AFTER NIYANG SABIHIN YUN AY NAGHIYAWAN NA YUNG MGA ISTUDYANTE NA HALATA NAMAN NA BINAYARAN NIYA!

"Oopps.. fans.. please quiet muna aaa.. magpapakilala pa ako" sabi nito. Tumahimik naman ang lahat at pumagitna siya.

"Hi.. gulat kayo noh? Akala niyo nasa harapan niyo ang lahat ng Disney Princess.. Pero normal lang yan.. dahil nasa harapan niyo talaga sila.. sumanib ang kanilang ganda sa iisang tao.. at yun ay nasa inyong harapan.." pagpapakilala niya na nagboboses babae pa kuno. "Ako lang naman si Cazi.. Queen C kung tawagin ng lahat.. ako ang nag-iisang Living Barbie doll hindi lang ng campus na ito.. kundi ng puso ng lahat ng kalalakihan.."

Dfuq!

"Cazi! Cazi! Cazi!"

"Cazi! Cazi! Cazi!"

"Cazi! Cazi! Cazi!"

"Cazi! Cazi! Cazi!"

"Cazi! Cazi! Cazi!"

(>_____>!)

"Thank you... for the support guy's.. Hindi ko ineexpect to.. Nag abala pa talaga kayong pumunta at magtipon dito na maipakita lang ang suporta niyo sa akin.. Wag kayong mag-alala di ko kaya bibiguin.. dahil bukas wala ng ibang mananalo pa.. kundi ako at ang aming Grupo!"

Parang sinasarili na niya ang stage aaa...

"Cazi! Cazi! Cazi!"

"Cazi! Cazi! Cazi!"

"Cazi! Cazi! Cazi!"

"Cazi! Cazi! Cazi!"

"Cazi! Cazi! Cazi!"

SIGAWAN TAPOS PALAKPAKAN..

"Sige guy's.. may kaylangan pa akong ipahiya dito.." sabay tingin sa akin. "Ihanda ang inyong tawa para sa isang talunang bata.."

Nagtinginan kameng dalawa. Tinignan ko talaga siya ng masama! Di ako papayag na matalo ng baklang yan!

Binigay na niya yung mic sa moderator. Pagkatapos nun ay nagsimula na ulit itong mga magsalita.

"Napakainit agad ng laban.. pero para malaman na natin kung sino ang deserving sa kanila sa pamamagitan ng debateng ito ay bubunot na kame ng Leader attitude na mapaguusapan nilang dalawa" sabi ng isang moderator.

"At ang nabunot nga natin ay... As a Fair Leader.."

"Ay gusto ko yan mas bagay sa akin.. dahil ako ay mas mukhang Fairy Leader kaysa sa kanya!"

HA?! ANO DAW!

"Fair po Ms. Cazi.." paglilinaw ng moderator. Tumawa yung ibang nasa stage ganun din ako.

"Nagjojoke lang ako.. para naman di siya kabahan" sabay turo sa akin.

Tapos nagcheer nanaman yung mga bayad niyang mga supporter!

"For your information di ako kinakabahan.." nagulat nalang ako ng bigla kong sabihin yun sa may mic. Goshhhh!

Then some of the people reacted on that. "Boooooooooo!" putcha parang napahiya naman ako dun.

"Okay to start the debate eto po ang mahiwagang tanong tungkol sa kategoryang nabunot namin..." tapos binasa na nung moderator yung tanong. "As a fair leader.. sang-ayon ka ba pangongopya/pangongodigo ng isang istudyante sa loob ng klase?"

Agad akong nagbuzzer! Gusto kong mauna sa sagot na hindi.

"Mr. Hernandez?"

"Ang sagot ko po ay Hindi.." sagot ko. "Para sakin mas patas siguro kung ang parehong mag-aaral ay mag-aaral para sa bawat exercises na pinapagawa sa kanila ng mga teacher.."

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Where stories live. Discover now