chapter 29

201 3 0
                                    

chapter 29

lunch na nandito ako sa isang resto naglulunch syempre, habang kumakain napatingin ako sa kaharap na table nandito na pala si arriane kasama si slater , sila yung nasa tapat ng table ko sabi ni slater hindi na tuloy kasal bat parang sweet padin sila kong maglandian parang wala namang nagbago , niloloko lang ata ako nitong panget na to e , PDA much hindi ba nila alam na restau to, madaming tao , may mga bata .kainis nakakawalang gana tuloy , ang lalaswa! , teka nagsusubuan lang naman sila ano naman malaswa dun , grabe naman ako makapagreak, haha! Wag mo sila pansinin tintin , kumain ka nalang , concentrate

kain

kain

kain

guy : hi miss !?

napaangat yung ulo ko , sino naman tong sturbo sa pagkain ko , nanlaki ang mata ko , its Marcus napatayo ako at niyakap sya niyakap nya din ako

tin : omigosh! I miss you , long time no see (namis ko naman talaga tong tao na to kaya kahit ang daming tao napayakap talaga ako sa kanya )

Marcus : you really miss me that much ah..

Tin : yah so much! , so how are you? Kylan ka pa dito?

Marcus : im pretty good. Mamaya na tayo magkwentuhan kumain na muna tayo at nagugutom na ko

Tinawag ni Marcus ang waiter at nag order na ,napatingin ako sa table nila arriane nakatingin lang samin si slater kaya nagsmile ako ,napalingon tuloy si arriane at kumaway , kaya nag wave back din ako, naguusap kami ni Marcus kong anu ano nagulat nalang ako at may taong sa harap ng table namin lumapit pala samin si arriane na kaholding hands sila ni slater napatingin ako sa kamay nila, sabay tingin ko kay slater hindi ko alam pero ewan parang may something akong naramdaman nagbesohan lang kami ni arriane at nauna na silang umalis, nung kami nalang ni Marcus.

Marcus : Sinu yung mga yun? bakit ang sama ng tingin sakin nung lalaki.

Tin : aa x husby ko yun at fiancé nya, ( habang tuloy lang ako sa pagkain )

Marcus : talaga, yun yung dad ni tracy , kaya pala kamukha e. ,sayang ang gwapo pa naman , suplado nga lang

Tin : wag mo ng pagnasaan , may fiancé na oh , sabay nguso sa papaLayong slater at arriane ) haha! 

Tama po baklita po si Marcus hindi lang puh halata kasi lalaking lalaki po sya magsalita , manamit , pagkilos wala po kayong makikitang bakas ng pagkabaklita nya , machong macho , papable talaga , ala knight and shining armour pero deep in side pusong babae po sya , haha! Ako lang po ang nakakaalam ng secreto nya at mom and dad ko, tumira din to sa bahay naming sa states ,kaya maski si echo nagseselos dito , meron pa ngang minsang nagpanggap kami na magjowa para lang matigil ang mommy nito na ereto kong kanikanino.

Marcus : gaga! ( kinurot ang ilong ko )

Tin : aray!  ( inalis ko yung kamay nya ) marc san ka ngayon ?

Marcus : hotel lang , 2 days na ko dito sa phil. hindi ako makauwi samin lam mo naman mom ko hahanapin ka lang nun honey ewwwwwww

Tin : hahaha! ( yan tawagan naming sa harap ng pamilya nya , kinikilabutan nga daw sya e. haha! ) gusto mo sa bahay ka nalang tumira , kami lang naman ang nandun ni tracy

Marcus : hindi ba nakakahiya?

Tin : sa kapal ng mukha mong yan ngayon ka pa nahiya , haha!

Marcus : makakapal naman girl! Cge na nga ,

Tin : ( inabot ko sa kanya susi ng kotse ko ) hatid mo ko sa opis ko , haha! Tinatamad ako magdrive.

Marcus : tara lets! ,( inakbayan ako , at naglakad na kami papuntang parking lot )

Marrying stranger <3Where stories live. Discover now