Prologue

11 0 0
                                        


Liwanag, nakakasilaw na liwanag, iyan ang unang nasilayan ng aking mga mata. Wala akong makita kundi puti kaya tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang aking braso. Hanggang sa ilang segundo pa ay may naramdaman ako. May mga nakapalibot sakin. Ramdam na ramdam ko din ang kakaibang aura na lumalabas sakanila. Nang maramdaman kong naging malinaw na ang paningin ko. Ang mga braso ko na kanina'y nakatakip saking mga mata ay ibinababa ko. Natanaw ko ang mga nakapalibot sakin. Labindalawa sila. Anim na babae at anim na lalaki. Lahat sila nakangiti at nakatingin sakin na tila ba ako'y isang napakagandang sining na ngayon lang nila nasilayan.

"Nagawa natin! Nagawa natin!" Masayang sabi ng isa sakanila habang tumatalon talon pa. Isa syang babaeng mahaba ang buhok at mas makinang ang balat nya kaysa sa ibang nakapaligid sakin.


"Akala ko bulok na kapangyarihan natin sa sobrang tagal na hindi nagagamit." Sabi ng isang lalaki sabay hawak sa ulo nya at nagtawanan sila. Kapangyarihan? Naguguluhan ako.

Tinignan ko ulit silang lahat. Lahat sila ay may kakaibang kinang ang balat at nababalot ng napakaliwanag na ilaw. Lahat din sila ay parang mga sining na binigyang buhay sa sobrang pagkakapino ng hitsura.

Nilibot ko ang tingin ko at napansin ko na lahat sila ay nakatayo sa harap ng kani-kanilang trono habang ako ay nasa gitna nila. Nasa gitna ako ng isang parang larawan na gawa sa usok. Larawan kung saan may mga planeta, may mga bituin at kitang kita ang galaw ng lahat ng bagay.

Napatingin ako sa sarili kong katawan. Simula sa paa hanggang braso. Hindi ako nakaapak sa lapag tulad nila. Nakalutang ako. Iba ang pagkaputi ng kinang ko. Parang may maliliit na bituin sa loob ng balat ko na nagdudulot ng mumunting kinang napinagsama sama ay nagiging kaaya-aya sa mata. Napakahaba ng buhok ko.


Hindi ako normal. Maging ang mga taong nakapalibot saakin ay hindi normal.

Nasaan ako?

Sino ako?

Bakit ako naririto?

Sino sila?

Bakit parang ang rami kong hindi alam?


Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 13, 2016 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Gem Of LoveHistórias para pegar e não largar. Descubra agora