1st Of April

4 3 0
                                    


"1st of April"

Written by: Nathalie Ruess


"Hello, Ara! Good morning!" Napahinto ako sa paglakad sa pasilyo papunta sa department namin nang batiin ako ng isa 'kong ka-trabaho. Napahawak ako sa dibdib 'ko dahil sa gulat, lalo na ng nginitian niya ako at tanguan. Kahit nang makalagpas na siya ay hindi pa rin ako nakagalaw, napangiti ako saka tumuloy na lumakad.

"Ara, kumusta?" Hindi pa 'man ako nakakahuma sa unang ka-trabaho 'ko na bumati sa akin ay may sumunod na agad, maaliwalas na maaliwalas ang mukha niya habang nakangiti sa akin. Ibinuka 'ko ang bibig 'ko pero walang salitang lumabas doon dahil sa sayang nag-uumpisa nang bumalot sa aking puso. "Sige a, mauna na ako." Nakangiti niyang paalam sa akin, tumango lang ako saka siya nginitian.

Ano bang nangyayari? Anong mayroon? Sa tagal na niyang nagtra-trabaho sa kompanyang iyon bilang encoder, ngayon niya lang naranasan na batiin at nginitian ng kanyang mga ka-trabaho.

Pero hindi pa pala natatapos ang masayang pangyayaring iyon sa buhay niya dahil..

"Hi, Ara!"

"Hello, Ara!"

"Good day, Ara!"

"Gumaganda ka, Ara a!"

"Bagay sa'yo ang lipstick mo!"

"Ang sexy mo, Ara! Anong secret mo?"

"Sabay tayong mag-lunch mamaya, Ara a!"

"Hati tayo sa baon 'ko, Ara! Marami akong niluto kaninang umaga!"

"Ara! Are you ready? May swimming tayo this week!"

"Ara, punta ka sa birthday celebration 'ko! Huwag na huwag kang mawawala!"

Hindi 'ko na malaman ang gagawin dahil kabi-kabila ang mga pangungumusta, pagbati at pag-i-imbita. Hindi 'ko na mapigilang mapangiti ng malaki sa lahat ng taong nandoon. Pakiramdam 'ko, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo dahil lang sa kanilang mga ngiti na para sa akin.

Hindi ako sanay nang ganito pero masarap pala sa pakiramdam.

Mas sanay kasi akong binabalewala lang nila.

Mas sanay akong dinadaan-daanan lang nila.

Mas sanay akong iniiwasan nila.

Mas sanay akong walang nag-i-imbita sa aking kumain at ang kumain mag-isa.

Mas sanay akong mag-isa pero masayang-masaya ako ngayon dahil ngayon 'ko lang naramdaman na hindi ako nag-iisa..

Na nag-e-exist pala talaga ako!

Hindi na nila ako binabalewala..

Hindi na lang sila basta dumadaan-daan dahil bawat pagdaan nila ay may kalakip na pagbati o pangungumusta.

Hindi na sila umiiwas..

Gusto na nila akong makasabay kumain..

Siguro'y effective nga talaga 'yong binili 'kong gamot na binili 'ko noong isang linggo, mabisa daw iyon na pangpakinis at makapagbura ng mga peklat.

Marami kasi akong ganoon dahil sa madalas na pamamalo sa akin ni itay dati. Sinisisi niya kasi ako kung bakit namatay si Inay, namatay kasi si inay dahil sa panganganak.. siyempre, kanino pa? E 'di sa akin!

Pero matagal na iyon! Ang mahalaga, iyong ngayon!

Masaya akong nagtrabaho, nakangiti akong nag-e-encode sa harap ng aking computer. Malaki ang aking ngiting tinapos ang lahat ng iyon. Hindi 'ko nga namalayan na tapos na pala ako at lunch time na pala.

Nakangiti at mabilis akong nag-ayos ng aking sarili saka kinuha ang lalagyan 'ko ng pagkain na nasa ilalim ng aking mesa. Nasa labasan na ang mga ka-trabaho ako na parang ako na lang talaga ang hinihintay at dahil sa isiping iyon ay lalong lumawak ang aking ngiti.

"Kakain na tayo?" Galak na galak na tanong 'ko sa kanila pero tila wala silang ideya sa inaasahan niyang dapat mangyari, ang sa wakas ay makasabay ako sa kanilang kumain.

