Chapter 1.2

16.7K 338 5
                                    


Iisang tao ang naisip na tawagan ni Daphne ng gabing iyon, si Misty.

"Bestie?" hindi makapaniwalang tanong ni Misty sa kabilang linya.

"Bakit parang nagulat ka? Di ba, madalas naman akong tumatawag sa iyo ng ganitong oras?" malamig niyang tanong.

"Oo nga. Pero tonight is different. Honeymoon ninyo ni Gerone ngayon. Huwag mong sabihing tapos na? O magsisimula pa lang kayo?" pilyang tanong ng kanyang kaibigan.

Napabuntong-hininga si Daphne. "Iyon nga ang dahilan, Misty. I am totally disappointed tonight. Gerone disappointed me to the highest level." Hindi niya naitago ang inis.

"What?" gulat na tanong ni Misty. "Don't tell me, tinulugan ka niya ngayong gabi?"

"You got it right. Tinulugan nga niya ako. At hindi siya magising dahil ang dami niyang nainom. Parang...parang sinadya niya talaga."

"Oh, my gosh! I can't believe it, bestie. Sa ganda mong iyan, tinulugan ka lang ng hubby mo? And worst, this is your first night together. Di ba sabi mo, ni minsan ay hindi ninyo sinubukang mag-sex ni Gerone noong magkasintahan pa lang kayo? Ibig bang sabihin ay hindi man lang siya nasabik sa iyo sa ganda mong iyan?"

"Iyon nga ang ipinagtataka ko, Misty. Kaya inis na inis ako sa kanya."

"I sympathize with you, bestie. Kung sa akin mangyari iyan na tulugan ako ng hubby ko on the night of our wedding, magwawala talaga ako. Paano naman ang free accommodation ninyo diyan sa Frontera, sinayang lang niya."

"Balak ko nang mag-check out tomorrow morning, Misty. Nawalan na ako ng gana na mag-stay sa hotel na ito kung wala rin lang memorable experience na mangyayari."

"Huwag naman, bestie. Siguradong magtataka ang family mo kapag tinapos ninyo agad ang three day free accommodation na regalo sa inyo ng Frontera."

"Eh, ano naman ang gagawin ko rito, Misty? Tititigan siya habang natutulog?"

"Bakit hindi mo hintaying magising? Baka pagod lang at iyon nga, naparami ang inom. Baka bukas iba na iyan at iba na rin ang ikukuwento mo sa akin." Sinundan iyon ni Misty ng pilyang tawa.

Napangiwi siya. "Ikaw talaga. Seryoso ang problema ko pero tinatawanan mo lang."

"Seryoso rin ako, bestie," biglang bawi ni Misty. "Hintayin mo siyang magising at malay mo, kapag nasilayan niya ang kagandahan mo ay lumabas ang nakatagong halimaw sa loob ng katawan niya? Seduce him. Itodo mo ang pagpapaganda at pang-aakit sa kanya."

"Ano'ng oras pa siya magigising? Bukas pa ng umaga? Napanis na ang beauty ko noon. Ngayon ko siya kailangan, eh."

"I understand you, bestie. Teka, bakit hindi mo hanapin si Mr. Ruggedly Handsome? Baka makatulong siya sa problema mo?"

"Sino si Mr. Ruggedly Handsome?"

"Ano ka ba? Iyong guwapong ang lagkit ng titig sa iyo kanina sa reception. Malay mo, naka-check in din pala siya riyan?"

"Misty naman. Alam mong hindi ako ganoong klase ng babae."

"Joke lang, bestie. Huwag kang magalit. Pero just in case na tama ang kutob ko diyan kay Gerone, hindi kita masisisi kung bigla mong hanapin si Mr. Ruggedly Handsome."

"Anong kutob?"

"Na beki siya. Sorry, ha? I hope I didn't offend you. Pero kapag wala pang nangyari sa inyong dalawa hanggang bukas, naku, bestie, mag-file ka na agad ng annulment."

Sinfully Yours  (Scandals and Seduction Series Book 1) INCOMPLETE/SELF-PUBLISHEDWhere stories live. Discover now