Chapter 12: A day with Him

Magsimula sa umpisa
                                    

“chunji! ano ba! May tao po dito oh!!” sigaw ko, bwiset! Akala ko pa naman concern sya sa akin pero yun pala naiihi lang pala sya! Hayyyyy!

“ehh sa naiihi na ako ehh, bakit nakita mo ba?”  natatawa nyang sabi

“aishhh--- kahit kailan talaga! Nakakainis ka! Akala ko pa naman concern ka sa akin dahil CR toh ng boys! Arghh—“ pagmamaktol ko at pumasok isa sa mga cubicle .

Arghh—nakakainis talaga sya! Pero ano ulit yung sinabi ko? Concern? Patay!!! Baka isipin nyang may gusto na ako sa kanya!!

“hoy poppy! Labas na jan” sabi nya sabay katok sa pinto ng cubicle

“ayoko! I hate you!” arghh—naiinis talaga ako sa kanya! Napaka pervert nya!

“ayaw mo haa, sige bahala ka jan, aalis na ako bahala kang magpalusot kung sakaling may makakita sayo dito” aba! At tinakot pa talaga ako! Pero ano pa nga bang gagawin ko edi lumabas ayoko din namang mag stay sa CR ng boys noh! Hmpft.

“oo na oo na lalabas na!” binuksan ko ang pintuan para lumabas na pero huwahhh!!! Bakit mukha nya kaagad ang nakita ko?! I mean sobrang lapit ng mukha nyasa mukha ko pagkabukas ko ng pinto, tapos nakakunot pa yung noo nya yung isa nyang kamay nakasandal sa may gilid ng pinto tapos nakataas ang isa nyang kilay, 

“bakit sobrang lapit ng mukha mo?”

“tss! Halika na nga” hindi sya sumagot at hinila nanaman nya ako.

“teka nga chunji!! baka may tao pa sa labas! Yung mga fans mong alien!”

“sandali lang at titignan ko” lumabas naman sya para tignan kung meron nga yung mga alien fans nya sa labas.

“wala naman na sila, tara na nga” nauna na syang lumabas habang pasipol-sipol pa,  ako naman sumunod na lang sa kanya.

 |THIRD PERSON’S POV|

Pagkalabas nila sa CR ng boys ay kaagad silang pumunta sa pamilihan ng mga sunglasses, bibili lang naman sila ng pang disguise para hindi na maulit yung nangyari kanina.

Pagkatapos nilang bumili ng pang disguise ay nag grocery naman sila, naiinis naman si poppy dahil kung ano-ano ang binibili ni chunji, iniisip nya na kung bibili sila ng ganito-ganun ehh sino ang magluluto at paano lulutuin? Naiinis rin siya dahil sya ang nagtutulak ng pinaglalagyan nila ng binibili nila.

“chunji  ang dami na nating nabili ohh, tama na toh” nakasimangot nyang tanong

“wait lang last na to” sabay kuha ng isang box ng magnum chocolate

“ang daya mo bakit isang box lang dapat dalawa”

“oo na kukuha na” kumuha naman ng isa pang box ng magnum si chunji sabay bigay kay poppy

“thank you”  nakangiti nyang sabi

“isip bata tara na nga” nauna nang naglakad si chunji sabay tulak nung pinaglalagyan nila ng mga pinamili nila.

 “may pagka gentleman din naman pala”  nakangiting bulong ni poppy sa sarili nya 

 |POPPY’S POV|

Nakakapagod palang kasamang mag grocery tong mokong na toh! Bukod sa demanding na at kung ano –anong binibili na hindi naman kailangan sa bahay napaka bilis pang maglakad! Paano kasi may bigla na lang susulpot na parang kabute sa tabi namin at kukunan sya ng litrato kaya yun imbes na sumbatan nya or kung ano-ano pa umaalis na lang sya dahilan para sundan ko siya!

Heto kami ngayon kumakain sa MCDO, nakakagutom ehh at 3:00 na pala ng hapon hindi namin namalayan ang oras sa dami ng pinamili namin buti na lang at nagkasya sa kotse yung mga binili namin.

“hoy dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka” sita nya sa akin

“paki mo ba ehh sa gutom na gutom na ako”

“tsss” hindi na lang nya ako pinansin at  ipinagpatuloy ang pagkain, kung makasita naman feeling nya kaunti lang yung kinakain nya. Hmpftt-

“bat mo ko tinititigan?”

“ang takaw mo”

“kumain ka na nga” 

Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain ng hindi nag-uusap wala na kaming paguusapan ehh at thankful talaga ako dahil wala na yung mga sumusunod sa amin kanina, hindi rin nila alam na si chunji ang kasama ko dahil sa suot nyang pang disguise.

Malapit na kaming matapos kumain ng biglang yumuko si chunji na kulang na lang ehh sasayad na yung baba  nya sa mesa.

“hoy anung ginagawa mo?”

“huwag kang maingay anjan si Stephanie!” mahina nyang bulong Stephanie? Parang kilala ko yun ah, ahh oo sya yung girlfriend nya,

“yung pumunta sa bahay at hinahanap ka?”  natatawang tanong ko

“aishh huwag kang maingay sabi” at mas lalo pa syang yumuko

Tumingin ako sa likod, nagulat ako ng palapit na sila sa kinaroroonan namin or should I say sa katabing mesa namin sila uupo.

“hoy poppy tumingin ka sa akin”

“huh ba—“  hindi pa ako nakakasagot ng bigla nya akong halikan sa labi. Habang ako hindi ko alam ang gagawin, bakit nya ba ako hinalikan! Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko, halo halaong emosyon ang nararamdaman ko na hindi ko maexplain.

 “ohh ayan babe wala ka nang ketchup sa labi” nakangiti nyang sabi

“What the-“

“tara na babe tapos na tayong kumain” bigla na lang nya akong hinila at dinala sa parking lot at tuloy tuloy na kinaladkad sa harapan ng kotse.

“huwahhhh!! Bakit mo ako hinalikan walang hiya kang ungas ka!!!”

“aishh tumugil ka nga, as if naman na gusto kitang halikan ginawa ko lang yun para hindi ako mapansin ni Stephanie”

“argh--- ehh kahit na!!!! bwiset ka talaga kahit kailan!! Babaero ka pa!!!” sigaw ko sa kanya

“titigil ka or hahalikan ulit kita” seryoso nyang sabi

“aishhh!! Ewan ko sayo!!!”  bumaba ako sa kotse at dun umupo sa likuran ayaw ko syang katabi dahil baka anytime masasapak ko lang ang pagmumukha nya!!  Nakakainis! Ang sarap nyang itapon sa pasig river! Yan kasi napakababaero tapos ako ang gagamitin nya para hindi sya Makita ng pangit na Stephanie nayun!!!

Hindi na sya nagsalita or umangal at nagsimula na syang nag drive,  ako naman tinitignan lang sya ng matalim sa may salamin at alam kung tinitignan nya rin ako sa may front mirror, kumindat pa sya bago tuluyang ituon ang pansin sa daanan.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon