Mula sa kakaibang lugar...
Maraming humahanga sa taglay na kakisigan at kagandahan ng mag asawang Jaime at luisa ngunit hindi lang yun ang hinahangaan ng mga tao sa lugar nila kundi pati ang kabutihan at kabaiitan ng mag asawa. Hindi man marangya ang pamumuhay ng mag asawa ay sapat lang para makatulong sila sa mga taong nangangailangan. Sa tagal ng pagsasama ng mag asawa ay hindi pa rin sila nagkaka-anak, hirap si luisa na magdalang-tao.
Isang gabi, sobrang lakas ng ulan, kulog at kidlat, naghahanda ang mag asawa ng kanilang makakain ng gabing iyon ng may kumatok sa kanilang pintuan.
Tok! Tok! Tok!
"Mahal, pakitingnan naman kung sinong tao sa labas may narinig kasi akong kumatok." sabi ni luisa sa kanyang asawa, tumango lamang ito at naglakad na papunta sa pintuan. Inihahanda na niya ang pagkain sa lamesa habang inaantay ang asawang bumalik.
"MAHAL!" narinig niyang sigaw na tawag ng kanyang asawa kaya naman mabilis niyang pinuntahan ito.
"Bakit mahal, anong nangyari?" natatarantang nag-aalala niyang tanong sa asawa ng makita niyang may kasama itong matandang babae at bata na basang basa ng ulan halos na mumutla na rin at na nginginig sa lamig.
"Paki dala sila sa kabilang kwarto sa taas mahal, susunod ako kukuha lang ako ng pamalit nila at tuwalya" mabilis na sabi niyang muli sa kanyang asawa.
Agad namang sumunod si Jaime at dinala na ang mga ito sa kwato. Nagmamadali namang pumunta si luisa sa kanilang kwarto ng asawa at agad na kumuha ng damit niya na hindi pa nagagamit para maipasuot sa matanda, wala naman silang anak kaya wala siyang damit na pangbata kaya kumuha sya ng isa pa nyang damit at ginamitan nya ito ng kapangyarihan,majeka pero mas tinatawag nilang charm. Ginamit niya ang kanyang charm para mapaliit ito na tama lang nakakasya sa bata.
Nang matapos na si luisa ay agad naman syang pumunta sa katabing kwarto.
"Ito po,gamitin nyo pong pamalit hindi ko pa po nagagamit yan, sa tingin ko eh kakasya naman po yan sainyo" magalang na sabi ni luisa sa matandang babae habang inabot dito ang damit.
"Carmela, Nay mela na lang ang itawag ninyo sakin at ito naman ang apo ko, salamat nga pala sainyong pagpapatuloy ija, ijo"
"Ako naman po si luisa at ito naman po si Jaime asawa ko po, Walang anuman po iyon masaya po kami ng asawa ko na nakakatulong kami" pakilala ni luisa at ngumiti dito.
"Sige po Nay mela magpalit na po kayo duon, si luisa na lang po bahalang mag ayos at magpalit sa apo nyo para na rin po makakain tayo siguradong gutom na rin kayo at itong bata" sabi ni jaime kay nay mela habang tinuturo ang banyo dito sa loob ng kwarto.
"Ah sige, ijo, ija magpapalit na ako," agad naman tugon ni nay mela at pumunta sa banyo.
"Bababa na ako mahal ihahanda ko na lang ang kakainin natin, ikaw na bahala sa apo ni nay mela" paalam naman ni jaime sa asawa.
"Sige mahal, ako na bahala dito, dagdagan muna lang ng plato't kubyertos na ihanda ko na kasi sa lamesa ang pagkain kanina, i-init mo na lang kung lumamig." sagot naman ni luisa at hinalikan muna ito ni jaime sa noo bago bumaba.
***************
"Nay mela ano po pala nangyari sa inyo at napadpad kayo dito sa aming lugar?" tanong ni Jaime habang sila ay kumakain.
"May nangyari kasi sa lugar namin, bigla na lang nagkaroon ng sunog na kulay itim ang apoy tanging ang apo ko lang ang kasama ko sa bahay namin kasi tumulong ang anak ko at asawa niya sa pagpatay ng apoy hindi ko na alam kung anong nanyari sa kanila dahil lumabas na ako ng bahay bitbit ang apo ko nasusunog na kasi ang bahay. Wala na akong halos makitang tao ng lumabas ako, sobrang lakas na ng apoy kaya umalis na ako ng lugar namin, ipinagdarasal ko na lang sana eh makaligtas ang anak ko at ang asawa niya. Nang makalayo na ako sa lugar namin bigla namang bumuhos ang ulan kaya naghanap ako ng matutuluyan, itong unang bahay ang nakita ko kaya dito na ako sa inyo kumatok." habang kwento ni nay mela, halatang nalulungkot sa nangyari may iilang butil na rin ng luhang kumakawala sa kanyang mga mata.
YOU ARE READING
Fantasia: Enchated Charm Academy
FantasyFirst time ko lang mag sulat ng story, kaya pasensya na sa mga WRONG GRAMMAR and SPELL.... ☺☺☺☺
