at tumutugtog nung piano. Tahimik akong umupo dun sa sofa sa likod habang pinapakinggan ko ‘yung pagtugtog niya. Naisip ko ngang magandang saliwan siguro ng gitara ‘yon.

Nadala yata ako ng pagtugtog niya kaya napapikit ako. Hanggang sa hindi ko namalayang tapos na pala.

“Uy, Charlie, nandito ka pala,” narinig ko ‘yung pamilyar na boses.

Pagdilat ko, halos lumuwa ‘yung mga mata ko. “CASPER?!” Si Casper!!! Tumutugtog ng piano!

Lumuhod talaga ako sa harapan niya, pinagdaop ‘yung mga palad ko at nakapikit na nagdasal. “Eternal rest grant unto Casper’s soul oh, Lord. And let Perpetual Light shine upon him! Casper!!! PUMUNTA KA NA SA LIWANAG! SINABIHAN KO NA SI SAN PEDRO NA PAPASUKIN KA! ILANG BUWAN KO NA RING SINASABI KAY PAPA GOD NA BANTAYAN KA SA HEAVEN!”

 

Naramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko at pagdilat ko, tumambad sa’kin ang maputla at maputing mukha ni Casper. “Huy! Charlie! Okay ka lang?”

Agad akong tumayo at nagpalinga-linga. “May altar ba dito? Pantitirik na kita ng kandila!”

Hinawakan niya ‘yung magkabilang pisngi ko. Anlamig ng balat niya! Kaya mas lalo akong nataranta. “CHARLIE! CHARLIE! ANONG SINASABI MO?”

Tinitigan ko siya sa mata. Saka ko naitanong sa sarili ko: Bakit nahahawakan niya ako? “H-Hindi ka ba mumu?”

Ayon, humagalpak siya sa tawa. Kulang na nga lang gumulong siya sa carpet eh.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot nung nalaman kong totoong tao si Caspe—ay, Henry pala. Akala ko kasi talaga may kaibigan na akong mumu. Ang astig kaya non! Hmm, pero ays na siguro. May bago na naman akong kaibigan na marunong tumugtog ng piano. Parang mas astig yon, hehe.

Pinsan pala siya ni Van. At ang pangalan niya ay Henry… Henry Wang. Kaedad ko rin lang pero sa Ateneo siya nag-aaral at dun na rin yata siya magka-college. Nagulat nga siya nung sinabi kong magka-college na rin ako eh. Akala kasi niya, sobrang mas bata pa ako sa kanya.

Nung maggagabi na, nagpaalam na ako kila Van at sa mga natirang Dugong Bughaw don. At dahil natuwa sa’kin ‘yung mga magulang ni Van, binigyan ako ng tikoy. Tatlong kahon ng tikoy! Hehe. Libre naman daw eh kaya nung binigyan ako ng isa, humingi pa ako ng dalawa, ahahaha. Kulang sa pamilya ko ang isa ‘no! Sa’kin pa lang ubos na ang isa eh, hehehe.

Si Henry tsaka ‘yung pinsan niyang taga-UP na kuya ni Van ang naghatid sa’kin pauwi.

“May itatanong pala ako sa’yo Charlie,” sabi ni Kuya Terence. “Pwede bang manligaw si Henry? Hahahaha!”

Nakita ko pa kung paano malakas na sinuntok ni Henry ‘yung braso ni Kuya Terence habang nagda-drive si kuya. Nagtaka naman ako. Wala namang masama sa panliligaw ah.

“Pwede naman po, kuya,” sagot ko naman at mas malaki ‘yung ngiti ni Kuya kay Henry. “Sino po ba ang liligawan ni Henry? Kailangan mo ba ng tulong ko? Sabihin mo lang.”

Nung parehas silang nagkamot ng ulo, hindi na ulit naungkat ang usapan. Nakipagpalitan na rin ng number sa’kin si Henry para daw pag nagawi ulit ako sa UP, sabihan ko lang siya para masamahan niya ako.

Bago ako matulog nung gabing ‘yon, napaisip ako: Ano ba dapat ang isasagot ko kapag may nagtanong kung pwedeng manligaw? Diba normal lang ‘yon?

===

 

A/N: YESSS.. alamat talaga si Tarlie.. PEKENG DUCK daw.. Peking duck po ‘yon.. wag mahawa XD hahahaha.

At ang prayer na ‘Eternal life grant unto [insert pronoun] Oh, Lord. And let Perpetual light shine upon [insert pronoun]’ ay dasal po na itinuro sa amin way back in elementary.. opo, si ate hunny po ay laking catholic school :D hehehe

Gulat kayo noh? Akala niyo naging fantasy/thriller/mystery na ang HATBABE? Hahaha. XD

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now