Chapter two

704 29 36
                                    



Vic's POV

Nagulat na lang ako ng magising ako ng nakapantulog at maayos na ang pagkakahiga ko. Pinakiramdaman ko naman yung ulo ko, hindi na masakit.

Si Dennise kaya nasaan?

Pagkabangon ko ay bigla akong nakaamoy ng adobo, ang alam ko paborito ko yun. Kaya dahan dahan akong bumaba, siguro si Dennise ang nagluluto. Bigla naman may gumuhit na ngiti sa labi ko, wala naman akong alam about sa kanya simula nung naaksidente ako, pero meron akong nararamdaman sa kanya hindi ko lang maipaliwanag kung ano.

Basta nagulat na lang ako na asawa ko pala siya at may bahay kami, isang linggo na rin akong nandito sa bahay simula nung sinundo niya ako sa hospital. Nung una nga eh namamahay pa ako, tapos hindi ko pa akalain na biglang may susurpresa sa amin. Last week pumunta dito yung pamilya niya tsaka pamilya ko, yung pamilya niya tsaka pamilya ko natatandaan ko pero si Dennise lang talaga ang hindi ko natandaan.

Sabi daw kasi nila nag karoon ako ng selective amnesia. Yung pili lang ang mga nakalimutan ko, at isa si Dennise sa mga nakalimutan ko, nung una nga ayaw ko pang maniwala na asawa ko siya pero maraming bagay ang nagpapatunay na asawa ko nga siya. Gaya na lang nung inuwi na niya ako dito sa bahay at pumunta dito ang family namin sila ang nag explain sa akin. Ipinaliwanag nila sa akin kung bakit ako nag ka selective amnesia, at gaya na lang ng mga nararamdaman ko.

Pero minsan naisip ko, of all people bakit si Dennise pa ang nakalimutan ko bakit ang asawa ko pa? Ang hirap lang kasi eh. Yung meron kang nararamdaman sa kanya pero hindi mo alam kung bakit at paano, nahihirapan ako sa tuwing ganon. Nung first night ko dito nung hinalikan niya ako, biglang tumibok ang puso ko. Tapos tuwing tatawagin niya ako ng mahal parang musika sa tenga ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Wala akong maalala tungkol sa kanya, pero meron akong nararamdaman na takot, awa, pag aalala, at pagmamahal sa kanya.

Sinilip ko naman kung si Dennise nga ang nagluluto. Pumunta ako sa sala at nagtago pa sa pader sinilip ko kung siya nga ang nagluluto sa kitchen, napangiti naman ako ng makita kong siya nga.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kumekembot kembot pa siya habang nagluluto. Napatawa naman ako ng konti. Messy ang hair niya tapos, ang laki ng damit niyang suot, damit ko pa nga ata suot niya mas kasya ko pa ata yun, ang sexy niya kahit malaki yung damit na suot niya, makinis siya, tapos..

Oooops!

Nanlaki naman ang mata ko nang mapansin kong nakapanty lang siya, hala bakit naka panty lang siya? Kaya pumunta ako sa c.r at kumuha ng maliit na towel yung sigurado akong matatakpan yung pwet ni Dennise.

Ng makakuha ako ng towel ay agad akong lumapit sa kanya at ibinalot iyon sa kanya, at sabay niyakap ko siya.

Eto nanaman po biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at hindi ko rin alam kung bakit niyakap ko si Dennise yung mga kamay ko ata naaalala siya hahaha. Hindi ko alam kung bakit niyakap ko siya dapat ay tatakpan ko lang ang likuran niya kasi nakapanty lang siya.

"Mahal! Gising ka na pala, bakit mo tinatakpan yang pwet ko?" Natatawang tanong niya habang busy pa sa pagluluto.

Hindi ko malaman kung bakit hindi ko maalis ang mga kamay kong nakayakap sa kanya, ganito rin ba ako sa kanya dati nung wala pa akong amnesia.

"Huy mahal, bakit mo nga tinatakpan?" Tanong ulit niya at humarap siya sa akin sabay halik sa ilong ko. Naamoy ko yung hininga niya ang bango.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Photograph (AraDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon