Ineffable

17 1 1
                                        

Sa pagdaan ng mga araw, hindi ko inisip kung anong kahihinatnan ng pag-iibigan namin. Dahil ang tanging nasa isip ko ay 'magtatagal kami.' Hindi man lang sumagi sa isip ko na 'baka may hadlang'?

Sabi naman nila, basta mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo. So does it mean that his love wasn't enough to fight for us? To fight for what we had?

I thought it was forever, yes it is, forever mourning and agony.

Madali lang daw magmove-on. Sabi ko naman, paano kung sa bawat bagay na nakikita ko, mukha niya ang naaalala ko? "Burahin mo ang pictures niya", sabi nila, paano ko buburahin kung alam ko namang may nakatago pang iba na pang reserba kung sakaling mabura ko ito?

Tatlong taon na ang nakakalipas, sariwa pa rin ang mga alaala nating dalawa. Balita ko ay nakapangasawa ka na. Mabuti ka pa, ako ata hindi na. Huling araw na ito, titigil na ko sa kakaasa sayo. Hindi ko na kaya. Ito ang liham ko sayo, nagpapasalamat at nagpapaalam na rin ako.

'Dear Romeo,

Hanggang ngayon, hindi pa rin kita makalimutan. Ang bangis mo naman! Iba ang tama mo sa akin! Salamat sa mga alaala nating dalawa. Hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan kung bakit mo ako hiniwalayan. Sabi mo ayaw sa akin ng parents mo, ganyan ka ba ka duwag? Na hindi mo ako kayang ipaglaban? Anyway, kalimutan na natin iyon. Paalam na! Sana masaya ka na ngayon.

Nagmamahal,
Ellie'

Walang salita ang katapat ng sakit na nararamdaman ko. Ganoon naman diba? Hindi mo malalaman ang tunay na sakit hanggang hindi mo nararamdaman. Walang salita ang makakatumbas sa sakit na dinaramdam mo. Pero ngayon, handa na akong kalimutan ng lahat ng iyon. Para masasabi ko sa sarili ko na, hindi man kaya tumbasan ng salita ang sakit na naramdaman ko kaya namang ipakita ng sulat ko ang kasiyahan na mararamdaman ko kapag nakalimutan na kita.

****
End.

IneffableWhere stories live. Discover now