CHAPTER 26

5.7K 50 1
                                    

“Today we look forward. Look forward to getting out of here…” everyone laughs. “But today, I would also like to look back…look back on our 5 years here at Ridgeview University… looking back not with anger… but with no regrets. No regrets for what we wanted to do… but did not… what we wanted to say… but could not. And so I say here today… the one thing I wish I had said… the one thing I know I will regret if I never say: Thank you, Julie… for coming into my life… for staying… for not being the perfect girlfriend, but the right one… for changing me to be a better man… a better person…”

“Nanay, crying again.” Sabi ni Ethan. Nagulat si Julie when she felt her twins wiping the tears falling from her eyes.

“Why?” tanong naman ni Eloise.

“Nothing honey. Nanay’s just watching tatay’s graduation video.” Lumingon naman ang dalawang bata sa tv at saka nagbalik ng tingin kay Julie.

“Away ikaw tatay?” Ethan asked. Napangiti naman si Julie and kissed both their cheeks.

“No po, Ethan. Di ako inaway ni tatay.”

“Otey!” at saka na naglaro ulit ang kambal. Julie turned the tv off and went to the kitchen para kumuha ng snacks ng mga anak niya. Hinihintay nilang dumating si Elmo from the site dahil plano nilang magpunta sa mall para ipasyal ang mga bata at para na rin bumili ng gamit nila sa school.

It’s been 3 years since the day the twins were born. Hindi makapaniwala si Julie na ang dating nasa loob pa lang ng tiyan niya ay mga naglalakad at naglalaro na ngayon. Aminado naman siya na nung una, nahirapan siyang magbalance ng time since she went back to school and just graduated last year. Tapos nagtake pa siya ng bar exam. All that while being a hands-on mom. Si Elmo naman kahit busy sa trabaho since he is a well-known architect ay nagagawa pa rin kahit paano na makabond sila.

Habang pinapanuod niya ang kambal na naglalaro ay nakarinig siya ng busina. Agad namang nagtakbuhan ang dalawa papunta sa front door nila.

“Tatay is here!!” sigaw nila Ethan at Eloise.

“Nanay! Tatay’s here na. Let’s go!” sabi pa ni Eloise sa kanya habang hinahatak na siya nito.

“Okay, honey. Wait lang. Nanay will get your things.” natatawang sabi niya. “Yaya, mauna na po kayo sa kotse. Kukunin ko lang yung bag ko.” Sabi niya sa yaya ng kambal.

“Sige po, ma’am.” At lumabas na nga ang mga ito.


“Tatay!!!” sigaw ng kambal at saka pa patakbong nagpunta kay Elmo. Agad naman silang sinalubong ni Elmo ng yakap and carried both of them.


“Kiss tatay na.” pinupog naman ng kambal ng halik ang mukha ni Elmo.

“Hahaha. Where’s nanay?” tanong nito.

“Inside pa. Kuha ng things niya.” Ethan answered.

“Oh. Okay. You wait inside the car ha? I’ll go inside first.” At pinapasok na nga niya sa kotse ang kambal pati na rin ang yaya nito.

Julie was still in their kids’ room dahil inaayos niya pa ang mga nagkalat na libro at laruan nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya. She smiled dahil alam na niya agad kung sino yun.

“Bakit pumasok ka pa? Iniwan mo yung kambal sa labas?” she asked. Hinigpitan lang naman ni Elmo ang yakap sa kanya and even kissed her cheek.

“Wala lang. Sosolohin muna kita kahit 5 minutes lang. Tsaka kasama naman nila si yaya sa kotse eh.” He answered and kissed her cheek again. Hinarap niya si Julie sa kanya and the latter wrapped her arms around his neck. “I missed you.” Sabi niya at saka pa pinagdikit ang mga noo nila.

“I missed you too.” Julie replied and gave him a kiss on the nose.

“Ang boring kanina sa site. Feeling ko tuloy ang baho ko na.”

“Hm. Hindi naman ah. You smell good naman. Parang bagong ligo pa nga eh.” Sagot naman ni Julie while smelling him. “Bango-bango ng baby ko ah.”

NEVER KNEW I NEEDEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon