If and Only If [2]

Start from the beginning
                                        

"Inaaway ako ni Bella!" Sumbong ni Cj sa best friend nyang si Ashleyah.

"Ikaw Inidoro bakit mo inaaway ang Best friend ko haa?" Sabi ni Ashleyah sakin.

"Ikaw pagong tumahimik ka." Sabi ko sa kanya..

"Hihi. Diyosang pagong. Hahaha" sabi nya sabay Hair flip.

"Correction. Pagong lang. Walang Diyosa." Sabat ni Aira.

"Heh!" Sabi naman ni Ashleyah at hinampas nya si Aira.

"Aba. Sige hampasin mo pa ko. I babaksak kita sa AP." Pagbabanta ni Aira.

"Heksyusmi. Tapos na po ang finals at clearance ko." Sabi naman ni Ashleyah.

"Aba. Tandaan mo. Hindi pa nabibigay ang card. Baka gusto mong mag summer clases." Banta ulit ni Aira.

"Ay. Sorry na. Ito naman di mabiro." Sabi ni Ashleyah. 

Si Aira ay anak ng isang guro dito sa aming paaralan. Ang tatay ni Aira ang teacher namin sa Araling Panlipunan (AP).

"Yow!" Sigaw ni Rainie at papalapit sa amin. Hawak nya ang librong na bawal sa mga bata. (May SPG) haha.

"Ano rainie di ka pa tapos dyan?" Tanong ni Andrea sa kanya.

"Patapos na. Naka Limang beses na sila eh! Yung after 2 months nyang manganak may nag yari sa kanila at nagbunga agad." Kwento ni rainie na mga matatalino lang ang makaka intindi.(GM)

"Nako Rainie! Alam na this!" Sabi ko.

"Haha! Oh yes!" Sabi nya at tumabi kay Aira. Hahaha.

Okay. Kulang parin kami ng i--

"Guys! Guys! Alam nyo ba si.."

"Hayop ka Allyssa!" Sigaw ni Alliah kay Allyssa at kumaripas ng takbo si Allyssa.

Okay. At least dumating sya. Si Allyssa ang kulang na sinasabi ko sa amin. Mag totropa kami. We have No Name for our group pero kami ang laging mag kakasama.

Ako at si Allyssa ang magpair. Si Rainie at Aira, Cj at Ashleyah at Sila Andrea at Ann Jollyn.

Sa kasalukuyan si Andrea at Rainie ay nag babasa. Si Cj at Ashleyah ay nag chichikahan. Si Ann Jollyn. Hindi ko alam. Haha. Si Aira ay na nonood....

Ng Music video. Hahaha. Fan sya ng BTS nahawaan ko. Nanonood sya ng Dope ngayon..hahaha. Nakikinood rin ako sa kanya.

"Oy mga bakla, Sino kapartner nyo sa Ball?" Tanong ni Ashleyah. Lahat kami ay napalingon sa kanya.

"Si Damon akin." Sabi ni Rainie at nag patuloy sa pag babasa.

"Si Topher nagyaya sakin" Sambit ni Ann Jollyn.

"Si Ysrael akin." Sabi ni Aira na tutok sa pinapanood.

"Si Bryan kadate ko. Hihihi" Sabi ni Cj. Sa tropa namin sya lang ang may lovelife. Kinikilig. Tsk.

"Sayo Reah?" Tanong ni Ashleyah kay Andrea.

"Huh?" Napatigil sya sa pagbabasa at nag angat ng tingin samin. "Bakit?"

"Kasama mo sa ball?" Tanong ni Cj.

Nagkibit-balikat lang sya.

Binato naman ni Ashleyah si Andrea. Sumama ang tingin ni Andrea kay Ashleyah.

"Sabihin mo na! Sinetch?" Sabi ni Ashleyah.

Umirap lang si Andrea sa kanya.

Babatukan sana ni Ashleyah si Andrea pero nag salita agad si Ann Jollyn.

"Si Kyle! Ang Best friend  daw nya."

"Ayiieee... Best friend pala ha!" Sabi ko. Nag asaran pa sila.

"Baka naman more than that?" Pang aasar ni Ashleyah kay Andrea.

"Hindi pwede. May Girlfriend na yun." Sabi ni Andrea. At nag iwas ng tingin.

"Huweh? Beke nemen?" Pang aasar ulit ni Ashleyah.

"Tsaka sino bang Kadate nya sa Ball? Diba ikaw? Bakit hindi yung so-called Girlfriend nya? Bakit ikaw?" Tanong ni Cj.

"Basta. Hindi nyo ma iintindihan." Sabi ni Andrea naka tingin lang sya sa sahig at tumikhim nya.

"Panakip butas. Tsk." Biglang sabi ni Ann Jollyn.

Umiling naman si Andrea. At sinabing.
"Hindi nyo kasi maiintindihan. Tinutulungan ko lang sila." Tumayo sya. "Excuse me. Balik lang ako sa upuan ko."

Umalis na sya.

"Hala? Anyare?" Tanong ni Aira.

"Si Ashleyah kasi nangulit pa." Sabi ko

"Aba. Nag tatanong lang ako eh." Sabi naman si Ashleyah.

"Eh ikaw ba Eyah? Sino ang Date mo?" Pag iiba ko ng topic.

"Sino pa ba?"

"Only Binay?" Tatatawang sabi ni Rainie.

"Gaga. Si Baby Ej. Hihihihi." Kinikilig nyang sabi. At nag hair flip pa.

Napa iling nalang ako. Hahahaha.

Nagulat ako nang may biglang umipit ng ilong ko. Tinanggal ko agad ang kamay nya at hinarap sya.

"Argh! Bwiset ka Rani! Tangina mo!" Sigaw ko at hinabol si Rani. Lumabas pa ito sa Corridor. Sinundan ko sya. Hinabol ko sya. Pumasok naman sya sa back door ng classroom namin. Sinarado nya ang pinto. Binuksan ko at natalisod ako dahil sa walis nanaka harang.

Akala ko lalagapak ako sa sahig pero may sumalo sakin. Nag angat ako ng tingin. S-si. Haku pala. Walang emosyon ang kanyang mukha na naka tingin sakin. Naka tungo sya at ako ay nakatingala sa kanya. I guess this position is so awkward. Nakapatong ang dalawang kamay ko sa dibdib nya at sya naman ay ina alalayan ako.

Nanlaki ang mata ko. May narinig akong mga kaklase kong nag kakantsawan na nanananching daw si Haku sakin. Wala parin syang reaksyon doon. Nag igting lang ang panga nya. Napalunok naman ako. Umayos naman ako ng tayo dahil nakakahiya na. Baka sabihin pang ako ang nangchachancing.

"S-Sorry..." Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at lumabas.

Errr... Cold nya. Parang wala kaming pinagasamahan ah. Umalis lang sya at pumuntang Japan nag iba na sya pagbalik nya dito. Nanlamig ba sya doon dahil sa kapal ng snow. Nahawa ba sya doon? Hmp.

If And Only IfWhere stories live. Discover now