Kabanata 2

17 8 0
                                    

Kabanata 2

Padabog akong pumunta sa kinaroroonan ni Zenith Valentine, nakaupo siya sa training area habang may binabasang isang maliit na notebook, nag-isip pa ako kung saan ko nga ba nakita ang mga ganitong klaseng notebook, Ahm.. Aha! sa mga mortal.

Tumabi ako sakanya at ikinawit ang mga kamay ko sa braso niya , she closed the notebook and smiled like something hilarious she read about.

"Ano Valentine? Ngingiti ka nalang maghapon at i-ignorahin ang kagandahan ko?"

"Whatever,Strife. I'm still beautiful even I ignore you or not."

Binaklas ko ang pagkakahawak ko sakanya at inirapan siya.."I hate you!"
nginisihan niya lang ako at binelatan, "Like that I'd ever love you,Marie."

Napatigil ako at muling naalala ang nakita ko anim na buwan na ang nakalilipas,


"Shit! Destiny.."

hindi ako pwedeng magkamali, ang itim na usok na iyon ay nag-transform sa isang persona , I knew it! Kilalang kilala ko ang itsura niya, isang napakagwapong persona na mapanlinlang, niyakap ko nang mahigpit si Airy at hindi siya hinayaan makalingon.
Kumunot-noo ako at nagtataka kung paano nakapasok sa Eine Kleine ang isang taga Destiny Agency.

Mahigpit na ipinagbabawal ni Kupid Solemn ang pakikipaglapit sa mga tulad nila, pero ang malaking tanong.. Paano siya nakatungtong sa Lugar ng mga Kupido?
Hanggang ngayong palaisipan parin sa akin iyon , at hindi lang iyon ang tanong ko , Ano ang bombang iyon? para saan? ..
Hindi ko pa sya nasasagot dahil ipinagbawal ni Solemn na papasukin ako sa Laboratory, pero siguro naman ngayon , pwede na.




"Strife!"
napatingin ako kay Valentine na lukot ang mukha, "Sinong iniisip mo?"

Something....
Someone that I shouldn't be.

"Wala naman, iniisip ko lang kung napana rin ba ang utak mo."

"Bakit naman?"

Nagkibit balikat ako at nag-umpisa ng lumutang sa ere, "Nangangarap kana naman kasi na maganda ka, eh! yung mukha mo pa lang , kuko ko na." sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang, I waved my hand and flew away.

May nasalubong pa akong isang Psyche ,
"Hi! Kupid Strife.."

"Psyche Admire."

Ngumiti siya sa akin,
"may nangangailangan daw ng tulong ko, you know ..Kupido's mission."

Tumango lang ako at nagpaalam na sakanya, nagpatuloy ako sa paglipad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.

Nahiga ako sa kama , at itiniklop ang pakpak ko.
Itinago ko rin ang mga pana ko, pinikit ko agad ang mga mata ko, pero may bumabagabag talaga sa akin,




MASARAP ang pagkakatulog ko, ngunit gumagana ang utak ko na ipinagtaka ko, hindi ko maidilat ni magawang igalaw ang aking katawan.

What's happening?! I just fell asleep but my mind keeps on talking with myself.

"Stop fighting, Marie."

Shit!. someone's controlling me, ang lakas na ng pintig nang puso ko , what the hell! Just wake me up.

"Ssssshh.."

Ugh. Whoever you are,I'll gonna wreck your neck and smashed your head.

May narinig akong nagsalita ng ibang lenggwahe, and with that , I slightly opened my eyes and catch my breath.

It wasn't a dream, It was real.. so damn real.

They are so poweful, he is so powerful to control me.

The most playful persona , Knaves Lee Young.


I'm doomed.

################

STRIFE (Clandestine Series #1) [REVISED VERSION]Where stories live. Discover now