Nawala ang ngiti 'ko ng magkatinginan silang lahat at saka nagbulungan..

Ang bulungan nila sa isa't isa ay naging ngiti hanggang naging hagikgik, napaatras ako..

"Guys, bibilang ako a!" Nakatawa ang babaeng ka-trabaho, nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. "1.. 2.. 3.."

"April fools!" Sabay-sabay at malakas na sabi nila saka sila nagtawanan, tawanang nakakabingi..

Tawanang unti-unting humihiwa sa wasak 'ko nang pagkatao..

Bakit kailangan 'ko pang maramdaman ito?

Sanay naman na akong mag-isa, 'di ba?

Sanay naman akong hindi sila kasama..

Sanay naman akong binabalewala nila, 'di ba?

Sanay na ako, hindi na dapat ako masaktan..

Mabagal ang mga hakbang at pigil ang hiningang bumalik ako sa cubicle 'ko.

Ilang beses akong huminga ng malalim at binalewala ang nakakabinging tawanan na hindi 'ko alam kung bakit hanggang hanggang ngayon ay naririnig 'ko..

Naramdaman 'kong muli ang paninikip ng aking dibdib kasabay ng pagbabara ng aking lalamunan, kahit anong pigil 'ko ay taksil ang aking mga luha, kusa iyong lumabas mula sa aking mga mata hanggang ang tahimik na pagtangis ay naging hikbi..

Sa tagal nang panahon, hindi pa rin pala siya sanay.. Sa tagal nang panahon ng kanyang paglaban, ngayon niya lang naisip na wala na pala talagang ipinaglalaban..

Huminga ako ng malalim saka pinahid ang aking mga luha.

Siguro, ito na lang ang tanging paraan para hindi na siya muling makaramdam ng sakit o kung anu pa man..

Tutal, wala namang may pakialam.

Wala namang iiyak, kung sakali at wala ring maghahanap. Walang mawawalan at walang manghihinayang..

Tumayo ako saka lumakad papunta sa powder room ng department namin.

--

"Ang saya nun, grabe! Laughtrip 'yong itsura nya e!" Nakatawang sabi ng babaeng ka-trabaho ni Ara, ito ang bumilang kanina bago nila isinigaw ang salitang 'April fools'

"Tuwang-tuwa pa siyang galisin na siya e 'no? Anong akala niya, masisikmura natin siyang kasabay kumain? Psh. Makita 'ko nga lang 'yong braso niya, halos manginig na ako sa pandidiri e!" Dagdag ng lalaking unang bumati kay Ara kaninang umagang pumasok ito.

"Ay, tama ka! Nunca na ise-share 'ko ang pagkain 'ko sa kanya 'no? Mahawaan niya pa ako ng galis niya at ang pamilya 'ko!" Nanginginig-nginig pa dahil sa pandidiri na sabi ng isang nakakatandang ka-trabaho ni Ara na siya ring nag-offer rito na hati daw sila sa baon niya.

"Wala o, nasaan na kaya iyon?" Sabi ng lalaki.

"Hay nako! Huwag mo ngang hanapin yun, sigurado~" Hindi na natuloy pa ng babae ang mga panlalait pa sana niya kay Ara dahil sa sigaw ng isa nilang ka-trabaho na galing sa powder room, nanginginig ito't namumutla kahit nag-apply na ito ng pulang-pula na lipstick. Agad na lumapit rito ang nakakarami habang nakakunot naman ang noo ng unang babae.

"O, bakit?! Anong isinisigaw-sigaw mo d'yan?" Mataray na tanong ng babaeng tagabilang habang nakalukipkip at nakataas pa ang kilay.

"S-s-si A-a-a-r-r-ra." Nanginginig na sabi nito saka itinuro ang direksyon ng powder room.

"Nginig na nginig ka a! Bakit, nakita mo 'yong marami niyang.. Eww!" Inikot pa nito ang eyeballs saka hinampas sa akin ang kamay habang ang lalaki at nakakatanda ay nagkatinginan.

"S-s-si A-a-rr-ra!"

"Ano nga?!" Nauubusan na nang pasensyang sabi ng babaeng tagabilang.

"S-s-si A-a-rr-a, nag.. nag.. nag~" Pero bago pa man nito matapos ang dapat malaman ng lahat ay bumagsak na ito bigla at nawalan ng ulirat.

•••

1st of April (One Shot)Where stories live. Discover now