Simula

2 0 0
                                        

"Riva!" Sigaw ni Kuya Rivon.

Binilisan ko pa ang aking takbo patungo sa parking lot. Hindi dapat ako maabutan ni Kuya Rivon. Pipigilan lang niya ako. Ano bang problema niya? Simula nung lumipad sina mommy patungong states, naging strikto na siya. Maluwag naman sina mommy, ano kayang pinanghuhugutan niya? Ang lakas ng tama niya.

"Riva! Ano ba!" Mas malakas na sigaw ni Kuya Rivon.

Sa takot kong maabutan niya ako ay sumakay na agad ako sa lumang sasakyan ko. Ayoko man nito dahil sa kalumaan, wala na rin akong magagawa. Baka maabutan pa ako ng lokong iyon. At kung maabutan niya ako, siguradong itatali niya ko sa kama ko. Natatawa na lang ako kapag naiisip ang mga maaari niyang gawin sa akin.

Pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa party na dapat ay kanina ko pa napuntahan. Kung hindi lang dahil kay Kuya Rivon at sa mga madadaldal na katulong, siguradong hindi na ko mahuhuli sa kasiyahan.

"Lancer, Riva? Are you serious?" Natatawang tanong ni Sethri paglabas ko sa sasakyan. Kinalabit niya si Zac. Nang lumingon ito, tinuro niya ang sasakyan ko. Kumunot ang noo ko. What the heck is wrong with my car?

"Where's your baby, Riva? Bakit iyang napakaluma ang gamit mo?" Tanong ni Zac habang hawak sa kanyang baba. Pusta ko, lasing na ito. Alas dos na rin naman ng madaling araw.

"Mind your own biz, Zachary. Asan ba si Clarita? Hindi ko pa siya nababati." Pagiba ko sa usapan. Nakakairita ang tawanan nila.

"She's inside. Takpan mo ang ilong mo kung papasok ka. She's smoking." Lalo akong nairita. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at pumasok na sa loob.

Don't get me wrong. I like parties. I drink. Pero I hate cigarettes. I hate smoking. Hindi ko alam kung bakit. Siguro inborn na iyon.

"Clarita, happy birthday!" Mahinang saad ko.

"You're late, miss! Pero thanks!" Masigla niyang sabi.

"Pumunta lang ako para batiin ka. It's too late, anyway. Papasok na ako bukas." Pagkasabi ko noon ay niyakap ko siya. Binaliwala ko ang amoy ng sigarilyo.

"Sure, nerd! Sigurado akong masaya ang first day mo sa college." Bakas sa sinabi niya ang pagiging pilosopo.

Natawa ako. Hindi niya suportado ang pagiging matalino ko. Hindi daw bagay sa akin.

"Sige na, Clarita. I have to go. Happy birthday ulit!" Tumalikod na ako at naglakad. It's really late.

Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Sethri at si Zac na nagiinuman. Tinawag ko sila para magpaalam.

"Sethri! Zac! I have to go!" Mabilis silang tumayo sa sinabi ko at nagtungo sa kinaroroonan ko.

"What a kill joy! Ang aga, Riva! Have a drink!" Saad ni Sethri.

"Nah, I'll pass. Wala rin naman ang buong barkada. May pasok pa ako bukas." Pagpupumilit na saad ko.

"Alright, nerdy! See you tom!" Tinaas ni Zac ang kanyang kamay at kinawayan ako. Nasa harapan pa lang niya ako, nagba-bye na agad. Isip bata talaga.

Nagtungo na ako sa saksakyan ko at sumakay. They're right. This car is old. Buti na lang at maayos pa ang AC ng sasakyan na ito.

Alas tres na nang nakauwi ako. Saktong isang oras lang ang itinagal ko. Tulog na rin naman siguro si Kuya Rivon kaya hindi na 'ko dapat magalala. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ang higpit niya. Hindi naman siya ganun dati.

I made my way to my room nang biglang may humatak sa braso ko. It's Kuya Rivon! Namumula ang kanyang mukha, dulot siguro ng alak na kanyang ininom. Hindi ko talaga mapagtanto kung anong pinagdadaanan niya. He doesn't like liquors. Iinom lang siya kapag may okasyon.

"Where the fuck have you been, Riva?!" I almost tremble sa tindi ng galit sa boses niya. I've never seen him like this.

"My god, Kuya! I went to Clarita's birthday party! Nagpunta lang ako dun to greet her. Hindi nga ako nagtagal." I tried to explain my side. Kailangan kong magtino nang saglit para malaman kung anong problema niya.

"Riva, puede bang manatili ka na lang dito? It's not safe out there. We've been receiving threats. Isa na dun ay ang plano nilang kunin ka." Tumingin ako kay Kuya at umirap. Hindi na iyon bago. Hindi na iyon katakot-takot. We've been receiving threats for years pero wala namang nangyayari.

"I won't. Hindi ko ikukulong ang sarili ko dahil dyan. Pure bullshit, hindi naman totoo." Nilabanan ko ang tapang ng tingin sa akin ng aking nakatatandang kapatid.

Huminga ako ng malalim at saka nagsalita ulit. "Don't bother me. Stop with those nonsense. Matutulog na ko." I went to my room and slammed the door. I don't have the energy para makipagtalo pa sakanya. All I want is to rest.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TamelessStories to obsess over. Discover now