IHSM ~ Chapter 7

7.9K 134 84
                                    

Vannesa 's Pov


Dahil wala akong magawa, pinaglaruan ko nalang ang buhok niya...

Kanina isiniswey ko ang mga paa ko, nagising siya tapos pinagalitan ako.

Kaya heto nga ngayon, pinaglalaruan ko nalang ang buhok niya. Iniingatan na hindi siya magising.

Ang himbing niya pa namang matulog...

"Nnngg..."~Xandros

Di ko na rin pinansin yun..

*knock*knock*

Naku po! May kumatok may tao!

Gigisingin ko ba si master? Kapag ginising ko, magagalit na naman siya sakin...

"Pinsan! Pwedi ka bang makausap?!" sigaw ng nasa labas ng pinto.

Suddenly Xandros waked up.

Parang antok pa rin nang gumising.

"Sino yun?" tanong niya sakin.

"Tinawag ka niyang pinsan.." sagot ko.

"Pinsan, tuloy ka!!" sigaw niya..

Patutuluyin niya ng ganito ang kalagayan namin?!

Waaaah! Nakakahiya yun!

Nakahawak pa rin ang kamay niya sa bewang ko...at parang yakap ako.

Tapos ngayon ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko!

"Oh pinsan, may papakiusapan lang sana ako.." rinig kong sabi ng lalake at bumukas ang pinto.

Nanigas ang katawan ko sa boses na yun dahil, kilalang-kilala ko kung kaninong boses yun!

"Ano naman yun pinsan?"

"Ahhm, may problema kasi ako.. Isang babae, may gusto siya sakin...Pero wala akong gusto sa kanya.. Tulungan mo naman akong sabihin sa kanya na layuan niya ako...mahiyain ako sa mga babae alam mo yan!"

Ako ba ang tinutukoy niya???

Wala siyang gusto sakin?!

Gusto niyang layuan ko siya?

"O sige... Mamaya pag-usapan natin yan!"~Xandros

"Sino nga pala siya?"~James

"Ah etong kayakap ko? Girlfriend ko."~Xandros




"~Xandros

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ganun ba? O sya, aalis na ako.. Salamat."~James

Gusto niyang layuan ko siya......?! Okay.

"Babe, ayos ka lang?"

"Oo..... Pinsan mo pala siya?"

"Bakit kilala mo?"

".....Classmate ko dati.."

***

Naglalakad na kami ngayon ni Master sa hallway ng bahay..

Syempre nakasunod lang ako sa likod niya.

Pupunta daw siya ng kusina gutom na daw...

Marami akong nakikitang mga portrait na picture ni Xandros at ng papa niya yata...

"Master, papa niyo po ba yung kasama niyo sa ibang portrait?" tanong ko.

"Yes."

"Napansin ko lang po, bakit po wala kayong picture ng mama niyo?"

"....."

Wala akong natanggap na sagot, hanggang sa nakarating kami ng kusina sa dinning.

Nandoon si Mariah, kakalagay lang ng mga pagkain sa mahabang lamesa.

Tutulungan ko na sana siya nang sinuway niya ako..

Anong problema nito? Tinutulungan na nga eh! Choosy! Di naman yummy, kulubot ka na uuuy!

May dalawang plato, kutsara, tinidor, at baso...

May kasabay pala siya... Sino kaya?

Si James? Oo nga noh, nandito pa pala siya...

"Sit."~Xandros

"Sino, ako?"~ako

"Yes."~Xandros

"Saan?"~ako

"Sa lap ko..."~Xandros

"Hah? Kakain kang nakaupo ako sa lap mo?"~ako

"Umupo ka dito, sa upuan na katabi ko..!" medyo galit.

Naglakad ako papunta sa upuan at umupo.

"Samahan mo akong kumain.."

Ang sasarap ng ulaaam! ^Q^

Inilagay ko lahat ng ulam sa plato ko... Pero syempre, tinirhan ko din si Xandros.

"Huwag mong damihan, tataba ka niyan! Magiging mabigat ka na kapag binuhat kita! Hindi na magkakasya sayo yung mga damit mo!" sermon niya ba sakin toh?

May concern din pala siya sakin.

Syempre! Sex-y maid niya ako!

Ang ibinalik ko lang ay 1/4 ng mga ulam hehe.

"Bawasan mo pa!"

Binawasan ko ulit 1/4.

"Bawasan mo pa!"

Binawasan ko ulit.

Kinain ko na isa isa.

Hanggang sa nabusog ako.

*****

Naglalakad ulit kami pabalik ng opisina niya.

Tumitingin-tingin pa rin ako sa mga portrait.

"...ahmm... Master, wala po ba kayong nanay?" tanong ko uli.

"Wala."

"Imposible naman po yun... Lahat po ng anak may nanay...kasi sila ang nagpanganak sa kanila."

"Iba ako, wala akong nanay."

"Imposible po yun... Ako nga po eh may nanay...kaya meron din po kayo-----" naputol ang sasabihin ko dahil itinulak niya ako pasandal sa pader ng malakas.

Hinawakan ang magkabila kong kamay...

"SINABING WALA AKONG NANAY!! KUNG MAY TANG INANG NANAY KA!! WALA AKONG PAKEALAM!!!..."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm His SEX-y MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon