Chapter 1

2.2K 34 2
                                    

"Tabi!!!!!!!!! HUMARANG PASLANG!!!"

Yan ang kadalasang maririnig sa corridor. Lalo na kapag umaga at late na si Malen sa klase.

"Hoy Malen ang ingay mo!" sigaw sa kanya ni Jane.

"Ayyyyy! Wag ka nang kumontra Jane! Late na ko! Tayo pala."

Hinawakan ni Jane ang kamay ni Malen pero tuloy parin sa paglalakad ng mabilis si Malen. Kaya halos makaladkad na si Jane.

"Ano ka ba? 7:00 palang oh. 7:30 pa start ng klase. Inantay na nga kita kasi ang aga pa ih."

"Aynako. Mabuti na yung maaga Bes!"

"Eh ano bang dahilan mo para pumasok ng maaga?"

"Mag-aral."

"Malen. Wala pa ngang klase eh. May nakalimutan kang reviewhin noh?"

"Aysssshhh. Wala talaga akong lusot sayo... Oo. Diba may activity tayo sa Chemistry? Titignan ni Sir kung naintindihan natin yung ginawa nya last week."

"Ay oo nga pala! Tara na Bes! Wala akong alam don!"

Ngayon ay si Jane naman ang nagmamadali at humihila kay Malen.

"Uy ano ka ba?! Teka lang madadapa ako!" Sigaw ni Malen.

May nakabungguan si Malen kaya napabitaw sya kay Jane. Napaupo si Malen at tumalsik ang bag nya.

"Ano ba?! Ba't hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?! Alam mo bang nagma--"

Hindi na nakapag-salita si Malen dahil ng tumingala sya ay isang napaka-gwapong lalaki ang tumambad sa mga mata nya. Maputi, matangos ang ilong, Korean style na buhok, mapupulang labi at meron siyang nakakaakit na mga mata.

"Malen! Bes! Sorry! Sorry talaga!" Sigaw ni Jane habang nananakbo palapit kay Malen.

"Sorry po. Sorry po talaga. Nagmamadali din po kasi ako." Halatang takot na pagmamakaawa ng lalaki.

"Ahhh... Ehhhh..." Tumayo na si Malen, natulala at hindi makapag-salita.

"Sorry po talaga! Sorry po!" Nakatungong pagmamakaawa ng lalaki..

"Ahh. Ok la--"

Hindi na nakatapos si Malen sa sasabihin nya. Dahil hinigit na sya ni Jane.

"Uy pogi sorry ha! Sorry talaga. Bye na. Nagmamadali kami eh."

Ngayon lang narinig ni Malen na magsalita ng ganun si Jane.

"Uy Bes! Ba't parang--- Ah wala." Tanong ni Malen.

"Ha?" Nagtatakang sagot ni Malen.

"Kanina. Yung sabi mo sa lalaki. Kanina lang kita narinig na mag-sabi ng "Uy pogi sorry ha!". Nakakapanibago."

"HAHA! So inamin mo din na pogi yung lalaki?" Pag-iiba ni Jane ng usapan.

"Oy wala akong sinasabi ha!" Pagde-deny ni Malen

Pero pogi talaga sya ha. Tsssss. Sayang, mukang takot sya sakin.

"Hoy. Ano bang iniisip mo jan? Tara na nga!"

Sabay nanakbo na ang dalawa papunta sa room nila.

Pagdating na pagdating sa room ay nagbuklat ng bag ang dalawa at nagbasa...

Ha? Asan yung notes ko?!

Napansin ni Jane na mukang hindi mapakali si Malen.

"Huy. Bakit?"

"Yung notebook ko nawawala. Nandito lang yun sa bag ihhhh."

"Haaaaay. Baka tumalsik kanina. Diba may naka-bungguan ka?"

"Oo nga nuh. Tara Bes hanapin natin!"

"Mamaya na. Maki-share ka nalang muna sakin ng notes. Then mamayang break samahan kitang hanapin yung notebook mo."

"Hmmm.. Sige. Salamat Bes!" Yumakap si Malen sa Bestfriend nya.

"Haha. Wala yun. O dali magbasa ka na at mamaya lang nanjan na si Sir."

Nag-review na ang dalawa at maya maya lang ay dumating na ang teacher nila.

"Ok. Stand up class... Goodmorning."

"Goodmorning Mr. Ramos."

"Ok. Take your seats. Keep your reviewers and prepare your materials."

Umupo na ang lahat at nag-ready para sa activity.

As usual, pumasa sina Jane at Malen dahil nakapag-review sila.

Dumaan ang dalawa pang subject at break time na.

Gaya ng ipinangako ni Jane, sinamahan nya si Malen sa pinaghulugan ng gamit nya.

"Uy teka Bes. Mag c-C.R. muna ako." paalam ni Jane.

"Sige Bes."

Naghintay si Malen sa labas ng C.R. nang may mapansing syang lalaking dumaan sa harap nya. May dala-dala itong notebook. Kamukang kamuka ng notebook nya.

"Hoy! Notebook ko yan ah!" Sigaw ni Malen.

Lumingon ang lalaki.

"T-Teka. Diba ikaw yung nakabungguan ko kanina?!" Gulat na tanong ni Malen.

"Ahh... Ehhh... Oo.... Pupunta sana ako sa classroom mo.. para... isauli to..." halatang takot ang lalaki.

Iniabot nya ang notebook kay Malen.

"Salamat ha. Importante to eh. Nandito lahat ng notes ko sa Chemistry."

"Walang anuman..." Sabi ng lalaki habang nakayuko.

Maglalakad na paalis ang lalaki nang biglang.....

"Ahm, ngayon lang kita nakita dito. Are you new? Anong pangalan mo?" Tanong ni Malen.

Humarap ang lalaki...

"Ken. John Ken Torres. Yes I'm new. I just transferred." nakangiting sagot nito.

"Ahm.. Malen.." sabay abot ng kamay.. "Maria Carmela Lyn Sandoval. Sorry kung sinungitan kita."

"Ok la--"

Sabay labas ni Jane sa C.R.

"Uyy. Diba ikaw yung kaninang umaga? Haha. I can see friends na kayo nitong bestfriend ko." Bati ni Jane.

"Uhm, Ken this is Jane. Bestfriend ko." Pagpapakilala ni Malen kay Jane.

"Hi. Nice to meet you." Ngumiti si Jane at iniabot ang kamay.

"Nice meeting you too." Nakangiting sagot ni Ken. "Well, I gotta go. Ibabalik ko lang naman talaga yung notebook eh. Uhm, See you around."

"Yeah. Sure. Bye." Hindi mapakaling sagot ni Malen.

"Bye!" kampanteng pagpapaalam ni Jane.

Nang makaalis si Ken....

"Huy Bes! Ba't parang nawala pagiging sadista mo? Kalmadong kalmado ah?" Pang-aasar ni Jane.

"Ha? Sinasabi mo? Tara na nga. Kain na tayo. Nakuha ko naman na notebook ko eh."

"Sus. May crush ka sa kanya noh?"

"Crush ka jan? Sampalin kita jan eh. Gusto mo?"

"Ayaw po. Joke lang po. HAHAHA!" Pang-aasar ni Jane.

"Aysht. Tara na nga." Medyo naaasar na yaya ni Malen kay Jane.

"Tsss. Sungit mode nanaman bestfriend ko. Sorry na." Sabay yakap sa bestfriend.

"Ok lang. Tara na."

asdfghjkLOVE.♥[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon