"kuyaaa Henryyyy!" nilagpasan nya lang si Haena ang napakakulit na bunso nyang kapatid.

hinarangan nito ang hagdanan.
"umalis ka jan,im tired Haena pls not now.."

"Hmpt.! sunget naman!tingnan mo kasi to oh!"
"anong gagawin ko jan?" pinapakita sa kanya ng kapatid nya yung tablet nito.

"tingnan mo kasi! ang ganda ni ate pinky di ba? mukha talaga syang manika no? sabihin mo kasi pumunta naman sya dito para maingget yung friends ko sakin! hahaha dali na kuya pretty please ?? ^___=" swipe pa ng swipe si Haena sa screen puro picture ni Pinky.

"lalo na dito kuya bagay sa kanya yung dress nya ^__^" pinapakita sa kanya neto yung mga pictures ni Pinky sa internet.Idol ito ni Haena.

"edi tawagan mo.Pero asa ka namang pupunta yun dito ngayon"
"bakit naman hindi? inaway mo ba siya hah! bad kaaaa! bad kaa!" hinahampas hampas nya sa balikat yung kuya nya.
"alam mo bang dahil sayo pinagtawanan ako nun kanina?"
"hah!ano bang ginawa ko?"
"di mo na alam?" tanong nito habang pinipindot pindot ang noo ng kapatid.

"ah..<__< kasi naman kuya ang luluma na ng shoes mo! babaho pa nung iba! sabi nga ni mommy itapon ko na daw para bumili ka ng bago."

"pero tama bang ihagis mo yun sa pool? di nga yun bago pero yung iba dun ni hindi ko pa nagagamit! kung hindi lang kita kapatid nako."

Nanahimik si Haena ang balak nya lang kasi kanina e ilagay sa malaking plastic bag yung mga sapatos ng kuya nya at ilalagay sa pool akala nya kasi lulutang yun. Di nya inaasahang lulubog yun agad dahil hindi ganun kahigpit ang pagkakatali nya dito. Yung ginamit na sapatos ni Henry ay yung nag iisang sapatos nya na naka box pa sa kwarto nya.Ang masaklap dun black shoes.Pero wala na syang paki.Wala din naman syang choice.

Sanay na si Henry sa kakulitan ni Haena. 2years lang ang tanda nya dito pero ang turing kay haena sa bahay nila ay baby pa din .Iniintindi nya na din lang ang kapatid dahil wala itong kausap sa bahay nila dahil busy din palagi ang parents nila.
Pero ang pinaka ayaw nya na ginagawa ni Haena e yung pag dadala neto ng mga bading nyang kaklase sa bahay nila.Hinaharas kasi ng mga ito si Henry.

Yun ang panakot sa kanya ni Haena.
Katulad ng last time na nagaway sila neto.Pinapunta ni Haens ang mga bakla nitong friends at pinapasok sa kwarto niya habang natutulog pa siya. Nagising na lang sya sa mga flash ng camera at hagikhikan ng mga ito.

Naka boxer lang sya matulog at hindi din sya nagkukumot kaya naman tuwang tuwa ang mga kaibigan ni Haena sa bumungad sa kanila.
"anoo? anong gagawin mo? sus takot ko naman sayo. Kaya mo bang saktan ang napakacute mong kapatiiiid? pero sorry na kuya ah si mommy ang may sala (^_^Y)" nag puffy eyes pa ito sa kanya



"Timpla mo nalang ako juice.Tsaka padaanin mo na ko .Alis na!"
umalis din ito sa hagdan
pero sumigaw ito .

"basta kuya gusto ko si ate Pinky ang girlfriend mo ha! "
"baliw!" bulong na sagot nya sa kapatid.

pagka pasok nya sa kwarto nya hinagis nya yung bag nya sa sofa.
Panandalian nyang nakalimutan yung pag aaway nila ni Pinky dahil sa kakulitan ng kapatid niya.
Pagkatapos nya magpalit ng damit humiga na siya agad sa kama nya.

pumikit na siya ng mag ring bigla ang phone nya.
kinuha nya agad yun.
bat naman to napatawag bigla?

**********
"hi ma!"

bati ni Jake sa mama nya lumapit ito at humalik sa pisnge pag ka pasok nito sa bahay nila.

"its late,where have you been?Kamusta meeting?"sagot ng mama nya habang nagbabasa ng dyaryo sa sala.

"kanina pa po tapos un ma,may pinuntahan lang po kami"
"with christine?"


matagal nya ng sinabe sa mama nya may girlfriend na sya para hindi na sya ireto nito sa anak ng mga amiga ng mama nya.
Nung tinanong sya nito kung anong name si Christine na lang ang sinabe nya tutal naman yun ang nililigawan nya.


Para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Jake dahil hindi na siya nag sisinungaling sa mama nya ngayon dahil nga girlfriend nya na talaga ito.
"hindi po .Im with Henry and Pinky"


"i see. Why didnt you ask Christine to come along when you hang out with your friends?"
"Next time ma. Sige po bihis muna ko"

"hurry up ,were about to eat"
"opo"
"Anyway your lolo ang lola will arrive tomorrow"
"bakit po ?"



"for check-up "
"ahh --"
"And we'll be having a formal dinner here, i want you to formally introduce her to us."



seryosing sabi neto.
napatigil si Jake sa sinabe ng mama nya.
lumingon sya

"You mean Christine?"

"Yes! i told them about your girlfriend ,they're both excited to meet her! Just make sure to bring her Jake,okay?."



tango na lang ang nasagot ni Jake sa mama nya.
*Sh#t ! Sh*t!!!*
mahinang sabi nya habang papunta sa kwarto nya.
Dinner? pano pag di nila nagustuhan si Christine???
bukas agad?
eh kakasagot palang nya sakin kanina -.-
pano din kung tanungin siya ni mama about us?
ano ba tong pinasok ko!

nag papanic na siya .
Bukas na yun. Hindi next week.

"Ho! "sigaw nya.
malalagpasan mo to Jake.
naisip nyang magpatulong kay Pinky at Henry.

"argg! bwiset naman! Mag kaaway pala yung mga yon!"
****

CMQ's note: 

kung naguguluhan po kayo sa takbo ng story ko. Feel free to ask po! di ko din kasi alam kung naiintindihan ba yung story ko e! hahahaha

namiss ko magsulat! ^__^

IT STARTED WITH A CLICKWhere stories live. Discover now