Chapter 4. "Somethin' Fishy"

Start from the beginning
                                    

Pagkababa niya. Medyo di pa nasisink-in sa utak ko ang mga happenings. Imagine? May nakipagkaibigan sa akin? Okay, di ko sinabi na friend na kami, pero mga friendship. Nagshakehands kami. At sa tanangbuhay ko, pili lang ang nahawakan ko ang kamay, bilang lang sa isa kong daliri, siguro nakipagshakehands lang ako noong umakyat ako sa stage nong graduation namin ng elementary, medyo takot nga rin yung principal namin sa akin no'n e.

"Amiko?" Nawala at nahinto ang daydreaming ko nang lingunin ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Francis.

"Oh? Bakit?" Asta ko.

"Wala lang" Natatawa niyang sagot saka ngumisi na animo'y parang isang asong hindi maihi o di kaya pusang di maanak. Naglakad siya papunta sa akin. "Bakit di ka pa umuuwi? Inaantay mo ba ako?" Kumpyansa niyang sabi at may kasama pang pagtaas baba ng kilay niya.

"Huh? Ano ka chicks? Uuwi na ako 'no! Diyan ka na nga!"

Naglakad na rin ako pababa ng school building pero di humabol ni Francis, ano naman kaya ang nakain no'n at di ako trip asarin ngayon. Saka ayoko siyang kausapin 'no? Baka kung ano na yung sinabi niya sa mga classmates namin nung tinanong siya kung bakit di siya takot sa akin, remember? Nagtatawanan sila? At ayoko sa lahat ng ganon, mas gusto ko ng kinatatakutan ako kesa pagtawanan.

Napahinto ako sa paglalakad. Seryoso akong nakatingin sa dinadaanan ko. Bakit parang may lungkot ako nararamdaman?

Hindi ko na inintindi kung ano man itong nararamdaman ko. Baka naiinis lang ako dahil hindi sumunod si Francis, minsan kasi nakakasanay na yung paglitaw-litaw niya sa harap ko. Lumabas na ako sa school at hindi ko pa rin ramdam ang presensya ni Francis sa likod ko. Amiko? Don't tell me nag-aassume ka na hahabulin ka niya? Wag ka nga, Amiko!

Naglalakad na ako sa kalsada. Tulad ng nakasanayan. Lahat ng attensyon ng mga tao ay nasa akin, kumbaga para silang nanunuod ng "The Ring" movie sa sinehan and take note, 3D pa!

"Mommy, I'm scared." narinig kong sabi ng isang bata sa dadaanan ko. Napahinto ako.

"Baby, don't worry, Mommy is here." sabi naman ng nanay niya. Halata naman sa mukha ng nanay niya ang pagkadismaya habang may halong inis akong tinitingnan.

Nakakalungkot. Alam mo ang problema sa mga tao ngayon, sa panlabas na anyo sila humuhusga, wala naman silang basehan. Tanging iyon lang. Tanging sa nakikita ng mga mata nila binabase ang panghuhusga nila sa isang tao.

Flok!

Nahulog 'yong laruan na hawak ng bata. So, bilang isang mabuting tao. Pinulot ko ito at inabot sa kanya.

"Ito 'yong laruan mo." Sabi ko sa bata sabay yuko dito para maging level lang kami. Pero like what always happen. Sumigaw siya. And the tendency is.

"LAYUAN MO ANG ANAK KO!" Tinulak ako palayo ng mommy niya. And the worst is nasa kalsada po kami. Hindi ko makontrol ang pagtayo ko dahil lakas ng pagtulak sa akin ng babae.

Peep!

Isang mahaba at matinis na busina ang narinig ko habang may liwanag na nanggagaling sa sasakyan ang malapit nang sumagasa sa akin. Napapikit na lamang ako. Makalipas ang ilang minuto, napamulat ako at maraming tao ang nakapaligid sa akin. Patay na ba ako? Ang dami kong naririnig na bulungan.

Umupo ako sa kalsada. Napansin ko na ang lambot naman ng inuupuan ko. Semento ba 'to? Bakit parang nakaupo ako sa karne ng baboy? Tiningnan ko ang kinauupuan ko. At nagulat ako nang makita ko si.

"F-FRANCIS?" gulantang kong sabi.

