Namjoon
Hindi ako miserable. At least part sakin hindi. Hindi pagkamatay ng tanging pamilya ko ang sisira ng buhay ko. Yun yung tingin ko sa sarili ko. Kunyaring tough cookie pero isa lang din naman sa mga weakling.
Hindi ako umiyak sa lamay nya kasi gusto ko makita ako ng mga tao na matatag. Onti lang din naman pumunta. Wala kaming halos kaibigan kasi nga kriminal daw mga magulang namin. Sa eskwelahan kulang na lang sigawan kami ng boo. Napakamapanghusga talaga ng mga tao no? Pero kahit ganon di ako nagalit sa mga tao. Dahil yon sa ate ko. Pero ngayong wala na siya? Ewan ko lang.
Kahapon pa ko dito sa harap ng puntod nya. Iyak ako ng iyak natural. Hindi na ko bata pero hindi pa din ako matanda para masabing kaya ko na. Kailangan ko pa ate ko dito.
"Ate, pag nagkita kayo nila Mama dyan baka gusto nyo na kong sunduin ng sabay-sabay? Para pamilya na tayo uli... Please.." Kahapon ko pa dialogue to. Naririndi na siguro sakin si Ate. Pero eto gusto ko eh. Gusto ko kasama sila.
May naramdaman akong tao sa gilid ko. Yung guard pala.
"Toy baka gusto mong umuwi na.. Kahapon ka dito-" Di ko na sya pinatapos at tumayo na ko at naglakad palabas sa lugar na to.
Magang-maga pa siguro mata ko. Kahit naman di ako umiyak namamaga mga mata ko eh. Singkit kasi. Tsk, and dugyotin ko na pala. Mas binilisan ko ang paglalakad para makauwi na ko.
Dalawang kanto na lang sa tinutuluyan namin ng ate ko bang may humila sakin papunta sa eskinita. Di ko makita ng maayos yung mukha nya kasi nakacap tas itim na jacket sya. Holdaper ba to o ano? Kung nasa mood lang siguro ako baka natawa na ko. Atsaka.. Teka...
Ate.. Sinusundo nyo na ba ako?
"Ikaw ba si Namjoon?" Nanlaki mga singkit kong mata. Hinawi ko yung kamay nyang nakahawak sa braso ko.
"At sino ka?" Balik tanong ko. "Bat mo ko kilala?"
"Huh? Ako ba hindi mo kilala?"
"Gago ka? Tatanungin ba kita kung kilal-"
"Oo na, oo na. Dami mong daldal. Tsss, you're unbelievable. Kalahating taon tayo magkaklase di mo man lang ako nakilala?! Grabe!" Aniya. Aba? Makasaway na ang dami kong daldal akala mo siya hindi eh mas malala pa siya. Gagong to.
"Oh at sino ka nga?" Tanong ko uli.
"Hulaan mo." The hell?!
"Wala kang kwenta kausap." Umalis na ko sa eskinita at naglakad na pero humabol siya at hinarang ang daraanan ko.
"Binibiro lang kita! Kalma!"
"Ang korni mo."
"Seokmin! Seokmin pangalan ko. Atsaka kaya ako nandito kasi pinabibigay to sayo nung teacher na uncle nyo daw." Sabi nya at inabot sakin yung isang sobreng may lamang pera. Ano to? Abuloy?
"Salamat. May iba ka pang kailangan?" Huminga ako ng malalim.
"Uhh.." Kumamot siya sa likod ng ulo nya, "Tutal naman ginawan kita ng pabor baka gusto mong samahan muna ako? Tapos na last day of classes nung isang araw pa tapos ikaw na lang di ko close sa ting magkaklas-"
"Maghahanap pa ko ng trabaho so it's a no."
"Luh! Tulungan kita! Kahit bukas na maghanap ng trabaho! Sige na naman na?" Tinitigan ko mukha netong Seokmin. Maganda yung mga mata, mataba yung mga pisngi, okay lang yung ilong, tas medyo kissable yung labi. Overall, flappy bird. Kamukha nya yung nasa flappy bird.
YOU ARE READING
Our First Day Together [NAMJIN FAN FIC|ONESHOT]
FanfictionIt isn't the day we met, it's the day I fell in love with you. -Namjoon
![Our First Day Together [NAMJIN FAN FIC|ONESHOT]](https://img.wattpad.com/cover/68779594-64-k434146.jpg)