KABANATA 6

46 3 0
                                    

Nagseselos ako...

Tumulong kami sa pag bibigay ng school supplies sa mga bata pagkatapos Kumain.

Napansin kong laging magkatabi si Caleb at Liana. Ano kaya meron sakanila? Sila na kaya? Gusto Kong tanungin si Liana at kinikilig ako sakanilang dalawa pero I know this is not the right place to ask.

"Kanina mo pa ko di pinapansin ah?" Sabi ni Gavin na umupo sa tabi ko.

Ininom ko ang mineral water ko na kinuha kanina. Nakakahuhaw pala yung ginawa namin. Nilapag ko ang mineral water sa lamesa at di sya pinansin. Di ko alam pero inis pa rin ako sakanya.

Nagulat ako nung ininuman nya yung nangangalahating mineral water ko.

"Bat mo ininuman?" Ininisan ko ang boses ko para di nya pamansin na natutuwa ako sa ginawa nya.

"Finally huh? Pinansin mo rin ako." Sarkastiko nyang sabi at pinaglaruan nya sa kamay nya ang bote ng tubig

"Bakit kasi dyan ka pa uminom? May laway ko na yan!"

"Tss. Ano naman kung may laway mo na? Naghalikan nga tayo kanina." Pumula ang pisngi ko sa sinabi nya. Naalala ko yun kiss. May kung anong lumilipad na naman sa tyan ko.

Bakit ang dali para sakanya bangitin yung uh? Kiss.
Eh? Halos mahiya ako pag naaalala ko yun. Nakakainis!

"Hahaha! Sa tuwing naaalala mo yung halikan natin namumula ka.Dapat pala araw araw na kitang halikan." Humalakhak pa ang gago.

Inirapan ko sya at umalis na doon ghaaaad! Bakit ba ako namumula!

Naramdaman Kong nag jog sya para maabutan ako

"Hahaha" humalakhak pa sya. Bwiset!

Nakasalubong ko si dad di ko sya pinansin at tuloy tuloy ang lakad ko palabas ng maliit na gate.

"Oh,Hijo? Anong nangyare sa anak ko?" Narinig Kong tanong ni dad kay Gavin.

Huminto ako at tumingin sakanila. Lumaki naman ang ngisi ni Gavin.

"Nahuli ko po kasi sya na nagblush, inasar ko po kaya nainis sa akin." Kumamot pa sa ulo si Gavin.

Ghaaadd! Bat nya sinabi iyon? Kainis gusto ko syang pag sasapakin. Narinig ko ang pagtawa ni dad bago ako tumalikod sa kanila.

Pinagbuksan ako ng gate ng manong guard para makalabas.

Sa tapat ng school ay may malaking cover court. May mga hagdanan na nakapalibot sa court pababa sa court. Na amaze nga ako dahil dito lang ako nakakita ng ganung court.

Konti na lang ang tao dun dahil maghahapon na, Umupo ako sa hagdanan at pinanood ang sunset. Ang ganda pala dito.

"Uh? Hi, pwede ba mahingi ang number mo?" Lumapit sa akin ang medyo payat na lalaki. Sa di kalayuan nakita ko ang mga barkada nya na kinakantyawan siya.

Sinulat ko ang number ko sa papel na dala nya. Nagpasalamat sya at agad umalis dahil sa hiya.

May umupo sa tabi ko pagtingin ko si Gavin. Di ko sya pinansin at itinuon ang atensyon dun sa mga high school na nag papractice

"Let's go, uwi na daw tayo."malamig nyang sabi. Hinawakan nya ang kamay ko para tumayo, pero nanatili ako nakaupo. Di naman kasi ako sakanya sasakay. Ayoko.

Hinila nya ako, wala akong magawa kundi irapan sya.

"Get in." Malamig nyang sabi at binuksan ang front seat. Inirapan ko ulit sya.

Bat ba ang sungit nya? Di naman sya ganto kanina Tss.

"Di ako sasabay sayo, kay Luis na lang."

Pero parang wala syang narinig, binuhat nya ako at pinaupo sa front seat at kinabit ang seat belt.

Umikot naman sya papuntang driver seat. pina andar nya ito, binuksan nung guard ang malaking gate at nauna na kami umalis doo. nakita ko pang andun ang kotse ni luis at mom and dad. andoon pa rin ang apat na van.

"Ganun ka pala? Basta basta mo na lang binibigay ang number mo." Bigla nyang sabi matapos manahimik

Tinignan ko sya. Umigting ang kanyang panga habang seryosong nag da drive.

Is't the reason why he suddenly cold to me?

Wala akong masagot. Nakakainsulto kasi kala nya kung pakapag sabi sya sa akin parang close kami. Pero bakit naguguilty ako sa ginawa ko kaya wala akong masabi.

Yung parang nagkasala ako sakanya dahil sa ginawa ko.
Shit. Tapos may nararamdaman pa ako dito sa tyan ko na lumilipad.

"Ano naman kung basta basta ko lang binibigay yung number ko?! Ano naman yun sayo?" Inis Kong sabi habang nakatingin sa bintana.

"Kanina lang naghalikan tayo tapos kanina rin may pinagbigyan ka ng number sa ibang lalaki?" pagalit syang nagmananeho.

"Huh! Sino kaya sa atin ang may inuwi kagabi na babae sinakay mo pa dito sa kotse mo! Tapos pinasakay mo pa ako dito kanina! NAKAKADIRI! KASI FEELING KO ANDITO PA RIN ANG BAKAS NG GINAWA NYONG MALASWA!"

Galit sya? Pwes! Mas galit ako! Nakakainis! Nakakainis! Gusto ko na lang tumalon sa sasakyan nya at mag taxi pa uwi!

Nagtama ang paningin namin at halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Wala kami ginawa dito ni Samantha-" agad ko sya pinutol sa pagsasalita.

"Oh? Edi saan? Sa kama mo lang? Sa hotel?!" Sarkastiko Kong sabi ng di sya tinitignan.

"WILL YOU PLEASE LISTEN TO ME FIRST?!"

Napa pikit ako sa sigaw nya. Hindi dahil sa Natatakot ako kundi naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako kasi nagseselos ako...

"Wala saamin nangyare ni Samantha. Hinatid ko lang sya sa condo nya kagabi and that's it! And now, please stop thinking na may nangyare. Ano bang pake mo kung may nangyare sa amin o wala?" Nakatingin sya sa akin habang sinasabi iyon.

"Wala! At dapat wala ka ring pake kung may bigyan ako ng number kahit sino!" Inirapan ko sya.

"Damn girl!" Rinig Kong sabi nya.

Pagkatapos nun, Dumating kami sa bahay ng walang imikan.

Pagbaba ko sa kotse nya agad akong pumunta sa kwarto ko at di na bumaba ulit.

Tinawag ako para mag dinner pero di na ko bumaba dahil alam Kong andun pa sila, ayoko muna makita si Gavin.

May nararamdaman ako sakanya pero alam kong Hindi tama ang magkagusto sakanya atsaka napakabilis naman ata? Siguro pag di ko sya nakita ng ilang araw mawawala din ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Weight Of LoveWhere stories live. Discover now