1 Message Received

51 0 0
                                    

Nauuso na talaga ngayon ang mga chain messages sa text Gaya ng mga stories na napapanuod natin sa pelikula at nababasa sa Wattpad at TeenTalk ng Candymag, meron din itong sariling genre—may spiritual na kung saan para matupad ang hiling mo, kelangan mo itong ipasa sa ilang tao na malapit sayo para magkatotoo. Eh kung paano kung loner ka? Walang friends? Walang mapasahan? O walang load? Hindi na mangyayari yung wish mo? Naisip mo bang ang unfair nun?

Meron ding thriller/horror type. Ito yung mga namatay dawn a nagkatawang text para manindak ng mga may cellphone. Pag nakatanggap ka raw ng ganun, kelangang ipasa agad dahil kung hindi, sa ilang araw daw, mamamatay ka o ang ibang mahal mo sa buhay. Or worst, pag natulog ka sa gabi, nasa ilalaim daw sila ng kama mo at sasaksakin ka. Isang besess nga nakatanggap ako, aba, imbis na matakot ako e tinawanan ko na lang. double deck kasi ang kama namin. Ako ang nasa itaas, at yung kapatid ko sa ibaba. Sinong sasaksak saken?

May mga romantic styles naman, mga tipong pag nakatanggap ka ng ganito, ipasa mo daw sa crush mo o sa taong mahal mo o kaya sa crush mo. Pagkatapos ng three days o fifteen days, magiging kayo raw. Aba, sinubukan ko nga, ilang araw, nagtext yung crush ko, ang reply ba namang “Hu u?” daw?! Simula nun, hindi ko na tuloy siya naging crush. Bad trip diba?

Isang araw, habang wala kaming prof, nagdaldalan lang kami ng mga kaklase ko nang sabay sabay kaming nakatanggap ng chain message. As usual, dinedma ko lang. wala ako samood magpasa, sayang oras sa chikahan eh. Tas wala pa akong load.

“Ano na naman yan? Bat kayo kinikilig sa chain message na ‘yan? Ipasa sa crush mo tas magiging crush ka din daw niya after 3 days tas rereplyan ka ng Hu u? tss. Sayang oras!”

“Cha. Tumigil ka nga dyan. Palibhasa kasi wala kang load kaya di ka makakapag-GM ng ganito.” Sabi nang kaklase ko saken. At some point, tama siya. Medyo pahiya nga ako eh.

“Oo na, ako na walang load. Basta walang kwenta ang mga ganyan. Teka nga. CR muna ako.” Tumayo ako tapos lumabas ng classroom para pumunta ng CR.

Habang umiihi ako, naisip ko, paano kung subukan kong mag-GM ng mga pinapasa sa akin for a change? Try lang naman. Wala naman sigurong mawawala diba? Ay meron pala. Pero syempre papa-unli muna ako. Para oks na okas. Pagtayo ko, naghugas ako ng pwet. Di lang pala ako naihi, natae din pala. Yikes! Oy, secret lang ha! >_>

Tumambay muna ako ng ilang minuto sa CR. Dini-disinfect ko yung sarili ko kasi baka mangamoy ako sa room eh. Nakakahiya. Paglabas ko, nakabunggo ako ng isang estudyante. Napa-sorry na lang ako sa kanya. Sabay silay nga kaunti sa mukha niya. Ay nako. Eeling ko matatae ak oulit—nagkabungguan lang naman kami ng SC President naming ubod ng pogi at talino! Arrgh! Nakakahiya! Baka ma-jerbucks pa ako. Mygahd! I suddenly feel butterflies—no, reticulated pythons in my stomach, I feel like I’m at the top of the Mt. Olympus Mons, I feel like drowning in a septic tank. Ohmy.. bakit ba masyado kang gawpo Mr. President? Why oh why? Masyado na akong nakatitig sa kanya kaya nginitian niya ako at pumasok sa CR ng boys syempre. Baka kasi nagkamali siya ng pasok, baka ma-rape ko siya ng wala sa oras. Yippee! Ba’t ganun? bigla tuloy akong nahirap huminga. Pero okay lang. nakita ko naman si Mr. President. Hoho.

Bumalik na ako sa classroom namin. Syempre, di ako nagpahalata, crush din kaya nila si Mr. President kow. Ayokong malaman nila na nakita ko siya. Ayun, proceed kami sa chikahan. Hanggang uwian, walang prof kaya nag-ayos na ako ng mga gamit ko.. kaso parang may nawawala. Teka nga, asan yung cellphone ko? Asa bulsa ko yun kanina ha? Wala naman sa bag. Shet. Nawawala yung ketay ko!? Maganda pa naman yun. Blackberry. Made in China, bought in Divi.

“Anong problema mo? May nawawala? “tanong ng seatmate ko.

“Yung cellphone ko eh . di ko mahanap. Nawala ata. Di ko laam kung saan =_=”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

1 Message ReceivedWhere stories live. Discover now