Fuck Feelings (Short Story)
"Uy tingnan mo sila oh. Grabe ang sweet talaga no?"
"Oo nga eh. Nakakakilig tangina."
"Swerte ni Thomas, ang ganda ni Bethany eh."
"Sana loyal sila sa isa't isa. Goals na sila eh."
"Grabe si Bethany, ano? Siya lang ang nakapagpatino kay Thomas."
Mga salitang naririnig ko sa tuwing lalabas ako ng kotse ni Thomas, boyfriend ko. Captain ball siya ng Basketball Team. Captain ball naman ako ng Volleyball Team. Goals daw sabi nila. Kasi ang sweet sweet namin sa isa't isa. Na sa tingin ko ay tama. Hatid sundo niya ko. Susunduin ako sa bahay then sabay kaming papasok. Then sabay din kaming uuwi. Kahit na maaga ang dismissal nila hihintayin niya pa din ako. And find that sweet.
Naglalakad kami sa corridor ng building namin, ihahatid niya raw kasi ako sa room ko. Hinawakan niya ang kamay ko. May narinig akong bulong-bulongan, at hindi iyon hatred. Kung hindi ang pagsuporta nila sa ThoNy. See? Ang bongga ng relationship namin, may ganyan pang nalalaman. May page pa nga kami eh, hahaha.
"Babe, mag-behave ka ha? Alam mo namang ayoko ng maraming umaaligid sayong lalaki. Gusto ko ako lang." Ani Thomas. Nginitian ko siya at tumango.
"Behave lang ako, promise." At nginisian siya. Hinalikan niya ako sa noo bago siya nagpaalam sakin na pupunta na raw sya sa room nila at baka daw malate sya.
Tumunog ang bell hudyat na lunch na, pagkalabas ko pa lang ng room ay nakita ko kaagad siya sa labas ng room namin at hinihintay ako. Nang nakita niya ako ay binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at ganon din ako. Pumunta kami ng canteen.
"Babe, malapit na ang Intramurals. Nagdadalawang isip ako kung maglalaro ako. What do you think?" Tanong niya.
"Of course! Are you out of your mind? Last year na natin ito sa high school hindi ka pa maglalaro?" Inis na sabi ko.
"Well, sabagay. Kawawa naman ang team mates ko. Baka hindi sila manalo. Walang pogi sa mga play nila." Ani niya sabay pitik sa noo ko.
"Aray! Hambog 'to." Irap ko. But he just smirked at me. He likes me pissed but at the same time not. Ang gulo diba? Ewan ko ba.
Dumaan ang mga araw, at ganon pa din, susunduin niya ko sa bahay, bababa ako ng kotse nya na may naririnig na bulong-bulongan na knikilig daw sila, ihahatid nya ko sa room, sabay kaming magla-lunch, hihintayin nya ang dismissal ko, at ihahatid ako sa bahay.
Nang dumating ang papalapit na Intramurals ay naging busy ako, ganon din siya. Panay ang training nila sa Basketball at ganon din kami sa Volleyball. Dagdagan pa ng mga tungkulin as chairwoman ng school. Nakaka-haggard talaga. Hindi na ko nakakapagreply sa mga text niya dahil sobrang busy. Nagagalit na nga sa akin yung mga Team Mates ko dahil wala na raw kaming proper training. Ipinaliwanag ko naman sa kanila, at naintindihan naman nila. Akala ko ay naiintindihan din ako ni Thomas pero... Mali ako. Hindi niya ako naiintindihan. Wala na daw akong time sa kaniya. Pinaliwanag ko sa kaniyang busy ako pero sinumbatan nya lang ako.
"Wala ka nang time sa akin, Bethany!" Sigaw ni Thomas sa akin.
"Sabi ko naman sayong bus—" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Busy din ako pero nabibigyan kita ng oras! Ni hindi ka makapagreply sakin kahit isang tuldok! Ine-end mo ang mga tawag ko!"
"Understand me please—"
"I'll never fucking understand your bullshits!" And he walked out.
Well naiintindihan ko siya. Siguro nadala lang siya ng galit. O baka pagod lang siya sa game kaya niya nasabi yon. O baka naman natalo sila sa tune up nila sa Grade 10. Yan ang gusto kong paniwalaan. Pero alam ko sa sarili ko na masakit. Na nasasaktan ako. Bakit siya ganon? Hindi naman siya ganon last year ah? Naintindihan niya naman ako. Sabi pa nga nya, "It's okay, baby. Take your time. I won't pressure you." Pero bakit ngayon ganyan siya kung maka-asta? Ang dami kong tanong. Pero hindi ko din masagot dahil siya lang ang makakasagot ng mga 'yon.
After ng Intramurals namin ay sem-break. Hindi siya nagparamdam sakin. At sobrang nasaktan ako doon. Iyak lang ako ng iyak sa kuwarto ko. Nagaalala na sila mommy, dahil hindi nila alam ang nangyayari. Pero alam na iyon ng kapatid kong si Jana, pero ang sabi ko sa kaniya ay huwag na huwag sasabihin kay nila mommy, dahil baka masaktan niya si Thomas.
Hanggang sa magpasukan. Hinintay ko siya sa bahay. 8:00 ang pasok ko, at 7:30 sya nadating. Pero 8:30 na at wala pa din sya kaya napagdesisyunan kong magpahatid na lang sa driver namin. I missed my first subject. Pinagalitan pa ko ng teacher ko kasi pumasok ako nang hindi nakatok. Kaya pumunta na lang muna ako sa canteen. Pero nakita ko sya. Sa isang table. May kasamang isang babae at dalawang lalaki. Katabi nya yung babae, at sa harap nila ay yung dalawang lalaki, habang nakahawak sya sa baywang nung babae.
Nagsimulang magbulong-bulongan ang mga tao sa canteen.
"Anong nangyari sa kanila?"
"Break na ba sila?"
"Grabe naman, parang ang sakit sa part ni Bethany."
Seriously, guys? Is that even a whisper? Narinig nya rin siguro yung mga sinasabi ng tao sa paligid kaya napatingin sya sa pintuan ng canteen, ngunit nagiwas din. Sa sobrang sakit, nadala ako ng emosyon ko. Sinugod ko ang table nila at nageskandalo sa canteen.
"You fucking bitch!" Sigaw ko sabay hila sa buhok nung babae.
"Ouch! Thomas! Help me!" Hinawakan ni Thomas ang kamay ko.
"Thomas ano to?" Hagulgol ko. Sabay sampal sa kanya. At sugod muli sa babaeng punyeta na ito.
"Bethany! Stop it!" Napatigil ako. At narinig ang mga salitang akala ko ay hinding hindi niya masasabi sa akin.
"I have no feelings for you anymore."
Nang narinig ko yon ay tumakbo ako palabas ng canteen at palabas ng school ngunit hinarang ako ng guard. "Kuya please?" Ani ko sabay hawi sa kamay ng guard. At pumara ng taxi.
Well, that's life. Everything fades anyway. So... Fuck feelings.
T H E E N D
YOU ARE READING
Fuck Feelings (Short Story)
Short StoryBAD WORDS ARE EVERYWHERE IN THIS STORY SO, BEWARE! NarleneAnneAguilar © 04.10.16 PLAGIARISM IS A CRIME. Started: April 10, 2016 • 10:07 PM Finished: April 10, 2016 • 11:11 PM
