The Letter

144 0 0
                                    


Bes,

Naalala ko nung una kitang nakilala, sobrang bwesit ko sayo nun. Ikaw na yata ang pinaka mayabang na lalaking nakilala ko. Sabi mo lahat ng babae kaya mong pasagutin, nung time na sinasabi mo yun napalingon ka sakin tapos nag-wink pa. Ang yabang talaga. Bigla kang lumapit at nagsabing "Naniniwala ka diba?" Sinagot kita ng tawa nun kaya napahiya ka sa classmates natin. Simula nun hindi mo na ako tinigilang suyuin akala mo yata kaya mo akong pasagutin e? Pero nabigo ka. Simula nun naging magkaaway tayo sa lahat ng bagay, ginawa mong kompetisyon ang lahat pero sa kasamaang palad lagi kang talo.

Sobra ang galit ko sayo nun, sagad sa buto. Pero nagbago ang lahat ng iligtas mo ang buhay ko, of all people ikaw ang huling taong ine-expect kong sasagip sakin, ni hindi ko nga ma-imagine e. Nung madulas ako sa rooftop at napahawak nalang ako sa railings ikaw yung naglakas loob na tumulong sakin, ang lakas ng ulan nun takot yata silang mabasa. Nagulat ako ng bigla kang nagalit sabi mo ang tanga-tanga ko, na sobrang tinakot kita. Na-confuse ako, ako yung muntik ng mamatay pero ikaw ang natakot? Dun nagsimula ang magandang pagkakaibigan natin. Simula nun di kana nawawala sa tabi ko, sa tuwing may problema ako andyan ka para i-comfort ako. Naalala mo nung mamatay si papa? Sobrang nanlumo ako nun halos magpakamatay ako, pero nakayanan ko yun kasi andyan ka sa tabi ko. Pilit mo akong pinapangiti kahit magmukha kang tanga okay lang basta mapatawa mo ako.

A Letter For My BesrfriendWhere stories live. Discover now