Miesha Chlea Brietta's POV
*RING RING RING RING*
"Miesha?" rinig kong tawag sakin ni Bea.
Hindi ko siya nilingon, Malamang kukulitin lang ako niyan dahil sa tumatawag sa cellphone ko.
"Uhm.. Miesha?" pag-uulit pa niya sa pangalan ko.
But still? Hindi ko siya nilingon or kinibo man lang.
Nanatili akong naka-focus sa pinapanood kong movie sa laptop.
"Hoy Miesha!" sigaw niya ng malakas.
"Okay, what?!" pag rereact ko sa kanya.
"Yung phone mo nag riring!" sigaw nanaman nya sakin tapos nginudngod yung phone ko sa mukha ko.
Pinigilan ko naman siya sa ginagawa nya.
"Aish! Ano ba?.. Alam ko, Hindi naman ako bingi" sagot ko na lang.
"Hindi ka bingi pero manhid ka. Tignan mo yang phone mo, Ma-lolowbat na oh. Wala nang ginawa si Ryan kundi tumawag ng tumawag sayo eh wala ka namang pakialam sa kanya" sabi niya saken.
Tinanggal ko yung earphones na naka-pasak sa tenga ko tapos nilingon ko siya.
"Hindi ako manhid okay? May mga bagay lang na hindi na dapat natin nararamdaman. Saka kung gusto mo edi ikaw sumagot ng tawag nya" pag rereklamo ko sa kanya.
She took a deep sigh tapos hinawakan yung braso ko.
"Miesh naman, Last last year pa nung nangyari sayo yan. Kalimutan mo naman na yan"
napa-tingin ako sa kanya sa sinabi niya.
I know what she's talking about.
Umiwas ako ng tingin tapos nanood na lang ako ng movie. Habang lumilipad utak ko.
*FLASHBACK (Grade 6)*
First day of school non nung grade six ako. Wala akong friends since transferee ako sa school. Kaya nag-hahanap pa ko ng new friends non.
May pumasok na babae na sobrang cute. Ang puti puti nya tapos nag smile siya.
Tapos umupo siya sa gilid. Dun sa walang tao. Malapit sa locker.
"Ang ganda naman nung babae malapit sa locker sa likod. Anong pangalan nya?" tanong ko sa katabi ko.
"Ah si Manami. May lahi kasi siyang korean kaya cute talaga siya. Siya pinaka-sikat dito sa elementary level. Magaling kasi yang sumayaw. Lagi siya sumasali sa cheer dance" pag sagot niya saken.
"Hmm ganon ba? Wow. Gusto ko siyang maging kaibigan" sabi ko ulit don sa katabi ko.
"Queen bee tawag sakanya ng mga teachers namen dati. Para kasi siyang reynang bumaba sa langit. Mabait naman siya, Kung gusto mo siya maging friend edi umupo sa tabi ng seat nya. Dali habang wala pa si teacher atsaka habang wala pa siyang katabe" pag uudyok sakin ng katabi ko.
Nginitian ko siya bago ako pumunta sa tabi ng upuan ni Manami.
"Hi" bati ko sa kanya.
Hindi siya umimik, Nginitian lang niya ko.
Umupo na ko sa tabi ng upuan niya. After ng ilang subjects napansin kong nag-dadrawing siya sa notebook niya.
"Ang beautiful naman ng drawing mo" pag puri ko sa gawa niya.
