"She's not my girlfriend" sabi nito kaya bigla naman ako napalunok ng wala sa oras. Ramdam ko naman na napatingin ito sa akin kahit hindi ako literal na tumingin sa kanya "Yet"


"Akalain mo 'yon ang isang Ares Guzman, may natitipuhan" ngising sabi pa nito.


"Gago noon pa, tinago lang ng tanga" sagot naman ni Brent kaya natawa yung dalawa, kita ko naman na umiiling lang si Ares.


Habang naman nag uusap sila na kaharap kami, siniko ako ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. "What?"


"Sa bar counter tayo? Hayaan mo na sila d'yan mag kwentuhan" bulong pa nito. Naisip ko rin na kung hanggang mamaya e andun kami baka maging hangin nalang kami sa tatlo. Tumango nalang ako tsaka na tumayo. Napatingin naman yung tatlo sa amin.


"Where are you going?" pigil na tanong n'ya sa amin


"Dun lang" sabi ni Erica tsaka ito may tinuro. Hindi nag salita si Ares dahil nakatingin lang ito sa akin. Hinili nalang rin ako Erica hanggang sa makaalis na kami sa pwesto na 'yon.


"Ayokong umupo lang doon no." sabi naman n'ya. Umupo kami sa may counter tsaka s'ya may sinabi sa bartender, napatango nalang naman ito. 


"This is my first time--"


"I know girl. Hindi ka naman kasi party girl na kagaya ko. Pero don't worry, hindi naman kita iiwan dito." sabi pa n'ya. Sobrang layo talaga ng buhay ko sa buhay ng babaeng 'to.


"Nakita mo na ba yung mga ibang tweets ni Ares? Nakakaloka ha! Well, hindi naman na literal ka n'yang binubulgar pero pinapakita n'ya na sa lahat na nakakasama n'ya ito or whatsover na tweets na nabasa ko pa." sabi pa nito, napakunot naman ang noo ko.


"Like?" tanong ko


"Check mo ng malaman mo" sabi n'ya habang tinitignan yung bartender. "Gwapo"


Kinuha ko naman ang phone ko tsaka pumunta sa twitter. Bumungad sa akin ang mga tweets n'yang hindi ko nabasa noon. Ilang araw na rin kasi nung last ako naging active sa twitter. Sa instagram na ako madalas active dahil nga't madalas kaming mag usap doon ni Ares.


Ares @AR3S

A movie date? yays


Ares @AR3S

Review + plates + her = complete

When the Rain DropsWhere stories live. Discover now