“I’m quite lost right now,” nakangiwi nitong sagot at bahagyang napangiti si Mason dahil tumpak ang kanyang naging sapantaha. “Do you know where Palma Hall Annex is?”

 

Humarap si Mason sa maluwag na pasilyo at gamit ang kamay ay sinimulang magbigay ng direksiyon. Kakanan lang sa gitna, kaliwa sa may rainway at kapag natumbok ang CASAA, sa likod noon ay Palma Hall Annex na. Subalit tila mas naguluhan pa ang kausap.

“Could you please take me there? I’m not good with directions and…” Dinig na dinig ni Mason ang pag-aalala sa tinig ni Hayley lalo na nang tignan siya nito nang may pagsusumamong tulungan niya ito. “Help?”

 

Nung tumango si Mase, sumilay ang ngiti sa mga labi ng dalagang iyon kaya nagpatiuna na siya upang tahakin ang landas papunta sa PHAN. Tahimik lamang silang naglalakad hanggang sa pumantay na si Hayley sa paglalakad niya.

“Can I ask what course you are taking?” Muling tanong nito.

“BAA,” tugon naman ni Mason at tumango lamang si Hayley. Ang hinala niya’y hindi rin nito alam ang ibig sabihin noon.  Sinubukan na rin niyang kausapin ito para hindi naman awkward. “You?”

 

Sa muling pagngiti ni Hayley ay nabanaag niyang halos mawala ang singkit na mga mata nitong sumabay sa pag-angat ng mga gilid ng labi. “Accountancy.”

 

“I see.” Maliit nga ang mundo. Magkakurso pa sila. Subalit bakit kaya ngayon lang niya nakita ito? Hindi niya nakita si Hayley noong block orientation nila. Napaisip si Mason. Ibig sabihin, huling-huli na ito sa klase dahil mahigit isang buwan na rin ang nakalipas nang magsimula ang pasukan. Bahagyang nahabag naman si Mason dito kaya minabuti na niyang tuluyang matulungan. “Which room is your class?”

Ipinakita ni Hayley ang Form 5 nito kay Mason.  Iyon ang papel na naglalaman ng buong schedule sa semestre. Hindi rin papapasukin sa klase ang sinumang makalimot noon. Sabi nga nila, mawala na ang lahat huwag lamang ang Form 5. Mas importante kasi ito kaysa sa ID.

Nang maihatid si Hayley sa tapat ng silid ng klase nito, humarap ang dalaga sa kanya. “I didn’t mean to be a bother, but thank you. Thank you very much,” saad nito at hinawakan pa ang mga kamay ni Mason nang mahigpit upang ipahiwatig ang pagpapasalamat.

Hindi tuloy maiwasan ni Mason ang mapangiti. No worries. I’ll see you around then. It appears that we’re taking the same course.”

  

Namilog naman ang mga mata ni Hayley. “Really?!”

  

Binigyan niya ito ng matipid subalit tunay na ngiti. “So, I’ll get going. Have an exam to take in a few minutes,” pamamaalam ni Mason. Limang minuto na lamang at pagsusulit na nila. Bago tuluyang tumalikod pabalik sa AS Building, nagbilin pa siya dito. “If you get lost, you can ask around. I’m sure you’ll find someone who can help you.”

  

Muling napangiwi ang dalaga. “I’m terribly sorry. See you around!” pahabol nito na may kasama pang kaway kaya tinanguan na lamang siya ni Mason.

From A DistanceWhere stories live. Discover now