I wish ako naman ang mapansin nila...
I wish ako naman sakin naman nila ituon ang atensyon nila..
I wish na makita naman nila yung mga ginagawa ko para sa kanila..
I wish sakin naman sila maProud...
I wish yung tama naman na ginagawa ko ang mapuna nila hindi yung puro mali nalang...
Siguro hanggang wish nalang yun, kasi alam ko naman sa sarili ko na hinding hindi na mangyayare sakin yun..
Natawa nalang ako ng mapakla habang naglalakad ako pauwi, pagkapasok ko ng gate bumuntong hininga muna ako bago pumasok ng bahay
" Kaya mo yan Katerine, aja! " sabi ko sa sarili ko at pumasok na ng bahay
Naabutan ko sa sala ang dalawa kong kapatid na lalaki ay naglalaro ng play station habang ang tatay ko naman ay nakaupo sa kabilang sofa nagbabasa ng dyaryo at ang nanay ko naman ay nakatayo sa habang nakapamewang at nakatingin sakin, hays ito na naman po tayo...
" SAN KANA NAMAN GALING BATA KA AT GINABI KANA NAMAN NG UWI HA?! LUMANDI KANA NAMAN SIGURO NOH! ANLANDI LANDI MO! BAT DI MO MUNA UNAHIN ANG PAG AARAL MO HA?! LAGI NALANG GANYAN! AYUSIN MO BUHAY MO KATERINE! " Sabi ng nanay ko, napapikit nalang ako ng madiin at tumingin sa kanya
" Hindi naman po ako lumandi ma, gumawa po kasi kami ng project na--
" GUMAWA NG PROJECT?! ULUL WAG AKO KATERINE! ANG SABIHIN MO LUMANDI KA! BAKIT GANYAN KANG BATA KA HA? DI NAMAN KITA PINALAKI NG GANYAN HA?! KAILAN KAPA NATUTONG LUMANDI?! ANO SUMAGOT KA KATERINE! "
Lagi nalang... hays.
" Mama gumawa nga po kami ng project, hindi po kami lumandi, tanungin niyo pa po sina Jassy... "
" AT KAILAN KAPA NATUTONG SUMAGOT HA?! WAG MONG IDAMAY MGA KAIBIGAN MO SA KALANDIAN MO! SANA HINDI KA NALANG NABUO! "
Thats it.. naiyak nako, hindi ko na kinaya mga sinabi ng nanay ko sakin, tumakbo ako palabas ng bahay habang umiiyak
" SANA HINDI KA NALANG NABUO! "
" SANA HINDI KA NALANG NABUO! "
" SANA HINDI KA NALANG NABUO! "
Yan ang pinaka masakit na narinig ko mula sa nanay ko..
Tumakbo ako ng tumakbo hanggat sa makarating ako sa park ng subdivision namin, umupo ako sa isang upuan at umiyak ng umiyak.
Lagi nalang sila ganyan, lagi nalang ang mali ko ang pinupuna nila, hindi man lang nila napapansin yung mga ginagawa kong maganda para sa kanila, katulad nung pinakita ko sa kanila yung grades ko
FLASHBACK:
Tuwang tuwa ako na nakuha ko na ang card at pangalawa ako sa top sa aming klase, umuwi ako sa bahay na may malaking ngiti sa aking mukha, tuwang tuwa siguro si mama sakin pag nakita niya toh, siguro ipagmamalaki na niya ako sa lahat..
Tumakbo ako pauwi at pinuntahan si mama
" Mamaaaaaaaaa! " sigaw ko, pagkapasok ng bahay, nakita ko siya sa kusina na umiinom ng kape, lumapit ako sa kanya at pinakita ang card ko...
" Mama! Tignan niyo po grades ko oh, ang tataas.. Wala po akong bagsak, pangalawa po ako sa klase namin." Tuwang tuwa kong sabi kay mama habang pinapakita sa kanya mga grades ko na matataas
" Ito ba yung sinasabi mong mataas na grades ha Katerine? Eh ang bababa padin nito, ang gusto ko Una ka sa top sa klase niyo at dapat lahat ng grades mo ay mas mataas pa dapat dyan, naiintindihan mo ba? " tinapon niya sa sahig yung card ko pagkatapos niyang sabihin yun at uminom na ulit ng kape..
