The Auction

67.1K 639 83
                                    

Hello guys alam kong nangako ako na gagawin ko na yung book 2 ng I Remember the Boy ngunit hindi ko talaga mapigilan na simulant ito kasi gusto ko tong story na to actually naisip ko tong story na to last year nang mabasa ko ang Fifty Shades of Grey at inisip kong gawin bxg ang story ngunit I decided na bxb na lang.

Picture of Nathan Castillo on the right ==========>>>>>>>

Song is Stranger by Secondhand Ser

==================================================================================

CHAPTER ONE

Nathan's Point of View

Halos wala akong makita habang nakatingin sa harapan ko, nakakasilaw ang mga liwanag na nagmumula sa mga spotlights na nakatutok sa stage kung saan ako nakatayo.

Naririnig ko naman ang mga pag-uusap ng mga taong naroon na nakatingin sa akin, kanina ko pa gustong lumubog sa labis nakahihiyan nang dahil sa kinasasadlakan ko ngayon.

The organizer made me wear a white long sleeve na bahagyang malaki sa akin, tamang tama lang ito upang kahit paano ay matakpan nito ang pang-ibabang parte ng katawan ko na tanging ang tanging suot ko lamang ay ang underwear ko.

Hindi usual ang mga sinusubasta sa lugar na iyon, isa itong underground auction na kung saan daan daang mayayamang tao ang nagbibid, at hindi gamit o kahit na anong ari-arian ang sinusubasta dito, bagkus ay tao ang kanilang sinusubasta at isa na nga ako sa mga taong iyon.

Hindi ko naman talaga ginusto ang pinasok kong ito, ngunit napilitan lanng ako dahil nangangailangan si Nanay ng pera para sa kanyang operasyon. May cancer of the lungs kasi ito at malaking halaga ang kailangan ko para dito, at labag man sa loob ko ay pumayag na din ako na isubasta ang sarili ko upang mapaoperahan si Nanay.

"Ok ladies and gentlemen, in front of you is a young man who just turned nineteen. Very much inexperience in a lot of things and more than willing to do your desire." pagsisimula ng naturang emcee. Madidinig naman ang interes mula sa mga manonood sa sinabi nito.

"Matatapos din ito Nathan, para ito kay Nanay." sa loob loob ko, paulit ulit kong pinapaalala sa sarili kung para kanino ang ginagawa kong ito.

"We will begin the bidding with one hundred thousand pesos." muli itong nagsalita para simulan na ang subasta.

Hindi ko na halos nasundan kung magkano na ang huling bidding nang dahil sa mga bagay na naiisip ko. Bago magsimula ang subasta ay pumirma ako sa kontrata na binigay sa akin na kung saan ang hatian ay seventy-thirty. Seventy percent ang mapupunta sa akin samantalang thirty percent naman ang sa kanila. Kung makakakuha ako ng dalawang milyon ay matutulungan ko na si Nanay para mapaoperahan, pero hindi naman ako ganoong kaconfident sa itsura ko kaya naman hindi ako umaasa na maabot ko ang halagang iyon.

Naputol ang pag-iisip kong iyon nang muli kong marinig na magsalita ang emcee, base sa sinabi sa mga naririnig ko ay mukhang dalawa na lang ang nagbibid at hindi naman ako makapaniwala sa halagang narinig ko. Umabot na kasi  sa mahigit na isang milyon ang bid at mukhang mananalo na ang number seventeen sa nito na one and half million pesos.

"One and a half million for number seventeen, do we have a late bidder? Going once, going twice....." ngunit bigla itong natigilan nang tila may makita itong isang imahe at base sa reaksyon nito ay hindi ito makapaniwala sa bid ng bagong dating.

"Ten million pesos for number twenty two bidder!" hindi makapaniwalang sinabi nito. Dahil sa laki ng bid ni number twenty two ay wala nang nagtangkang mag bid pa, bigla naman akong kinabahan since hindi ko alam kung anong klase nang tao ang nakabili sa akin, pero nasa kontrata naman na hindi ako masasaktan kapag pumayag akong magpasubasta, ngunit hindi pa din nabawasan ang takot na nararamdaman ko sa maaring mangyari.

The Price of Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon