comments please

82 5 7
                                    

here I am again, watching him from a distance. Glancing at his angelic face, well that's my favorite hobby. Wala eh, I can't make a move para makipagclose sa kanya. 

matagal ko na siyang crush, actually love na nga ata agad 'yun.

nagstart  kasi 'yun nung maging school mate ko siya nung highschool. I was 2nd year highschool that time, at siya naman ay transferee sa 3rd year namin. Unang tingin ko pa lang sa kanya nun feel ko na may something na nga. Love at first sight ata tawag dun? 

haaaayyy, ngayong college na din ako, sinundan ko talaga siya dito sa school at tinake ko din ang course na tinake niya. 

ala stalker ba?  hindi naman. Gusto ko lang talaga siya makita araw-araw para inspired sa pag-aaral.

ay teka pala, di ko pa nasasabi name niya, siya nga pala si Pio Calix. But I prefer calling him PC, bukod sa relate 'yun sa IT gaya namin, 'yun na din kasi ang code ko para matawag ko siyang my Prince Charming. 

nandito nga pala ako sa may likod ng halamanan. Nandito kasi silang magbabarkada sa may garden, nagjajamming. 

why ako nasa likod? Eeeehhh, hindi ko nga po kasi kaya magpakita at makipagclose sa kanya. Nahihiya ako. 

"Hoy bruha, nandito ka lang pala!", pasigaw na sabi at may kasama pang tapik sa likod ko itong si Remi,

nagitla tuloy ako, at ramdam kong narinig kami nina PC.

lagot! tumingin siya at humakbang papalapit sa amin. 

tumayo na lang agad ako dahil kita na din naman nila ang luka kong BFF. Kunwari na lang may nakuha ako sa halaman. Finocus ko sa kunwaring hawak ko ang tingin ko, para mukhang kapanipaniwala.

"S-sa wakas nakuha ko din ang kailangan ko." kunwaring masaya kong usal.

"Ali-" iimik pa sana si Remi, buti na lang natakpan ko agad ang bunganga niya. phew!

hindi na humakbang si PC pero ramdam kong nakatingin pa rin siya kaya hinigit ko na si Remi papalayo,

"Hey wait!", si PC. gosh! ang ganda talaga ng boses niya. It was a harmony into my ear.

nilingon ko siya, pero hindi ko pinahalata syempre 'yung nafifeel ko. Alam niyo naman.

"Y-yes po?" ako 'to. Oh my! tinititigan niya ako, ang ganda ng mga mata niya. 

"Ikaw si Leb di ba? schoolmate kita nung highschool." nakangiti niyang sabi, "Dito ka pala pumasok ngayong college." dugtong pa niya.

"A-ahm..opo. aaaahhh... Si-sige po kuya. May gagawin pa po kasi kami. Ba-bye po." at dirediretso na nga kami umexit from that area. My gaaad! para akong aatakihin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

I can't believe it!

Oh my, hindi talaga ako makapaniwala! 

He know me.. 

tapos... tapos nginitian pa niya ako. 

Woooooooohhh!!! my heart wants to jump out, pero syempre hindi pede, matitigok ako eh.

*snap! *snap!

"Mukhang hindi makaget-over ah..Hoy! ano gang ginagawa natin dine?" si Remi pala, nakalimutan ko ng nakaladkad ko pala siya papunta dito sa may maintenance room. Ewan ko ba at dito ko siya nadala, hahaha.. Lipad ang isip ko eh and she's right, hindi pa talaga ako nakakaget-over.

"Ooopsy! hahaha, sorry BFF! tara ng lumabas. may klase na tayo." at nagtungo na kami sa room namin.

.

PALAMIG CUPSWhere stories live. Discover now