I'm Married ♡: Chapter 2

Začít od začátku
                                    

Bumalik na kami sa classroom at this time, andito na yung teacher namin. Tssss. Akala ko pa naman free day.

Naglesson lang naman. Dumaan ang recess at wala akong balak lumabas dahil gagawa pa ako ng assignment sa A.P. Napasarap kasi ang pagdedaydream ko sa amin ni IVANBABES ko kagabi eh. Kaya simula 4pm pa lang hanggang umaga na ang dream ko sa aming dalawa. Magka-holding hands pa nga kami eh. :”>

TAKE NOTE: DREAM lang yan. -____- Ayun yung masaklap dun eh.

*KRING*

IT”S TIME TO SILAY SILAY ON MY PRINCE CHARMING!!!!!!!!!!!!!

Ivan’s POV

 

“Aaron, di ka ba sasabay?”  Tanong ko kay Aaron dahil lunch break na namin.

“May lunch ako. Kayo nalang.” Medyo naiwas-iwas pa sya ng tingin sa akin. Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang linggo parang iniiwasan ako nitong bestfriend kong to. Dahil ba to kay Ianne? Sya naman ang nakipaghiwalay kay Ianne di ba? Dapat wag nyang idamay ang friendship namin ng dahil lang don.

“Ivan! Si Ianne mo, nasa may kubo!” Sigaw sa akin ni Josh. Ang isang tropa ko.

“Eh talaga?” Lumabas na ako ng room at pumunta sa may kubo.

“Hi babe.” Sabay halik ko sa pisngi nya. God. I really love her scent.

“I packed lunch for us.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin. Grabeh, ang swerte ko talaga sa girlfriend ko. Maganda, mabait, matalino, at sobrang caring pa. Pinakawalan pa sya ni Aaron. Pero, buti na siguro yun. Kung hindi sila naghiwalay eh di sana wala kami ni Ianne ngayon?

“Say AHHHHH.” And yun, nagsubuan kaming dalawa.

“UWAAAA! Kainggit sila!!”

“Kainis! Mas bagay kami ni Papa Ivan ko!!”

“Hmmfff! Naman eh!!”

“Goshh. Ang sweet nila.”

 

Napatingin naman kami ni Ianne sa mga nag-salita. Ang mga IV- Samuel. Lahat sila, pare-parehas ang ekspresyon ng mukha. Ang mga mata nila ay nanlilisik. At ang mata ni…. Teka, si Alisa. Yung ka-classmate ko ng Grade 5 at Grade 6 nung elementary. Bakit parang paiyak sya?

“Babe. Mag-gulay ka! Para malakas ka.” Sinubuan naman ako ni Ianne ng gulay.

“Eto juice. Orange juice yan. Ako nagtimpla nyan.” Tas pinainom nya ako ng juice.

Mahal na mahal ko talaga ang babaeng to. Nadadaig pa nga nya kung mag-alaga ang Mama ko kesa sa akin.

Nag-kwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Sobra sobra ang saya ko dahil may Ianne ako. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na’to. Ang mapasaakin ang taong talagang mahal ko. Mas lalong napapasarap ang kwentuhan namin habang natagal ng biglang…..

I'm Married ∞ | ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat