Moonlight Over Paris

Start from the beginning
                                    

Pumalakpak sila at tumingin, "go girl!"

Tumingin ako kay Gabrielle na nakatingin na sakin, "tara na." Sabi niya.

I can't explain this weird feeling I'm feeling right now. Akala ko hindi niya ako isasayaw, kasi, sino nga ba naman ako para isayaw nya? But in the end, sinayaw niya ako. He lead me down until we're in the middle of the dance floor, hindi ako makatingin sakanya at sa iba lang ako nakatingin. Nilagay niya sa bewang ko yung dalawang kamay niya kaya napatingin ako sakanya.

September 02, 2012

Laban ng section namin sa basketball ngayon para sa elims for intrams, at kalaban namin yung section ni Gabrielle. Sa hindi malamang dahilan, napapatingin ako kay Gabrielle, at kay Gabrielle lang. Isa kasi siya sa mga naglalaro para sa team ng section nila. Suddenly, my eyes were all on him. And him only. And that’s when I realized, slowly, little by little; he’s stealing my heart.

 

“Makatingin naman kay Gabrielle, type mo no?”

Tumingin ako doon sa kaibigan kong kaklase ni Gabrielle last year, si Rea.“H-hindi ah. Nagugwapuhan lang ako.” Sabi ko at binalik ko yung tingin ko kay Gabrielle sabay ngiti.

“Mabait yang si Gab, may pagkagago nga lang, pero mabaet yan.”

“Muka nga.” Sabi ko.

 

Nung nagtime-out, nagsipuntahan yung mga players namin sa pwesto namin at sila Gab, sa kabila, napapatingin talaga ako sakanya. Para bang, hinahanap hanap siya ng mata ko.

 

“GAB!” Tawag ni Rea kaya medyo nagpanic ako.

 

Hindi ko alam kung bakit, pero nung tinawag siya ni Rea, biglang huminto yung mundo ko, at parang nabingi ako, at tanging yung pagtibok lang ng puso ko yung naririnig ko. Napatingin ako kay Gab na nakatingin din samin.

 

“Gab, si Kateney nga pala!” Sabi ni Rea sabay akbay at turo sakin.

“Uy ano ba Rea!”

Nginitian niya ako at tinaas nya yung kamay niya, “hi.” Sabi niya. Tinawag na sila ng adviser nila kaya naman inalis niya yung tingin niya sakin.

“Kileg si gaga.” Sabi ni Rea.

Hindi ko maiwasang hindi mangiti, “nginitian niya ko.” Sabi ko.

 

February 23, 2013

“Hindi ko alam, kung san ko ilalagay yung kamay ko.” Sabi ko, hindi parin makatingin sakanya.

Ngumiti siya, “ipatong mo lang sa balikat ko, para di ka mangawit.”

Huminga ako ng malalim at pinatong ko sa balikat niya yung mga kamay ko, atsaka tumingin sakanya, “u-hm.”

“Ang ganda mo ngayon ah?” Sabi niya sabay ngiti sakin. Yung mga singkit niyang mata, lalo pang nawawala.

“Ikaw din.” Sabi ko at medyo natawa pa ako.

“Maganda din ako?” Pabiro niyang tanong.

“Ang gwapo mo.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moonlight Over ParisWhere stories live. Discover now