"Ayos ka lang ba Amiko?" tanong niya sa akin habang may nag-aalalang tingin sa akin. Nanglaki ang mga mata ko habang nakatulala kay Francis. Bakit ganito? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit tuwang tuwa ang damdamin kong makita na nag-aalala siya sa akin?

May lumapit sa amin at kumausap kung ayos lang ba kami. At kung tatawag daw ba sila ng ambulansya.

"Ah, hindi na po ayos lang kami." Ani Francis sa kumausap sa amin.

Tumayo na kami ni Francis sa pagkakaupo namin at kadramahan dito sa kalsada. Naglakad siya. Tahimik at mukhang seryosong. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero di ko alam kung saan siya pupunta. Mayamaya pa, huminto siya at hinarap ang mga tao.

"KAYO! BAKIT? BAKIT MO SIYA TINULAK!" sigaw ni Francis sa harap ng maraming tao, pero nakayuko lamang ito at mariing nakasara ang dalawang kamao. Halata ang galit sa mga salitang binibitawan ni Francis. Napapunta naman ang tingin ko sa kausap niya, at yun yung mommy nung batang inabutan ko. Halata sa mommy na natatakot sa sinasabi ni Francis at hindi nito makitang tumingin o magsalita.

"ANO BANG NAKAKATAKOT SA KANYA? DAHIL BA SA ITSURA NIYA? GANYAN BA KAYO HUMUSGA? HANDA MONG PATAYIN ANG TAO DAHIL LAMANG SA TAKOT MO? I PITY TO ALL OF YOU, BAKA KAPAG NAKITA NIYO ANG NASA ILALIM NG MGA BANGS NIYA, BAKA MAKAKITA KAYO NG ANGHEL"

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinasabi ni Francis, pero nakatayo lamang ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Naglakad na papunta sa pwesto ko si Francis at hinawakan ang braso ko at saka hinila palayo sa. Naglakad na kami pareho. Para kaming nasa pantasya na maraming mga taong nakapalibot at hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad. Mukang nagkamali ako sa sinabi ko sa umpisa ng story na toh. Siya nga yata talaga ang Knight and Shining Armor ko.

Nakalayo na kami sa maraming tao at malapit na kami sa bahay ko. Huminto si Francis sa paglalakad na kanina pa tahimik.

"Amiko..." Aniya habang hindi nakatingin sa akin.

"Oh!" gulat kong react dito. Sandali siyang natahimik. Naramdaman kong mas lalo humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Patawad..." Nabigla ako sa sinabi niya. Bakit siya humihingi ng tawad?

            "B-Bakit?" Tanong ko.

"Basta patawad..." Pag-uulit niya. Marahan siyang tumingin sa akin. Kitang kita ko ang pagbakas ng  kalungkutan sa kanyang mukha. Ano bang nangyayari?

"H-Hindi kita maintindihan, Francis." Saad ko.

"Basta" Maikling sagot niya saka umiwas ng tingin sa yumuko. Binitawan na rin niya ang braso ko.

Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa habang nakatayo kami rito sa kalsada.

"UMAYOS KA NGANG KUMAG KA!" Sigaw ko sa kanya saka siya binatukan.

"Aray ko naman! O 'yan ka nanaman at nananakot ka na naman." Natatawa niyang sabi. Tiningnan ko siya ng seryoso at para na akong maiiyak. Ti-nap niya ang ulo ko. Habang tinatap niya ako, napansin ko ang galos niya sa braso. Marahil nagalusan siya ng iligtas niya ako kanina sa bingit ng kamatayan.

"Francis, may galos ka!" nagaalala kong sabi dito.

"Saan?" tinignan niya naman ang braso niya. "Sus, malayo yan sa bituka, e mas masakit pa nga na makitang tinulak ka nung babae na yun e"        

Papatayin na ba ako sa kilig ng taong 'to!

"TUMIGIL KA NGA"

"Sadako mode ka na naman dyan, osya! Uwi na ko"

Maglalakad na sana paalis si Francis pero pinigilan ko siya, hinila ko ang polo niya.

"Oh? Bakit Amiko?"

Di ko alam pero bigla ko na lang niyakap si Francis. Matapos ko siyang yakapin, tumakbo ako agad paalis at pumasok na sa bahay.

"Salamat..." nasabi ko na lang sa sarili ko...

                                                                                                                                                      o7�N��

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now