The Apprenticeship Program

4.3K 128 3
                                    

Katulad ng dati, matalim na mga titig ng Tres Contrabidas ang sumalubong sa kanya habang nakabuntot sa kanyang likuran si Edward. Partikular na si Jelfa na sa talim ng mga mata ay very apparent ang pagngitngit nito. Sa selos? Dahil type nito ang kasama niya? Well, maglaway siya.

Sa mas malawak na cubicle na dating okupado ng supply chain supervisor pinagkasya ang magiging pansamantalang espasyo nilang dalawa ni Edward. Sa kasamaang palad, direktiba ni Mister Dimagiba na pagsamahin silang dalawa upang matutukan niya ang kanyang apprentice. Katulad nga ng napagkasunduan, gagawa rin siya ng daily journal ng progress ng kanyang binabantayan bukod pa sa regular workload niya. Maigi at may ilang gawaing na-unload sa kanya upang masubaybayan rin niya nang husto ang lalaki.

Mostly encoding at pag-fax ng mga purchase orders sa intended suppliers ang magiging trabaho ni Edward on a daily basis.

Siya ang magiging signatory sa mga generated reports nito. Ang lalaki ang magiging katuwang niya sa pag-source out ng prospective suppliers na pwedeng idagdag sa kanilang database. May ilang transaksyong kailangan rin nitong makipag-usap sa mga service and material providers at mag-haggle ng presyo upang mas maging cost-efficient ang kompanya. Ang mahalagang responsibilidad na nakaatang sa kanila ay ang ma-comply lahat ng supply requirements. All must be delivered on time and must pass the specified quality standards.

Bukod doon ay kinakailangan rin nilang magsagawa ng mga ocular inspections sa existing supply partners nila upang masiguro na pasok sa standards ng kompanya ang produkto at serbisyong ibinibigay nito sa kanila.

"All rules work to your advantage. Dehado naman yata ako dito." Reklamo ni Edward matapos pasadahan ang ilang nakasaad sa apprenticeship agreement nila.

Napuna niyang matatas naman pala ito managalog. "Which breaches the last provision of the agreement." Aniya.

Tumaas ang kilay nito. "What is that?"

"Bawal ang masyadong ma-reklamo lalo at kung tungkol sa trabaho. So, hindi mo binasa nang maigi? "

"This is not equitable."

"Okay. Madali naman akong kausap. Kung simpleng batas ng pagtatrabaho mo dito ay inirereklamo mo, then you can leave. Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan at narito ka but I know it's something very important to you. In that case, you have to work on terms we have agreed or else..." Madiing saad niya.

Edward's face crinkled. He gave her an indignant expression saka nakaupong pinaikot ang swivel chair pabalik sat table nito. "Amasona." He drawled in a very low voice bagaman dinig niya ang murmuring nito.

"Hey! Anong sinabi mo?"

"Whut!? I said you're the boss."

Pairap siyang bumalik na rin sa trabaho. Napabuntung-hininga siya sa isiping hindi lang ang Tres Contrabidas ang poproblemahin niya simula sa araw na ito.

Magmula nang limang-taong gulang, lumaki siya sa malayong tiyahin na nag-ampon sa kanya matapos yumao ang kanyang ama. Wala siyang natatandaan ukol sa ina ngunit sa pagkakaalam niya, may pamilya na ito at nanahan na sa New Zealand. Iyon ay noong nagdesisyon itong iwanan ang kanyang ama sa dahilang hindi na niya inungkat sa nag-iisang kamag-anak na nagpalaki sa kanya.

Sa ulilang kagaya niya, she learned how to become independent. Matandang dalaga ang kayang Tita Cora ngunit magiliw ito sa kanya taliwas sa pag-stereotype na masusungit ang mga old-maids. Naalala niya ang madalas na pambubuyo sa kanya ng mga kaklase noong high school at college na malamang ay maging mongha siya o tumanda ring dalaga katulad ng umampon sa kanya. Well, she proved them wrong dahil nagka-boyfriend rin naman siya. Sumablay nga lang.

Lovingly Yours, Mister NuknukanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon