Simula

70 3 1
                                    

Pawisan at mabibigat ang paghinga ni Vondar ng sa wakas maabot niya na ang gitna nitong masukal na gulat.

Halos mapamura siya sa mga makakating damong dumidikit dikit sa kanyang pang-ibabang suot at sa kanyang puting coat. Pero hindi niya sasayangin ang oras niya para problemahin ang kati na dulot ng mga damong iyon kaya mas pinagtuonan niya ng pansin ang kanyang paligid.

Alas nueve iyon ng umaga kaya aasahang nakasikat na ang araw. Salamat na lamang at matatayog ang mga punong kahoy kung nasaan siya ngayon kaya hindi batid ang silaw na nanggagaling sa sumisikat na araw.

Gamit ang kanyang palad pinunasan niya ang pawis na tumulo sa kanyang pisngi mula sa kanyang noo. Malagkit iyon at napangiwi siya. Medyo kumalma na rin ang kanyang paghinga at bumalik na iyon sa dati.

Ngayon ang kailangan niya nalang gawin ay tapusin ang kanyang sadya dito at umalis ng payapa.

Nagmasid masid muna siya sa paligid at hinintay na may mangyari o may magpakita sa kanya.

Dumaan ang ilang minuto na ganoon lang ang ginawa niya. Halos mapamura ulit siya nang makaramdam siya ng inip. Naiinip na nga siya pero sayang ang lahat ng hirap niya sa pagpunta dito kung hindi lang din naman niya makita ang sadya niya.

Nagpakawala siya ng sunod sunod at mabibigat na hininga nang may narinig siyang nagsalita kung asan.

"Vondar the Grandson of Apparis" boses babae iyon. Buo, mahinahon at may lambing.

Inikot ni Vondar ang kanyang paningin. Hindi niya alam kung saan siya haharap dahil hindi niya alam kung saan banda ang nagmamay-ari ng boses.

At nagsalubong din ang kanyang kilay nang marinig ang pangalan ng kanyang Lolo, isa sa makapangyarihang Dominator na nabubuhay pa magpahanggang ngayon.

"Tred? Mirtred, is that you?"

Lumingon si Vondar at tuluyan na ngang humarap sa kanyang likod nang matanaw niya ang flash ng kulay dilaw na ilaw at nagpakita doon ang babaeng naka kulay tsokolateng roba.

"The one and only." ani ng babae.

Mariin niyang pinako ang kanyang paningin sa ulohan ng babae. Ikinabigla niya nang tinanggal nito ang kanyang hood na nagtatakip sa kanyang ulo at mukha. Ngayon ay kita niya na kung ano ang nakatago sa ilalim ng hood na iyon.

Nakalugay sa isang side ang kanyang kulay dilaw na buhok, para itong binudburan ng ginto dahil nangniningningan ang bawat strand nito at nakakaakit tingnan.

Ipupukol niya na sana ang kanyang paningin sa mga mata ng babae ngunit agad itong nagsalita.

"Close your eyes and don't dare to open it while I'm here." Walang tanong tanong na sinunod ni Vondar ang utos ng babae. "You don't have to see me, all you have to do is hear me."

Tumango na lamang si Vondar. Kahit kating kati na siyang imulat ang kayang mga mata ay hindi niya magawa. Dilim ang bumabalot sa kanyang paligid ngayon.

Hindi ko man lang nakita ang mukha niya. Aniya sa kanyang isip

Wala pang nakakakita ng mukha niya katunayan kahit sino. Ayaw niyang pinapakita ang mukha niya. At hindi mo gugustuhing makita iyon.

Ngunit nanlamig si Vondar nang sinagot ng babae ang mga katagang sinabi niya lamang sa isip niya. "Alam ko kung hanggang saan ang pagnanasa mo na makita ang mukha ko, Vondar, pero pinapayuhan kita na huwag mo ng tangkain pa. Ayaw mo naman siguro mawala ang paningin mo habang buhay, hindi ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ultimate HoldersWhere stories live. Discover now