Alas-dose ng madaling araw ngunit nandito pa rin ako, nakatapat sa computer. Nasa tabi ang mga pinagkainan, naka-charge ang cellphone, at naka-indian sit sa upuan. Scrolling scrolling lang ang nagagawa sa isang misteryosong grupo dito sa Facebook
Dito ko matatagpuan ang mga nakaka-relate sa akin. Dito ako naging famous, dito ako naging magaling. Never akong na-rant pero alam kong may naiinis sa akin. Atleast, alam nila ang mga limitasyon nila.
KPOP Fan? Oo. At nagiging updated rin ako dito. Nagiging updated ako sa mga iniidolo ko at nai-inspire ako sakanila.
Oops! May nag-chat.
Anonymous: Bakit gising ka pa?
He's creeping me out! One named at 'Anonymous' talaga ang nakalagay. Tinignan ko muna ang timeline niya at 'di ko alam kung bakit naging friend ko 'to. Wala akong natatandaang may in-accept akong friend request na 'Anonymous' ang pangalan. Its profile picture and cover photo was black. Fully-black. Wala siyang kapost-post.
Kahit kinikilabutan ako sakanya, nagawa ko pa ring sagutin ang chat niya.
Heartaengoo: Kasi hindi pa ako tulog.
Natawa na lang ako sa sinend ko. Dinaan ko na lang sa tawa para hindi ako matakot kahit na sa totoo lang ay natatakot na ako.
Anonymous: Bakit mo naisipang mag-roleplay?
Oh--- ini-interview ba nya ako? Para saan? Haha! Siguro naman gusto lang talaga ako nitong kausapin, new topic kumbaga.
May nakita akong isang post ng roleplayer kung saan ay may screenshot na nakausap nya yung 'Anonymous'.
'Yung totoo? Anong trip niya? Nag-sroll ako para makita 'yung mga comments sa post niya.
"Hala. Nag-chat din sakin yan!"
"Oh? Hindi naman siya nag-chat sakin eh."
"Hala ang creepy"
"Cool."
Napaka-mistersyoso ng account na 'to. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba.. parang may mali. Ni-refresh ko ulit ang facebook. Halos lahat ng posts sa newsfeed ko ay puro tungkol sakanya. Madadagdagan na naman ang mga isyu ngayong taon, maitatatak na naman ito sa isipan ng bawat roleplayer.
Hindi ko na na-replyan si 'Anonymous' dahil ayaw kong masali sa gulo. Nag-scroll lang ulit ako sa newsfeed ko at mamaya-maya pa'y nag-chat ulit siya.
Anonymous: Hey
Heartaengoo: Wala lang
Anonymous: Pwede ba ang wala lang?
Magr-reply sana ako kaso biglang namatay ang ginagamit kong computer. Kasabay din ang pagpatay ng ilaw sa loob ng aking kwarto at pagbukas ng aking cellphone mula sa pagkaka-charge. Kung minamalas nga naman, brownout.
Siguro nagbibigay na rin ng tanda na kailangan ko na talagang matulog ngayon. Humiga na ako sa kama ko at nakaramdam ako ng antok. Mamaya-maya pa ay nagising ako nang maramdaman kong gumagalaw ang aking kama. Nararamdaman kong palubog-ako ng palubog, para bang nilalamon ako ng aking hinihigaan. Gusto ko mang makawala ay hindi na magagawa dahil masyado na itong malalim at nakakaramdam ako ng sikip sa aking pakiramdam.
Anong nangyayari sa akin? Isa lang ba itong ilusyon, imahinasyon o panaginip? Hindi ko mawari, ako'y nagugulumihanan.
----------------------------------
*tik-tok*
*tik-tok*
Nagising ako ng parang walang nangyari. Nakamulat ang aking mga mata, nakatingin sa kisame, napagtanto na hindi ko ito kwarto. Tinignan ko ang aking katawang nakahilata sa kama na ito. Hindi ito ang katawan ko, ibang-iba ito sa katawan ko.
Nakasuot ng pulang pantulog, maputi ang balat, at maganda ang hubog ng katawan.
Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at tumingin sa isang malaking salamin. Nagulat ako nang makita ko ang aking hitsura. Bakit, bakit naging ganito ang mukha ko?
Hinawakan ko ang aking mala-kaki at malambot na buhok at hinawakan ang aking mukha na para bang hindi makapaniwala na ganito nga ang aking hitsura.
Singkit na mga mata, magagandang kilay, matangos na ilong, mapupulang mga labi at ang makinis kong mukha. Hindi katangkaran at "Ahhh~ ♪♫" may magandang boses. Alam kong hindi ako ang may-ari ng katawang ito, ako lamang ang nagk-kontrol. Ngunit hindi pa rin ako naliliwanagan, bakit nangyari 'to? Bakit nasa katawan ako ni Kim Taeyeon?
Sa gitna ng pagtitig ko sa aking mukha't katawan, nagulat ako nang biglang nagbukas ang malaking flat screen na monitor at may nakalagay na 'WELCOME TO ROLEPLAY WORLD!'
Ano.. totoo ba ang lahat ng ito?!
Nasa ibang mundo ako?
Totoo ang roleplay world?
Napapunta ako sa dako kung saan ay may mga malalaking bintana. Ang ganda ng tanawin. Nangingibabaw ang mga kumikislap o kumukutikutitap na mga bituin katabi ang maliwanag at bilog na buwan. Makikita mo naman sa baba ang mga ilaw galing sa mga sasakyan at gusali. Malinis ang kalsada at hindi gaanong marami ang mga tao. Kay gandang tignan.
*kriinngggggg*
Napalingon ako sa dako kung saan ay may tumutunog. Cellphone ko, cellphone ng katawan na ito.
Pumunta ako sa kinaroroonan nito at sinagot ko ang tawag.
"Hello?" bating panimula ko.
Nang masabi ko ang katagang iyan ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi sa kabilang linya dahil umiikot ang paningin ko.
"Hello?" huling kataga na aking narinig mula sa kabilang linya bago ako mawalan ng malay.
YOU ARE READING
ESCAPING THE WORLD OF ROLEPLAY
FantasyBased on my research, ROLEPLAYING allows you to be someone you can't be in real life. Naging parte na 'to ng buhay ko. Pero.. paano kung magkatotoo ang ROLEPLAY WORLD? Paano kung napunta ako sa mundo ng Roleplay? Magiging masaya ba ako o manghihinay...
