Part 43

596 32 5
                                    


Jac's POV

"Ano asan na daw si Kaye"tanong ni Fe na nag aantay din sa labas. si Kaye nalang inaantay lahat sila ready na hindi niya alam kung ilang minuto na ang nakalipas mula nung tumawag si Kaye at sinabi nitong papunta na siya.

"on the way na daw siya kanina" tuliro nyang sagot..kinakabahan siya pero di niya alam kung bakit natagpoan niya ang sarili na dinadial na ang telepono ni Kaye, mejo nakahinga siya ng maluwag ng magring iyon.. pero biglang sumikip ulit ang pakiramdam niya ng hindi boses ni Kaye ang naghello.

"Miss, Sorry sinagot ko na hindi ko din kasi alam kung sinong una naming tatawagan sa phone niya"...

"Wait what? what do you mean? gumagapang na ang matinding kaba sa buong katawan niya parang alam na niya kung anong nagyayari pero kailangan niya pa ng tamang sagot mula sa taong kausap niya.

"Maam sorry pero nadisgrasya po kasi may ari ng phone papunta na po kami sa hospital sumunod nalang po kayo sa St. Luke"paliwanag ng nasa kabilang linya...

Nanginginig niyang hinarap si Fe at niyakap ito walang salitang lumabas sa bibig niya puro iyak lang ng iyak parang gusto na niyang panawan ng ulirat pero kailangan niyang maging matatag at puntahan si Kaye.

"Fe diba may lisence ka pagdrive mo ko puntahan natin si Kaye sa hospital please"pag mamakaawa niya dito.

Hinaplos ni Fe ang pisnge niya "be strong okay, sumakay kana sa car ako na muna mag eexplain kina tito" kitanya nito kahit di pa nito alam ang nangyayari..

ilang minuto lang bumalik na si Fe dala dala ang susi at pinaandar na ang sasakyan papuntang hospital kung saan dinala si Kaye.

habang nasa sasakyan walang ibang naririnig kundi impit niyang pag iyak kung nanaginip lang siya sana magising na siya sa isang bangungot kasi hindi na niya alam kung pano pa babangon pag nawala ulit sakaniya si Kaye.

Pag ka park ng sasakyan sa hospital tumakbo siya papasok niyon... hindi na niya alintana kung gaano niya kabilis narating ang reception habang hingal naman nakasunod si Fe sakanya.

"Miss saan po yung room ng knina lang naaksidente"

"Ma'am is it Ms. Karen Jade Cal po ba?

"Yes please asan siya!????"napapasigaw na siya..
"Ma'am kaano ano niya po kayo?"

kung pwede lang hilahin ang dila ng nurse na to na nasa reception ginawa na niya "Girlfriend please tell where Kaye is"

bumuntong hininga to bago ulit magsalita "Maam asa E.R po deritso lang po kayo tapos kanan.

halos liparin na niya ang E.R kung saan andon si Kaye. naabotang niya ang mga nurse at doctor na aligaga naka lock ang pinto ng E.R pero may iilang nurse na labas masok don alam niyang wala siyang mapapala pag nag tanong siya kung ano ng status ni Kaye pero nagtanong pa din siya bakasakaling may makuha siyang sagot.

"Nurse excuse me kamusta yung pasyente"? tanong niya habang nanginginig pa din

"Sorry Miss pero tanongin niyo nlang po si Doc.

Napaupo na lang siya sa mahabang upoan na nandon at isunobsub ang mukha sa sariling mga palad, sumunod din ng upo sakanya si Fe at hinaplos ang buhok niya "Stay Strong Jac" sabi nito na may matinding pag aalala sa mga mata nito.

Tinangala niya ito at niyakap niya ng mahigpit "Kaya ko pa ba maging malakas Fe, samin ni Kaye siya yung matapang ako yung mahina"

"I'm sure Kaye will be alright wag ka ng umiyak"

Nasa ganon silang sitwasyon ng lumabas ang doctor mula sa kwarto.

Doc how's Kaye now?" tanong niya na punong puno ng pag aalala.

"She is okay now pero may mga ilang exam pa kaming gagawin sakanya dahil tumama ang ulo niya sa salamin ng kotse niya, but i aasure you she's fine. "sabay tapik sa balikat niya ng doctor.

Pagkaalis ng doctor kasabay non ang pagdating ni Sophie na humahangos..hinarang niya ang doctor.

tinaponan lang siya ni Sophie ng matalim na titig at umupo ito sa isa pang upoan sa may gilid. umiiyak ito kaya nilapitan niya.. "Sophie she's okay now.

" Jac ako yung kausap ni Kaye bago siya nadisgrasya, sinabi ko kasi na mahal na mahal ko siya"mahabang sabi nito habang nagpupunas ng luha.

kinakabahan siyang napatingin maybe hindi alam ni Sophie ang past nila kasi wala naman siyang nakwento dito at wala din nakwento si Kaye na alam ni Sophie ang about sakanila.

"then what did she say" inosente niyang tanong

mangiyak ngiyak itong niyakap siya. "sinabi niya sakin na mahal din niya ako may aayosin lang siyang importante then accident happened, hindi ko kayang mawala si Kaye ngayon pa na okay na kami ngayon pa nalaman ko na mahal din pala niya ako".

nadudurog ang puso niya sa narinig... kumalas siya sa pagkakayakap sa babae at tinignan niya sa Fe pero wala itong reaction tahimik pa din itong nakaupo sa upoan at nakatingin lang sakanila.

Maang siyang napatingin kay Sophie, taimtim niyang hiniling na sana gumising na si Kaye para masabi nito na hindi totoo mga sinabi ni Sophie, na hindi niya mahal si Sophie kundi siya ang mahal ni Kaye.

tigagal siyang napatayo para siyang mauubosan ng oxigen sa mga narinig hindi niya alam kung mag e stay paba siya at sasabhin kay Sophie ang about sakanila ni Kaye or tatakbo nalang muna siya palayo kasi sa ngayon sa narinig niya hindi na siya sigurado kung siya ba talaga mahal ni Kaye or tama mga sinabi ni Sophie na mahal siya nito at may aayosin lang si Kaye which is sila makikipaghiwalay si Kaye sakanya para sila na Sophie.

pinili niya tumakbo palayo sa lugar na yun hindi niya alam kung saan siya nakarating pero napapagod na mga paa niya, pero ang puso niya gusto pa ding tumakbo parang siya sinasabi ng isip niya na baka tama mga sinabi ni Sophie, pero ang puso niya sinasabing ikaw ang mahal ni Kaye nagsisinungaling si Sophie..

Kaye Cal (Karen Jade Cal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon