My Sacrifice

18.7K 387 24
                                    

Hello guys! Chapter four na ng The Price of Love mukhang tuloy tuloy update ko hehe sana magtuloy tuloy..

Salamat po sa pagbasa, paadd ng TPOL sa reading list niyo, pavote at pafollow na rin. Maraming maraming salamat po nakakainspire na gumawa ng story :)

Picture of Nick Castillo brother of Nathan on the right====>>>>>

Song is All This Time by Six Part Invention

==================================================================================

CHAPTER FOUR

Nathan's Point of View

"Please God huwag niyo pong pabayaan si Nanay." piping dasal ko.

Dali dali akong dumiretsp sa ospital kung saan sinugod si Nanay, agad akong dumiretso sa nurse's station pagkarating na pagkarating ko doon.

"Nurse hinahanap ko po ang Nanay ko si Nancy Castillo?" tanong ko sa naabutan kong nurse, abot abot ang kabang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, patuloy kong sinisisi ang sarili ko dahil dapat napatignan ko na siya ngayon.

Agad naman nitong hinanap ang pangalan ni Nanay at ilang sandali lang ay ipinaalam na nito na nasa room three zero three ito, agad naman akong dumiretso sa nabanggit nitong kuwarto, naabutan ko si Nick na agad akong sinalubong pagkakita nito sa akin. Mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang nag-aalalang mukha ni Nick.

"Kuya si Nanay." tila nanghihina nitong sinabi sa akin, sabay na kaming lumapit sa kama, kung saan nakahiga ang natutulog naming ina.

Parang nadudurog ang puso ko sa nakita kong itsura ni Nanay, awang awa ako dito. Humpak ang mukha nito at nanlalalim naman ang ilalim ng mga mata nito, halata kasi dito na hindi ito masyadong nakakatulog ng maayos.

"Anong sinabi ng doctor?" tanong ko kay Nick, habang hawak ang kamay ni Nanay.

"Wala pa naman. Hinihintay pa kasi nila ang resulta ng mga test kay Nanay." sagot naman nito, umaasa na lang ako na hindi na sana ay hindi malubha ang sakit nito.

"Mabuti pang umuwi ka na lang muna para magpahinga. Malamang sa malamang ay bukas pa natin malalaman ang resulta sa mga test." sinabi ko dito, akma itong tatanggi ngunit agad ko din itong pinigilan.

"Kailangan ng ni Nanay ng damit pampalit at magluto ka na din para bukas dahil siguradong mahal ang pagkain dito." bilin ko dito.

Wala na nga itong nagawa kung hindi ang sumunod, sandali muna itong nagpaalam kay Nanay bago ito tuluyang umalis.

Habang binabantayan si Nanay ay nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Lailani, sandali akong lumabas para sagutin ang tawag nito, ayoko naman na maistorbo si Nanay sa pagpapahinga nito.

"Hello Lailani, napatawag ka?" bungad ko dito.

"Nasaan ka ngayon Nathan? Kamusta ka?" tanong nito, bigla naman napakunot ang noo ko nang maramdaman kong may problema kaya ito napatawag ngayon, hindi kasi ito basta basta tumatawag sa akin at madalas ay nagtetext lang ito. 

"Nasa ospital ako ngayon, sinugod kasi si Nanay sa ospital. Bakit may problema ba?" agad kong tanong dito.

"Wala naman, kamusta naman ang Nanay mo?" halata sa boses nito na nagsisinungaling ito, sa tagal naming magkakilala ay kahit paano ay basa ko na ito.

"Naghihintay pa din kami ng resulta ng test ni Nanay." sagot ko naman dito, hinintay ko itong magsabi ng totoo, pero kung ano ano na lang ang sinasabi nito.

"Alam kong may problema, kaya sabihin mo na ang totoo." ang sinabi ko dito, isang malalim na paghinga naman ang narinig ko mula dito.

"Ayoko sanang sabihin ito lalo na't nalaman ko ang nangyari sa Nanay mo, pero karapatan mong malaman ang nangyari. Kumalat na kasi sa school ang ginawa mong pagtatapat kay Elijah, at lahat ng estudyante dito ay ikaw ang pinag-uusapan. Hindi ko alam kung paano kumalat ang namagitan sa inyo." pagtatapos nito.

The Price of Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon