[A Very Short Story] Alamat ng Mansanas

181 2 0
                                        

Noong unang Panahon (yun kasi laging ginagamit kaya ganyan din intro ko hahahaha!) May isang Prinsesa na masakit ang lalamunan, (ewan ko kung bakit masakit lalamunan wala eh, ako author eh) At nagngangalang Kyla Ivy Alliah or KIA in short. (Haba kasi kakatamad magtype :P). Isang araw naglalakad ang Prinsesa papuntang hardin at nag i-snapchat at musicaly kasi gusto nyang aliwin ang sarili dahil sobrang sakit ng kanyang lalamunan ng biglang... May mahiwagang boses

*TEN TENENEN TENENEN Boom Boom joogs joogs ting baaaaaooom* (Yung COD: Black ops 3 pagkaOPEN mo palang. Background music lang)

Mahiwagang boses(MB): "Pumunta ka sa likod ng inyong palasyo at nandun ang nag-iisang puno na isa lang ang bunga (Promise isa lang talaga yun hahaha- Author here :P), Pitasin mo ang bunga ng puno at kainin mo, mawawala ang sakit ng iyong lalamunan, At yan lamang ang nag-iisang lunas sa iyong malubhang karamdaman."

"Sino ka?!" Nagtatakang tanong ng Prinsesa.

"Ako si KINGITPA [*King (pangalan ng pinsan ko)* King pangit in short] ang Mahiwagang Boses sa kwento na 'to. Pero pwede mo akong tawaging MB. (Joke lang yun tamad lang talaga ako magtype hahaha peace).

"Sosyal naman ng name MB parang "My Bad lang." sabi ng Prinsesa.

*tawa ng tawa yung Author sa part na yun hahahahahhah. Kasi yung full name ng pinsan ko Jarett King JK parang JUST KIDDING lang* anyways...

"Ano petsa na?" Galit na galit na sinumbat ng mahiwagang boses. "Tatapusin ba natin yung kwento or aalis nako? Dami pang satsat. Puntahan at Kainin mo nalang kasi eh arte mo ah." Dagdag pa nya.

*Nagalit ang Author like G-R-R at minadali nya ang kwento*
Joke lang nagmessage lang kasi si Crush hahaha.

Prinsesa KIA: "Ok fine!"

Pumunta sa likod ng Palasyo at lumapit ang Prinsesa at pinitas ang bunga ng puno (pero syempre kelangan slowmotion at may background music pero mahina lang para makita at mafeel yung arte artehan ng Prinsesa)

"Kelangan mong kagatan yung gitna ng bunga para effective yan." Sabi ng Mahiwagang Boses.

"Demanding naman neto, kakainin ko naman lahat eh." Sabi ni KIA.

"Malay ko ba, Yun yung sinusulat ng POGING AUTHOR eh." Sabi ng Mahiwagang boses at bigla na lang itong naglaho.

Kinagat ni Prinsesa Kyla Ivy Alliah (KIA inshort) ang bunga ng puno at Sa gitna nya ito kinagat gaya ng sinabi ng MB (mahiwagang boses).

Sabi ni Prinsesa KIA: "Aba! Gulat na sambit nya. "Parang lasa lang ng MANSANAS 'to ah."

At nakangiting inubos ni Prinsesa KIA ang MANSANAS na may VINEGAR...

Simula noon tinawag ng MANSANAS ang bunga na makikita lamang sa likod ng palasyo nina Prinsesa KIA. At nagmahal nadin ang presyo ng SUKA.

*Take note* hindi po gumaling yung sakit sa lalamunan ni Prinsesa KIA dahil kinain nya yung MANSANAS kundi dahil kinain nya yun na may SUKA.

*THE END*

_____________________________
Okay you wasted 2 minutes HAHAHAHAHA

A VERY SHORT STORY [ALAMAT NG MANSANAS]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon