Chapter 24 - Still feeling the heat...

2K 49 13
                                    

Chapter 24

Still feeling the heat....

Daichi's POV

[flash back of the previous chapter]

" ANO BANG SINOSORRY MO DYAN HA?! AYOS KA LANG BA?! MAY MASAKIT PA BA SAYO? PINAG-ALALA MO KONG BWISET KA! AKALA KO NAWALAN KA NA NG MALAY KANINA EH!  TAPOS NGAYON IMBIS NA YANG SUMASAKIT SAYO ANG INTINDIHIN MO, NAGSOSORRY KA PA DAHIL HINDI MO NATUPAD YUNG PROMISE MO?! DI BALE NANG HINDI TAYO NANALO, KESA NAMAN MAMATAY KA! ANG AYOKO SA LAHAT YUNG MAY NAKIKITA AKONG NASASAKTAN DAHIL SAKIN!!  BOYFRIEND KITA DIBA?  PANO MO KO POPROTEKTAHAN KUNG MAHINA KA? ISIPIN MO NGA!" mangiyak ngiyak na sermon ni Sayuri habang nakayakap siya sakin.. 

n-nag-alala ba talaga siya sakin ng husto? 

 
" S-sayuri..." at humiwalay ng yakap sakin..

" *sniff* ano?! h-hindi mo parin ako maintindihan? diba matalino ka? gamitin mo nga yang utak mo! puro puso kasi yang pinapairal mo e! wala ka naman nun diba? tyaka.." sabay titig niya sa labi ko,"  tsk! yang labi mo may dugo o! buti nalang may dala kong first aid kit dito, akin na nga----nang bigla naman siyang natigilan, bakit kaya?

" D-daichi, y-yung mata mo, k-kumislap nanaman.."

             
*end of flashback*

" K-kumislap nanaman?"

" Oo, may sira na ba yang mata mo Daichi? nung isang gabi kumislap din yan diba?"

" b-bakit kaya kumislap? ibig sabihin.....pero baka naman..." napabulong naman ako bigla sa sarili ko--------- " a-ano nanaman bang binubulong mo dyan Daichi? bakit kasi kumikislap yang mata mo?"

" aah wala, baka nagreflect lang sa mata ko yung ilaw sa court, b-babes..nag-alala ka ba talaga sakin ng husto kani---nang bigla naman siyang napadiin ng punas, "Aww! bakit? yung sugat ko babes,  sakit..-- "Daichi naman eh! magsasayang ba ko ng luha at yayakapin ka kung hindi ako nag-alala sayo ng husto ha?! eh kung pwede nga lang akong lumipad pababa sa court kanina para tulungan ka ginawa ko na e! kung alam mo lang kung gano ko nataranta kanina na halos sigawan ko na yung referree! tapos tatanungin mo ko ng ganyan! kahit naman mannequin ka lang at kunwaring boyfriend ko, may pakialam parin ako sayo kasi...kasi.. wala ka namang pinakita sakin kundi kabutihan, at hindi ko nararamdaman na nag-iisa ko pag nandyan ka sa tabi ko.. bumabawi na nga ko sayo, pagdududahan mo p-----hindi ko na siya pinatapos pang magsalita, sa halip niyakap ko nalang siya ng mahigpit..." sorry babes... sorry at pinag-alala kita, hindi na mauulit...pangako.."

"d-dapat lang! tatanda ako ng maaga sayo e, t-tyaka, tama na nga yang kasosorry mo,  w-wala ka namang dapat ikasorry, ikaw na nga ang nasaktan e, nakita ko naman na ginawa mo ang best  mo kanina e, sadyang may mga TAO lang talagang WALANG PUSO na Kailangan pang manakit ng tao MAKALAMANG LANG.." sabay tingin at parinig ko naman kay Hiro na pinapamper ngayon ni Ali sa kabila...

" excuse me Sayuri?" sabat naman ni Ali!

" O Ali bakit? hindi naman ikaw ang kausap ko, anong ineexcuse me mo dyan?"

" Pinariringgan mo ba ang boyfriend ko? kung makatingin ka kasi parang kakainin mo kami ng buhay e.." mataray naman niyang tono..

" tsshh.. bakit tinatamaan ba yang magaling mong boyfriend? isa pa, kung kasya lang kayo sa sikmura ko, ginawa ko na kaso sorry nalang kasi baka isuka ko lang kayo dahil hindi ko kayo kayang sikmurain noh! hindi tumatanggap ang tyan ko ng toxic!"

" W-what?! how dare you call us toxic! alam mo bitter ka lang dyan dahil hindi kayo nanalo! can you please shut up? at instead na pinariringgan mo kami, why don't you just congratulate us?"

Fifty Dates With the Midnight Prince (REVISED) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon