Chapter 12: A day with Him

3.1K 85 10
                                    

|POPPY’S POV|

Nakakainis tong bakulaw na to! Bigla na lang akong hihilain at dadalhin sa mall hindi man lang magtanong kung nakaligo na ako, actually nakaligo na nga ako pero kasi yung suot ko ehh pambahay lang, naka shorts lang ako ng maikli at loose shirt, nakakahiya kaya pumunta sa mall na ganito ang suot mo.

Tapos pinagtitinginan pa nila kami, paano kasi kasama ko lang naman ang sikat na model! Hello talagang titignan nila kami tapos yung mga girls pababa-pataas pa yung tingin nila sa akin kaya heto ako nakayuko lang na naglalakad habang yung isang kamay ko hawak ni chunji. Ewan ko pero nanginginig yung kamay ko hindi naman ako nilalamig, oh baka hawak lang nya kasi yung kamay ko.

“huy bilisan mo nga maglakad, ang bagal mo” sabi nya sabay hila sa akin.

“teka nga chunji!” tinanggal ko yung kamay nyang nakahawak sa kamay ko “saan ba tayo pupunta? Pinagtitinginan tayo ohh?” sabi ko naman sabay tingin sa paligid.

“mag grogrocery nga, ehh ano naman ngayon kung pinagtitinginan tayo?” sabi nya na nakataas ang isang kilay.

“anong ehh—“  hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang nagsigawan ang mag tao sa mall

“huwah!! Diba si chunji yun?”

“teka! Si chunji nga! Yung sikat na model!

“chuuuuuunnnjjjii!!!”

“fvck! Tara na dali” dinumog kami ng maraming tao pero mabilis akong nahila ni chunji sa gitna ng mga fans nya. Tumakbo kami ng mabilis habang hawak nya ang kamay ko.

“poppy dalian mo!”

“teka lang naman! Ang bilis mo tumakbo!”  sigaw ko sakanya

Hinahabol parin kami ng mga fans nya, hindi ko na rin alam kung saang parte kami ng mall ngayon. Sa sobrang lawak ba naman ng mall na toh. Tumingin ako sa likod namin at nagulat ako ng mas lalong dumami yung humahabol sa amin, hindi na lang sila mga fans,  may nasali naring paparazzi kinukuhanan pa nila kami ng litrato habang tumatakbo.

“chunji! may kumukuha sa atin ng picture!”

“anooo?!” bigla syang huminto dahilan para mabunggo ako sa napaka oh so kisig nyang likod.

“sabi ko—“

“chunji! huwah! Sandali lang pa autograph!”

“fvck! Lagot ako neto pag nalaman ito ng manager ko!” naiinis nyang sabi sabay hila ulit sa akin

“saan ba talaga tayo pupunta haa? Ang sakit na ng paa ko!”

Hindi sya sumagot, nagpatuloy lang sya sa pagtakbo at paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa CR ng boys!

“wait! Teka lang!! CR to ng boys!!

“poppy no choice na! tara na!” hindi pa ako nakakasagot pero kinaladkad na nya ako papasok sa CR

Nagulat naman ang mga lalaking nasa loob ng cr, ako naman todo takip ng mata ko mahirap na baka makakita ako ng you know!

“aiishhh—“  naiinis nyang mura

Tapos bigla na lang nya akong yinakap, yun bang as in ang higpit ng yakap nya sa akin, na para bang may kukuha sa aking iba dito, nakatakip parin yung kamay ko sa  mata ko, ramdam ko naman yung may bandang chest nya sa likod ng kamay ko dahil sa sobrang lapit nya sa kin. Bigla na lang tumibok ng mabilis yung puso ko na para bang matatanggal na sya. Hala! Ano ba tong nararamdaman ko! Ang weird!

“sorry”  mahina nyang sabi “lumabas muna kayo”  utos nya sa mga nanood sa amin dito.

Lumabas naman yung mga lalaki, hindi man lang sila nag tanong or tumutol paano kung natatae na sila edi aalis parin sila. Kaagad naman syang humiwalay sa pagkakayakap nya sa akin, tumalikod at umihi sa harap ko!!

Under the Same RoofМесто, где живут истории. Откройте их для себя