Dito nalang

0 0 0
                                        

Dito nalang.
Dito nalang dahil di ko masabi nang harapan.
Malamang ako'y nahihirapan
Hindi ko kayang sabihin sayo nang tuwiran.

Dito nalang sa nakatago
Nang hindi mo na rin mabuko
Ang matagal ko nang tinatago
Lihim na pagmamahal ko sayo.

Dito sa mundong maraming nakakaalam
Ngunit kahit isa ay walang may pakialam.
Ang mundong marahil ay di mo gaanong alam
Dito ko isusulat ang mga tinatagong liham.

Dito nalang ibubulong

Ang mga salitang sa loob ko'y dumadagundong.
Animo'y mga asong umaalulong
Nasa kulungan, nanghihingi ng tulong.

Dito nalang sa birtwal na papel ko ilalapat
Ang mga salitang kaya kong isulat
Ngunit hindi kayang ipagtapat
Dito ko sasabihin ang lahat.


Dito.
Dito mismo.
Dito mismo sa mundong ito.
Dito mismo sa mundong ito nakatago.

Para Kay NicoStories to obsess over. Discover now