Reminder:
Plagiarism is a crime.
"Bakit kailangan mo pang umalis? Kailangan ka ng anak mo rito, kahit 'yon lang man ang isipin mo," halos manginig ang tinig ni Gilmore nang sabihin ito.
"Kailangan ko itong gawin, matagal na panahon akong naniwala sa isang kasinungalingan at ngayong batid ko na ang katoohanan ay hindi ko na hahayaan lamang na wala akong gawin," saad naman ni Eden.
"Paano si Zane? Hindi ko maaaring imulat siya sa katotohanan sa mura niyang edad, ganyan ka ba talaga ka makasarili Eden?" sinusubukan niyang maging kalmado ngunit hindi niya mapigilang hindi madismaya sa mga maaaring mangyari. For all these years akala niya maayos na ang lahat, lalo na nang dumating si Zane ngunit dahil sa isang nakaraan ay magugulo ang kasakukuyan.
"Walang magbabago, anak ko si Zane ngunit kailangan ko itong gawin. Sa matagal na panahon ang tanging inisip ko ay ang pamilyang ito, lahat ng pagmamahal na maaring ibigay ng isang ina ay binuhos ko kay Zane at sa lahat ng tao ikaw ang nakakaalam no'n."
Napakuyom ng palad si Gilmore. Naintindihan niya ang nais nitong sabihin at iyon ang ikinagagalit niya.
"Paano naman ako Eden? Paano na ang pamilyang binuo natin?"
"Simula pa lang alam na natin ang totoo kaya huwag kang umasta na parang may binuo kang pamilya. Mahal ko si Zane at iyon ang importante sa akin," pagdiddiin ni Eden.
"Sige umalis ka! Kung iyan talaga ang gusto mo hindi kita pipigilan ngunit sisiguraduhin kong wala ka nang babalikan pa!" Galit na sambit ni Gilmore.
Nagulantang si Eden sa sinabi nito, hindi niya ito nais na mangyari ngunit kailangan niyang panindigan ang nabuo niyang desisyon.
"Mom what's wrong?"
Mabilis na pinahid ni Eden ang mga luha kusang umaagos mula sa mga mata niya nang marinig ang boses ng anak mula sa kanyang likuran. Si Gilmore naman ay bumuntong hininga at agad na lumabas ng pintuan.
"Nothing baby, are you done already?" Baling ni Eden kay Zane.
"Yes mom, shall we go now?" Sabi nito na may malapad na ngiti. Excited siya palagi kapag pupunta sila sa bahay ng ninang at ninong niya. Naglalaro kasi sila doon ng kaibigan niyang si Pauline at hindi lang 'yon, nandoon din kasi si Leigh ang bestfriend ni Pauline. Gusto niyang inaasar ito at tinutukso palagi. Minsan napapaiyak pa nga niya ito, napapangiti siya kapag naaalala ang mga pagkakataong napapaiyak ito sa panunukso niya.
"Yes baby, let's go," sabi ni Eden at hinawakan ang kamay ng anak.
"Mom please, I'll be nine years old five days from now, I'm not a baby anymore," nakangusong sabi nito sa ina.
"Even when you're already a hundred years old you'll still be my baby," sabi niya at hinalikan sa noo ang anak.
"I love you mom," sagot naman nito at niyakap ang ina.
Kinukurot ang puso ni Eden ngayon. Alam niyang masasaktan ang anak sa gagawin niya ngunit umaasa siya na balang araw ay maiintindihan siya nito.
"I love you more baby," sabi niya at niyakap pabalik ang anak. Pinigilan niyang muling umagaos ang luha mula sa mga mata. Si Zane na mismo ang umalis sa pagkakayakap at hinila na nito ang ina palabas ng pintuan upang makaalis na sila.
Pagdating nila sa bahay nina Fred at Amzel na siyang ninang at ninong ni Zane ay sinalubong agad sila ni Pauline. Masayahing bata si Pauline, marami lagi itong mga kuwentong interesnte. Kasama rin nito ang kaibigang si Everleigh, mabait at tahimik itong bata ngunit kapag nakausap mo na ito ay alam mong maraming mga mahahalagang bagay ang nakapalikod sa kanyang katahimikan.
"Hello po tita, magandang araw po!" Masiglang pagbati ni Pauline sa kanila.
"Magandang araw po," kiming pagbati naman ni Everleigh.
"Tara sa likod bahay, laro tayo do'n," aya ni Pauline habang nakatingin kay Zane at hila naman ang kamay ni Everleigh.
"Okay kids, just be careful," sabi ni Eden." Zane be good okay?" Baling niya kay Zane.
Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito at ang mga mata ay nakatingin kay Everleigh na ngayon ay nakayuko.
"Yes mom," sabi ni Zane at tumakbo na papuntang likod bahay, sumunod naman si Pauline na hila-hila pa rin ang kamay ni Everleigh. Nang tuluyan nang makaalis ang mga bata ay lumisan na rin ang ngiti sa labi ni Eden, pumasok na siya sa bahay upang makausap sina Fred at Amzel na malapit din niyang mga kaibigan. Sila lang ang napagsasabihan niya ng mga bagay na kinakaharap niya at ngayon ay kailangan niya ang kanyang mga kaibigan.
.....
"Zane ano na naman ba ang ginawa mo? May kinuha lang akong laruan sa loob tapos pagkabalik ko ay umiiyak na si Ev, pasaway ka talaga!" bulyaw ni Pauline sa kaibigan.
"I did nothing, she's just over reacting," sabi ni Zane.
Habang si Pauline ay pinunasan ang luha nga kaibigan.
"Anong wala Zane? Ano pala 'yan?" Sambit ni Pauline habang nakaturo sa maliit na bag na nakasabit sa sanga ng kahoy. "Ikaw Zane ha, palagi mo na lang pinati-tripan si Ev, nakakainis ka na!" Sabi ni Pauline kay Zane. "Ev don't worry ipapakuha na lang natin 'yang bag mo kay Manong Eddie huwag ka nang umiyak ," sabi ni Pauline habang patuloy na pinupunasan ang luha ng batang si Everleigh.
"Know what Leigh? You're so grumpy, a toothless grumpy." Sabi ni Zane sa umiiyak pa rin na si Everleigh.
"Ikaw ang grumpy! Ikaw! I hate you!" Sigaw ni Everleigh at tumakbo na ito paalis.
Kumunot ang noo ni Zane, tila hindi makapaniwala na sinigawan siya nito. Kahit kasi anong pang-iinis niya dito ay hindi ito lumalaban sa halip ay umiiyak lamang.
Pagkatapos no'n ay hindi na nagpakita si Everleigh sa kanya hanggang sa nakauwi na sila. May rumehistrong bigat sa loob niya kapag naaalala niya ang araw na huli niyang napaiyak si Everleigh, lalo na siguro dahil iyon na pala ang huling paglalaro na magkasama sila.
Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin mawala sa isip niya ang batang babaeng lagi niyang pinapaiyak noon. Magkikita pa kaya sila? Iyakin pa rin kaya ito? Naaalala pa kaya niya ako? Mga tanong na nanatili sa isipan ni Zane at sa pagdating ng tamang panahon ay nais hahanapan niya ito ng mga kasagutan.
YOU ARE READING
Spellbound Hearts
General FictionThe young Everleigh's fragility was justified by her tears while the young Zane's grouchiness was defined by constantly making her cry. But that was a very long time ago during their childhood days. Now that they are not young anymore, things are d...
