Ako si Sheela Mae, 18 years old. May boyfriend ako ang pangalan niya ay Jake.
3 years na kaming mag on sa relasyon actually legal kami sa parents namin.
Minsan nagkakalabuan na kami dahil lang sa maliliit na bagay, laging makitid ang utak niya at lang mapaghinala, nasasaktan ako kapag ginagawa niya sa akin yun. Konti nalang ang time na iginugugol niya sa akin, nung una naman palagi siyang may time at palagu niya akong nihahatid sa bahay.
Tama nga ang kasabihan na sa una lang ang nga lalaki. Pero bakit naman sa iba kulang nalang langgamin na sila sa sobrang kasweetan nila kahit years na ang nakalipas pero sa amin ni Jake years na rin kami pero ganun na pakikitungo niya sa akin. Minsan iniisip ko na hindi na niya ako mahal at may iba na siya pero nasasaktan ako kapag naiisip ko yun. Masyado ko na talagang minahal si Jake.
Palagi siyang nasa barkada niya, lagi siyang nandun sa bahay ng kaibigan niya pero bakit ako ni hindi man lang niya ako mabisita sa bahay namin. Hindi niya iniisip kung kamusta na ba ako pero palaging nasa barkada. Gusto ko sanang sabihin kay Jake na syotain niya nalang yung mga kaibigan niya. Nakakapang gigil!
Bakit ganun? Kung kelan ka nagmamahal ng totoo tsaka ka naman paging sinasaktan ng taong mahal na mahal mo. Oo nga kelangan masaktan sa isang relasyon para matuto. Pero sobra naman ata itong pasakit niya sa akin.
Sa loob ng 3 years puro selos ang nadadala ko sa puso ko hindi ko man maamin sakanya na selos na selos na ako sa mga barkada niya dahil buti pa ang mga kaibigan niya may time siya pero sa girlfriend niya konting oras lang ang kaya niyang ibigay, puro galit dahil kapag gusto kong mag-aya ng date ay palagi siyang nagagalit dahil aalis daw sila ng mga barkada niya at dahil nakukulitan nasa akin at nagagalit siya pero I won't give up ipaglalaban ko pa rin si Jake no matter what happen. Mahal na mahal ko siya kahit minsan nalang siyang sweet sa akin, pero atleast may time naman siya kahit papano. Okay na ako dun at isa pa may tiwala ako sakanya.
Nandito ako ngayon sa hallway papuntang library para isoli ang mga nahiram kong libro nang may nakabungguan akong lalaki na hindi ko sinasadya. Dahil sa sobrang taranta ko hindi ko na nasulyapan kung sino ang nabunggo ko dahil sa sobrang kalutangan kaya pinulot ko nalang ang mga libro na isosoli ko sa library kaya tinulungan niya ako sa pagpupulot nang hindi sinasadyang pangyayari na sabay namin napulot yung isang libro. Napatingin ako sakanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin.
"Sorry." sabi niya
"Okay lang." sagot ko sakanya at nginitian. Iniabot niya sa akin yung isang libro. "Ahmm... Thanks." huling sabi ko saka ako umalis at pumuntang library para isoli yung mga libro.
Kinabukasan nakita ko si Jake at yung lalaki na nakabungguan ko kahapon kasama ang mga ilang barkada niya sa likod ng auditorium. Malayo palang napansin niya na ako ni Jake at lumapit sa kinatatayuan ko.
Hinalikan niya ako sa labi. "Hi babe, how are you?" he said. Nagpapasalamat ako at pinansin niya ako.
"Okay lang babe, ahmm ngayon lang ata kita na ganyan ngumiti, anong meron?" sabi ko at tumingin sa mga kaibigan niya at bumalik sa mukha ni Jake.
"Ha? Syempre namiss kita kaya ako nakangiti ng ganito." paliwanag niya
"Sure ka?" di ako makapaniwala kasi pag nakikita niya ako minsan snob lang pero ngayon nilapitan niya ako at hinalikan pa kyaah!
"Yes babe tsaka may napagkatuwaan lang kami ng barkada." sabay ngiti niya. Aaminin ko na-dissapoint ako ng isama niya ang barkada niya sa mga ngiti niya. "Sige babe una nako." paalam niya sabay kiss sa cheeks. Sinagot ko lang siya ng isang pekeng ngiti.
YOU ARE READING
Two Timer (One Shot)
Teen FictionNaranasan mo na bang ma-two timer ng iyong kasintahan?
