The Soldier & I Part 2: Unang Halik

9.9K 340 11
                                    

The Soldier & I

AiTenshi

Part 2: Unang Halik

"Pinag samantalahan niya ang kahinaan ko, nasira ang pangarap ko dahil sa kanya!!!" galit ko sigaw habang pagulong gulong sa sofa.

"Ano ka ba naman frend, para halik lang ay nag panic kana agad?" wika ni Ed habang kausap ko ito sa video call. "Halik lang.. Unang halik ko iyon at kay Turalba pa na hindi nag sisipilyo!! Pinangarap ko na babae ang unang mahahalikan ko at hindi sundalong amoy araw!" pag mamaktol ko naman habang kunwari ay umiiyak.

"Ano kaba, ang gwapo ni Turalba, matangkad, matipuno ang katawan, maamo ang mukha, at lalaking lalaki ang tindig. Nakita mo naman kung paano mag wet ang mga babaeng kaklase natin pag nakikita sya. Huwag ka na ngang umarte dyan!" ang salita ni Ed na tila naiingit at nag tatampo pa.

"Hindi mo ko naiintindihan e, mahalaga sa akin ang first kiss ko. Sinira lahat ni Turalba ang pangarap ko at pati na rin ang kinabukasan ko!" pag mamaktol ko pa.

"Kinabukasan? Ano ka rape victim? Tigilan mo nga ako sa pag iinarte mo. Tekaa paano ba kasi nangyari ang lahat ng ito? Ang sabi mo kanina muntik kana masagasaan? Bakit buhay ka pa ngayon?" ang pang uusisa ni Ed. "Kasi nga ganito ang nangyari, role VTR!!" tugon ko naman at doom ay nag flash back ang pangyayari kanina sa kalsada.

FLASH BACK

"Wala akong paki sa mga sinasabi mo." ang salita ko naman sabay baba ng jeep at mabilis na tumakbo palayo sa kanyang kinalalagyan. "Kung gusto mo ay doon ka nalang sa ama ko mag bantay, siguradong mag kakasundo kayong dalawa." saad ko pa sabay tawid sa kalsada.

"Sandali, bakit dyan ka tatawid, nakita mo namang hindi ito ang tamang tawiran, baka maaksidente ka." pag habol ni Turalba at nasa ganoong pag tawid ako ng biglang may sumulpot na rumaragasang sasakyan sa aking harapan. "Umiwas kaaaa!!" ang sigaw nito at mabilis na niyakap ang aking katawan upang makaligtas sa nag babadyang panganib.

Niyakap ako ng mahigpit ni Turalba at doon ay kapwa tumilapon ang katawan namin sa gilid ng kalsada. Mag kayakap kami habang pagulong gulong sa aming kinalalagyan at doon ay hindi ko sinasadyang mag kadikit ng husto ang aming mukha at pati na rin ang aming mga labi. Nakapatong ito sa akin habang ako naman ay nasa ilalim niya.

Halos nag tama ang aming paningin habang mag kasugpong ang aming mga nguso. Pakiwari ko ba ay huminto ang mundo para sa aming dalawa. Damang dama ko ang hangin na nag mumula sa kanyang ilong habang ako naman ay hindi na nakagalaw pa dahil sa matinding pag kabigla. Ito ang una kong halik.. Ang halik na inilaan ko para sa babaeng mamahalin ko.. Nasayang lamang sa isang taong ko kilala..

Halos ilang sandali rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyang bumalik ang aking ulirat at kusang gumalaw ang aking kamay para itulak ito. Nag kahiyaan kami at tila nabusalan ang aming mga bibig..

Tahimik..

"Umuwi na tayo." ang tanging nasabi ko sabay sakay sa taxi at iniwan ko itong nakapako sa kanyang kinatatayuan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, para akong dinamuan ng malas mag buhat noong dumating sa buhay ko iyang si Turalba.

"Ang OA mo naman frend, FYI isang araw palang siya sa buhay mo. Kung makapag salita ka naman ay parang live in na kayo. Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo." pag mamaktol ni Ed habang naka haba ng nguso na parang nag seselos pa rin. "Teka, ano ang nangyari doon sa jeep na may bomba? Sumabog ba? Yung taxi na ninakaw ni Pogi? At yung naaksidente? Hay ang dami kong tanong, alam mo naman ang kasabihan na ang "batang matanong ay matalino" dagdag na tanong ni Ed sabay tawa ng malakas

The Soldier & I BOOK 1 (BXB 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon