Hi sa nagbabasa, salamat at binigyan niyo ako ng opportunity para basahin ang unang storya ko. Base talaga 'to sa aking experience . Sana magustuhan niyo.
Nag simula ako ng Grade 7 dito sa school na pinag-aaralan natin ay takot na takot ako, dahil madaming tao.. so baguhan ako doon, new face, new student. Magaganda rin naman yung mga naging kaklase ko. mga inosente pa ang mga pag-iisip.
Then there's this girl na agaw-pansin sa aking mga mata. Grade 7 ako Grade 8 siya that time.Flag ceremony palang nasulyap ako sakanya. kasi parang namumukhaan ko siya. familiar sakin ang face niya. Pero sa huli kasi nalaman ko nung elementary ako malapit lang siya nakatira sa
Pinag-aaralan ko. so madalas ko siguro siya nakikita. may mga rumours na nagkakagusto yun sakin. ako naman 'tong si dedma nagbubulag-bulagan lang ako. kasi that time kuntento na ako kung anong meron ako. at yun yung mga tropa ko. So fast forward natin Grade 8 na ako and Grade 9 na siya. may isang event sa school na shuffle lahat ng Grade levels. at magkapareho tayo ng grupo. sa maiksing panahon na magkasama tayo. doon na ako nahulog sayo. nahihiya nga akong kausapin ka eh. pero after nung event na yun. may gc kasi tayo. Nung grade 7 rin nga pala may tawagan tayo. Pero hindi ko masyadong inintindi yun. nagbackread ako sa mga convo natin dati, gusto mo talaga ako nun kausapin. nahahalataan kita. pero binabalewala lang kita noon. hanggang ngayon kung ano tawagin natin dati yun parin taagan natin ngayon. madami na nga eh. Tapos hinihingi mo pa dati yung phone number ko.
Feb 7, 2016
Nag-chat ako sa GC ng "may namimiss ako dito na tao sobra" siya nag pinapatamaan ako. yung mga ka-group syempre tanong ng tanong kung sino. umaga kasi nun, so nag-decide ako, siya na mismo ichat ko.
Verbatim:
A: Miss na kita sobra.
S: Aw. Miss na rin kita *******.
A: Xsend.
S: Yessss. Yan tayo eh. sayang. Miss pa naman kita.
A: Jk lang di un xsend hahaha
S: Hahaha. Oo na. Sge na. Trip mo na naman ako
A: Oo miss na nga kita. Hahaha. Di ako nagbibiro.
S: Oo nga. Miss na din kita.
A: Walang halong biro yan ah
S: Oo.
A: Kiligin na ba ako? hahaha
Fast forward natin yan yung araw na as in buong araw tayong magkausap. pag nalolowbat ako nalipat ako sa computer para makausap ka pa ulit. Kaso isang beses lang nangyari satin yung ganyan eh. So eto ako. Then may bestfriend siya na ayaw sakin. dahil may promise silang dalawa na parang books before boys. nabasa kasi yung chat namin sa FB. so lumipat kami sa Twitter. so dun na kami nagsimula magkalabuan.
madalas ka ng hindi nakakapagreply sakin. always late na. so ako 'to. inaaway kita. may mga times na sinasabihan kita na susukuan na kita. then yung recognition natin may binigay ako sayong box na may laman na mga sulat at chocolates tapos nabasa ng bestfriend mo then parang nagalit. after nun medyo matagal ka ring di nakakapagreply. ako 'tong si gago. post ng post ng kung ano-ano sa twitter basta may mailabas lang kung ano nararamdaman ko.
Tapos ikaw. di nakakapagreply sakin pero nakakapagpost. ang dahilan mo minsan nababasa mo na messages ko pero di mo narereplayan kasi nga saktong andiyan si Bestfriend mo. Sabi mo pa nga sakin na iisang bahay nalanag kayo diba? nakikitulog ka sa kanila? ang sweet niyo kaya. tapos nagpopost ka pa ng mga pinaguusapan niyo na mga sweet. heto ako, naghihintay ng reply mo. pero wala eh. Last week nagmessage ako sayo na di ko na kaya. tapos bigla ka nagreply. nagulat rin ako. hindi ko masulat dito ang mismo kong sinabi kasi nagdedelete ng messages ang twitter.
Ang kinagandahan mo rin kasi mabilis kang magpatawad. may mga times rin na nag-ooverthink ako. nagawa ako ng mga sarili kong problema. mga problemang nagagawa ko kahit na dapat naman na wala sila doon. kaya panay post ko sa twitter. mamaya masaya tapos biglang malulungkot. sa sobrang pag-iisip ko nga sayo eh napapanaginipan nga kita . napapanaginipan ko rin minsan magkausap tayo sa twitter. Dun ko rin naisip "Ah ganito pala talaga pag nag-aalala ka sa isang tao." Hindi nga tayo. pero iba na yung turing ko sayo. as soon as possible sinubukan kong maging stick-to-one. dahil diba sabi mo simula nung maloko ka ng dalawang beses parang nawalan ka na ng tiwala sa mga lalake pero sakin hindi daw? I hate to say this but. di ko narin 'to kaya. ikaw palang ang babaeng iniyakan ko ng madalas. dati may mga naiiyakan ako pero yun siguro landian lang. pero ikaw? okay ka na sana eh. kaso nga lang, parang ldr tayo. Tuwing lunch dati magkasama tayo. nag-uusap ng mga bagay-bagay ganun. tapos pag uwian binibilhan kita ng inumin o kaya halo-halo. ikaw palang yung
babaeng ginastusan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sayang na effort. masakit. pero okay lang yun. ang mali kasi sakin hindi ako nagtira sa sarili ko. nag-insist na nga lang ako na maglakad tuwing uuwi ako kasi sinasabayan kitang abangan service mo. kasi as soon as possible gusto ko maging safe and sound ka pauwi mo. sinasabi mo rin sakin na mahal mo ako. words are just words. sawa nako. hindi sakin nag-aaply ang salita na "Kung mahal mo, magtitiis ka sa lahat ng sakit na pagdadaanan mo." hindi eh. minsan kahit mahal mo dapat sukuan mo na. although bata pa naman ako. madami pa naman raw akong m6akikilala. ang malas ko talaga sa mga babae. yung iba ko ring mga naka-MU nagtatapos tuwing summer na or bakasyon. Baka malas talaga ako sa babae? hahaha. Oh dito nalang magtatapos storya ko. hahaha. sa sunod po na story uli.
PS: Sa buong school years ko hindi lang po siya ang dumaan na babae sakin. :)
YOU ARE READING
My first
Non-Fictionbased on a true story. (although dinagdagan ko lang ng iba para maganda ang ending)