" Opo ma.." malungkot kong sabi at pumuntang kwarto at dun ako umiyak ng umiyak..
- END OF FLASHBACK -
Pero pag mga kapatid ko, tuwang tuwa siya pag mataas ang grades nila kahit mas mataas pa grades ko, nagcecelebrate sila nagluluto si mama ng paborito nilang pagkain, pero ako? Hinding hindi ko yan naranasan sa mga magulang ko.. kaya habang nagcecelebrate sila nakatingin nalang ako sa kanila ng malungkot.
Naiinggit? Oo sobra, sobra akong naiinggit sa mga kapatid ko, sila kasi lagi ang pinagtutuunan ng atensyon ng magulang namin..
Masakit? Oo sobra, sobrang sakit na minsan naiisip ko na magpakamatay nalang kasi wala din naman akong halaga sa kanila at baka matuwa pa sila pag nangyare yun..
Bakit? Anak din naman nila ako ah? Tao lang din ako na kailangan ng atensyon at pagmamahal nila, tao lang din ako na may karapatang sumaya.. bakit ganun?
Gusto ko lang naman ng atensyon at maramdaman ang pagmamahal nila, bakit ganun hindi nila magawang ibigay sakin kahit sandali? Ganun ba kagrabe ang pagsisisi nila na nabuo ako?
Minsan iniisip ko, ampon ba ko at ginaganito nila ako?
Tumayo ako naglakad lakad habang umiiyak padin, di ko pinapansin kung sino man masanggi ko basta lakad lang ako ng lakad habang umiiyak ni hindi ko na makita yung dinadaanan ko...
*beep beep*
Tumingin ako kung saan nanggaling yung busina ng sasakyan, pagkatingin ko sa harapan ko may truck na papalapit sakin, pumikit nalang ako ng madiin, di ko pinansin yung mga taong sumisigaw at sinasabing tumabi ako
Hanggang sa naramdaman ko nalang na tumalsik ako at bumagsak sa lupa
" Mahal na mahal ko kayo mama, sana sumaya kayo na wala na ako.." sambit ko bago ko ipikit ang mata ko..
-
Dear Mama, Papa at mga kapatid ko,
Hi Mama! di ko maintindihan kung bakit ayaw na ayaw mo sakin at kulang nalang na itakwil moko bilang anak mo, Mama masakit, nasasaktan ako ng sobra ma lalo na sa tuwing sinasigawan mo ko ng mga masasakit na salita, tinanggap ko yun ma kasi alam kong pag sumagot sagot ako sayo papagalitan mo lang ako lalo. Pinipilit ko nalang po na intindihan ko kayo palagi kasi ayaw ko kayong iwan at gagawin ko ang lahat para lang maging proud kayo sakin. Naiinggit po ako sobra sa mga kapatid ko ma, kasi sila nabibigyan mo ng atensyon at pagmamahal habang ako hindi, ma kailangan ko din ng pagmamahal niyo, anak niyo din po ako na kailangan ng atensyon at pagmamahal niyo pero bakit hindi niyo po maibigay sakin kahit sandali? Ganun po ba kalaki ang galit niyo sakin? Ganun po ba ang pagsisisi niyo kung bakit niyo pa ko niluwal sa munding toh? Ma karapatan ko din po yan lahat, kasi anak niyo din po ako. Ay oo nga pala mama may medal na tinago ako kasama nitong sulat, para sa inyo po yan, award ko po yan nung graduation namin nung high school, ma grumaduate ako bilang summa cumlaude dapat kayo po yung magsasabit sakin ng medalya pero hindi po kayo dumating kahit nung tinawagan po kayo ng teacher kasi ayaw mo daw mapahiya sa harap ng madaming tao, umakyat ako ng stage ma kahit ako lang mag isa, nagpigil ako para hindi umiyak kasi halos lahat ng kaklase ko kasama magulang nila samantalang ako walang kasama.. Ma, mahal na mahal ko po kayo, alagaan niyo po mga kapatid ko ah? Siguro wala na ako ngayon ng binabasa niyo toh, sana maging masaya na po kayo mama :) Salamat po sa lahat.
Nagmamahal,
Katerine
YOU ARE READING
I WISH (Short Story)
Short StoryThis is a story about Katerine.. A girl who needs attention and love by her parents. Just read it.
