"This month na uuwi si Athena diba? Or na postpone?" tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng kinakain namin.


Tumango naman ito "This week na rin siguro. Ata?... Pero wala s'yang sinabi na exact day kung kailan s'ya uuwi. Basta ang sabi n'ya imessage n'ya nalang daw ako pag susunduin ko s'ya sa airport" 


"Hanggang kailan s'ya mag stay sa pinas?" tanong ko sabay inom nung juice.


"I don't know. Kahit naman kailan pwede s'yang umuwi or umalis ng pilipinas. Bahala na s'ya sa buhay n'ya. Matanda na 'yon, alam n'ya na kung ano ang ginagawa n'ya"


"Sabay lang din naman kaming ggraduate" sabi ko kaya napatango s'ya. "Pero buti no, kaya n'yang pagsabayin ang pag-aaral at modeling"


"Hindi na kasi ito umaasa sa pera nina daddy at mommy kaya nag apply ito dun sa gusto n'ya. Hinayaan nalang din naman s'ya para nasasanay na ito mag isa"


"Such an independent person"


"Yeah"


Nag kwentuhan pa kami ng kung ano-ano hanggang sa umabot na kami ng gabi pagala-gala sa mall. Kain, bili, at kung ano-ano pa ang mga ginawa namin hanggang sa nag-aya na akong umuwi. Ramdam ko na rin yung pananakit ng paa ko kakalakad ng walang tigil. Nang makalabas kami sa mall, dumeretso kami kaagad sa parking lot tsaka na kami sumakay at umalis na. Nakarating din naman kami kaagad sa bahay dahil wala naman masyadong traffic sa dinadaanan namin.


"See you at 6" nakangiting sabi ko


"I don't know why pero kinakabahan ako. Tangina nakakawala ng angas ang ganito" sabi n'ya kaya natawa naman ako. Inalis ko na yung seatbelt tsaka ko s'ya mabilis na hinalikan sa pisngi. Nanlaki naman ang mata n'ya at dahan-dahan tumingin sa akin. "What was that?"


Nag kibit balikat naman ako. "I just want to kiss you--"


"Bakit hindi pa sa labi kung gusto mo lang pala ako nakawan ng halik" pag-putol n'ya sa sasabihin ko


"Ulol" sabi ko tsaka na bumaba sa sasakyan n'ya.


"Magiging tayo rin naman in the future so bakit pa natin papatagalin" rinig ko pang sabi n'ya at ng nasa tapat ko na s'ya nilagay n'ya ang braso n'ya sa bintana "Can I have another kiss?"


Umiling ako "Umuwi ka na. Makita pa tayo dito--"


"So what. It's just a kiss lang naman"


"Ayokong pag-usapan tayo ng mga chismosang kapitbahay Ares. Bawat sulok may cctv at maliwanag pa sa buwan ang mga ilaw dito sa bawat poste."


"Ang dami mong dahilan. I just want another kiss-"


"See you tomorrow, asshat" nakangising sabi ko tsaka na tumalikod at sinarado ang pintuan. Nakangiti naman akong pumasok sa loob ng bahay. Wala na rin tao sa sala kaya umakyat na ako sa kwarto at nag pahinga. Nilagyan ko na rin ng pagkain ang lalagyanan ni kitty. Nang makapag pahinga ako, dumeretso na ako sa banyo at naligo na.

When the Rain DropsWhere stories live. Discover now