Sabi nila masayang mainlove. Masayang maramdaman na may nagmamahal sayo. Masayang ipagmalaki na may supportive at mapagmahal kang gf/bf.
Uso nga ang mga katagang "Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka." "Napaka swerte ko sayo." "Ikaw lang habang buhay." "Wala na akong hahanapin pa sayo." "Ikaw lang pangarap ko." At maaramiii pang iba!
Pero minsan ba naisip natin na sa lahat nang saya na mararamdaman mo eh may sakit ka rin na mararanasan?
Ang drama na ba? Iku-kwento ko na nga lang sainyo ang naging buhay ko. In three two one..action!
~~
"Steph!" Pauwi na sana ako nang marinig ko ang boses na yun. Nakatalikod man ako,nakapikit o kahit ano alam ko kung kaninong boses yun.
"Uuwi ka na?" Sabay akbay sa akin. Sabi na nga ba. Si Gabrielle Yu. My first love. My boyfriend. Hihi
"Kung may lakad tayo baka hindi." Inalis ko kamay niya sa balikat ko. Syempre noh nasa school kami NO PDA. Sa labas na..CHAROT!
"Nandyan na ba Lolo mo?" Binalik niya uli pagkaabay niya dahilan nang pagtingin ko sa kanya nang masama. Kaya inalis niya din hahaha takot sa akin toh.
"Wala. 5:30 pa ako nagpasundo kasi akala ko may practice. Biglang nacancel."
"PINACANCEL KO PARA MAKAALIS TAYO." Sabay kindat sa akin. Aba loko. Binatukan ko nga para matauhan.
"Aww! Para saan yun!" Hahahaha pangit niya.
"Para sayo baliw ka ba? Ano aalis ba tayo o magtatalo lang tayo?" Kunwaring pagsusungit ko
"Tara na ngaa." Kitang kita ko yung laki nang ngiti niya. Minsan lang kasi kami lumabas kasi hindi kami legal sa family ko. Pero sa family niya legal kami. Mahirap pero kinakaya namin.
Nasabi ko na bang 2 years na kami? Sooobbraang dami naming pinagdaanan. As in. Nung mga ilang months pa lang kami,muntik na kaming maghiwalay because of misunderstanding. Nung unang relationship namin..nagkagusto siya sa new student..tas--
<Flashback>
*Letter for Gabrielle*
'Hi Gab. Masaya ka na ba? Ang ganda niya noh? Kamusta naman ako diba? Nagcheek to cheek kayo? Sa klase pa? Ang galing mo rin eh noh. Ang kapal nang mukha mo hayop ka. Magsama kayo nang babae mo. After all. Gaganutuhin mo lang pala ako? Karma na bahala sayo. Goodbye.'
"Infairness Steph ang tapang nang letter mo kay Gab ha!"
"Charless be sure na ibibigay mo sa kanya yan ah." Wala. Wala akong gana ngayon.
"Oo sige sige makakarating. Pero Steph cheer up okay? Hindi siya worth it."
"Thanks.."
^After 5 months
"Steph steph!!" Nagmamadaling lumapit sa akin si Charles. Si Charles ang kaibigan kong tatay-tatayan ko. Siya ang nagsabi sa akin nang lahat nang nangyari sa amin noon. Pero wala na yun nakamove on na ako.
"Oh tay?" Hingal na hingal siya ah.
"May nagsabi sa akin..liligawan ka daw uli ni..Gab."
"......HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA CHARLES WAIT LET ME LAUGH HAHAHAHAHHAHA!" NAKAKATAWA SOBRA NATAWA BA KAYO?
"Anong shit yan?" Bigla akong sumeryoso nang nakita kong seryoso mukha ni Charles.
"Totoo lahat. Di ko lang narinig. Tinanong ko na rin sa kanya. Muntik ko nang sapukin kanina kaso..nasa school tayo."
"Sus hayaan mo siya wala naman na. Nakamove on na ako."
"Sana nga steph. Sige mauna na ako may date pa ako." Tinapik niya balikat ko at tumakbo na.
YOU ARE READING
Unexpected Break-up (One Shot)
Teen FictionHindi mo inaasahan lahat nang mangyayari sa buhay mo. Maaring masaya ka ngayon bukas hindi. Pero ang tanong handa ka ba sa lahat?
