A/N: Guys, this is my first story kaya kung hindi niyo magustuhan, pasensya at i-comment niyo nalang po ang problem at ita-try kong hindi na maulit.
----------
Prologue
Naglalakad-takbo na ako sa gitna ng napakalakas na ulan. Buhat-buhat ko ang anak kong si Rachelle. Labag man sa kalooban ko, kailangan kong iwan ang anak ko sa ibang pamilya. Isang pamilyang kaya siyang buhayin ng maayos.
Nasa tapat na ako ng isang malaking gate. Naluluha man, inilapag ko sa damo ang sanggol kong anak. Hinalikan ko ang anak ko sa noo niya. Hindi ko gustong gawin 'to pero kailangan.
"Baby, don't worry, kukunin kita. Babawiin kita... Sana hintayin mo ako. Maiintindihan mo rin ako balang araw, anak ko... Mahal na mahal kita... 'Wag mo iyang kalimutan" maluha-luha kong kausap ang sanggol.
Hinalikan ko ulit ang anak ko sa pisngi saka nagdoorbell ng tatlong beses at nagtago sa likod ng puno. Isang babaeng may payong ang lumabas ng gate. Napatingin siya sa anak kong basang basa dahil sa ulan saka napatingin sa paligid. Binuhat niya ang anak ko at saka sila pumasok ng bahay.
Nanlulumo akong bumalik ng bahay. Labag sa loob ko ang basta-basta na lamang ibigay si Rachelle pero kailangan.
Tumakbo ako papasok sa kuwarto at doon ako umiyak ng umiyak. Naging masama ba akong ina dahil sa naging desisyon ko?
***
"Anak ko..." mahinang sambit ko nang maalala ko na naman ang nangyari fifteen years ago. Yakap-yakap ko pa ang litrato ng bagong silang kong anak. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Pinunasan ko ang naluluha kong mata saka ko inilapag sa bedside table ang picture frame kung nasaan ang litrato ng anak kong si Rachelle.
----------
A/N: This story is about a parent, separated with her child.
P.S.: This is not just all about that, meron rin siyang love love.
Thanks for reading guys. Don't forget to vote and comment. <3
YOU ARE READING
Ms. Terror
RandomMs. Cherry del Rosario, isang guro na nawalay sa sariling anak. Rechelyn Reyes, isa sa mga estudyante ni Ms. del Rosario. Simpleng estudyante lang naman si Rechelyn pero siya ang kauna-unahang estudyanteng nagawang tapatan ang ugali ni Ms. del Rosa...
