“Alam mo bang sinundan ni Lian si Almira sa Guam?“putol ni Kyle sa katahimikan.

(AN: May one shot story po para kina Liam at Almira)

“Guam? Bakit?”

“NagLQ eh…”

“Ang sosyal naman palang magLQ ng mayayaman. Nagaabroad…”

“Haha… Ang alam ko dun naman talaga nakabase ang family ni Almira eh… Dun sya gustong magtapos ng pag-aaral ng parents nya, at isa pa-“natigil ang sasabihin ni Kyle ng biglang may narinig kaming kaluskos sa madilim na parte malapit sa’min.

“Baka naman nagkakagusto ka na kay Xander?”sabi ng isang babae.

“And what made you think so Darsi?”boses ni Pres.

“Masyado na kasi kayong nagiging close. Madalas ko nga kayong nakikitang magkasama… Bakit nga kaya?”

“Kahit kalian hindi ko magugustuhan ang babaeng yon. I’ll never fall for a girl na masyadong palaaway, matakaw kumain, at lapitin ng gulo. Kahit sya na lang ang huling babae sa mundo I’ll never court her.”

Tinig yun ni Pres di ba? Sabi ko na nga ba.. Sa simula pa lang imposible na eh… Masakit pala na kapag yung taong natutunan mong gustuhin, hinding hindi ka magugustuhan kahit end of the world na…..

“Oh.. Ang sakit mo naman atang magsalita.”sabi ni Darsi.

“Just telling the truth.”walang ganang sabi ni Pres.

Darsi’s P.O.V.

“Kahit kalian hindi ko magugustuhan ang babaeng yon. I’ll never fall for a girl na masyadong palaaway, matakaw kumain, at lapitin ng gulo. Kahit sya na lang ang huling babae sa mundo I’ll never court her.” Sabi ni Pres.

“Oh.. Ang sakit mo naman atang magsalita.”sabi ko.

“Just telling the truth.”walang emosyong sabi ni Pres.

“Good.”

“Happy now?”naiiritang tanong ni Pres.

At last.. Mission accomplished…

Kyle’s P.O.V.

“Happy now?”naiiritang tanong ni Pres.

Pagkatapos nun may ibinulong si Darsi kay Pres.

“Oh my gosh! Look who’s here!” biglang bulalas ni Darsi. “Kyle!”

“Huh! Ah—He-hello…” Ang awkward ng moment.

“ OMG! You’re with Xander? You’ve heard right?”tanong ni Darsi sabay tingin kay Xander.

“Ay… Ano ka ba Darsi… Kanina pa kami nagpapahangin dito. Ikaw pa nga nagpadala ng juice kay Xander eh..” sabi ko.

“Oh… I must forgot! Sorry ah… Tinanong ko lang naman si Pres eh… Akala ko kasi may something sainyo… Narinig nyo naman ang sabi ni Pres di ba? Bye guys! Se yah later!”

Napansin kong tensionado ang paligid.

Nagpapakiramdaman lang kami…

“Yung kanina…”sabi ni Pres kay Xander.

“Naiintindihan ko… Wag kang mag-alala Pres hindi naman ako naglalagay ng malisya sa mga kabutihang nagawa mo sa’kin eh.. Kaya wa epek yung narinig ko kanina.”

“Ganon ba? I didn’t mean to insult you then..”

“Sino bang nagsabi na nainsulto ako? Isa pa, the feeling is mutual. Kahit siguro ikaw na lang ang huling lalaki sa mundo, hindi rin kita magugustuhan. Di ko naman kasi tipo yung mga larger then life types… Hehe…”

“Oh… Mabuti kung ganon. Sige alis na ko.”walang emosyong sabi ni Pres.

Darsi’s P.O.V.

Calling boss maldita….

“Hi! Mission accomplished…”

“Good job. Nasa account mo na yung napag-usapang amount. Bye. May gagawin pa ko.”

Sabay putol ng linya…

“Ok… Ni hindi man lang ako pinatapos… “

Kyle’s P.O.V.

Tinawag ako ng kalikasan at pabalik na sa pool. Iniwan ko muna si Xander kina Troy na nagkakasiyahan sa may poolside.

“O manong anong nangyari?”

“Hay naku iho.. Nagkayayaan uminom… Tumba yung mga kasamahan mo maliban dun sa dalawa. Pinagtulungan na lang naming dalhin sa kanya-kanyang kwarto yung iba at nakatulog na. Hay… ikaw na lang ang bahala dyan sa dalawa nyong kasamahan…. Antok na rin ako at masakit na ang balakang… Sige…”

“Salamat po. Sige po akong bahala. “

“Sige. Alalayan mo sa pag-inom yung dalawa… Mukhang broken hearted…. Ay… Ang kabataan talaga ngayon… Payuhan mo na hindi madadaan ang lahat sa pag-inom…”

“O-opo. Sige po. Sino naman kaya yun? May broken hearted ba sa tropa?”

My First Chaotic Love StoryWhere stories live. Discover now